Please, comment and vote. Please 🙏
***************0o0****************"sweetheart, huwag munang maligo sa dagat, okay? kakatapos mo pa lang kumain."
bilin nya sa paslit habang pinupunasan ang mga nahugasang plato, baso at kubyertos. nakasuot na kasi ng rashguard ang bata kaya pinigilan nya ito.
"okay po, Mama." ang masunuring tugon nito sa kanya. "pero can i make a sand castle with Lala po? promise, hindi po ako maliligo sa dagat. please? pwede po?"
ungot nito na pinagsiklop ang mga palad, pinalobo ang mga pisngi at ngumuso pa. walang ina na hindi bibigay kung ganito ka-cute at loveable ang anak nya.
"okay, okay. payag na ako." aniya na dumukwang at pinupog ng halik ang malulusog nitong pisngi. the little gal giggled loudly and hug her.
"just don't go to the waters yet, ha? you might get your legs cramped. understood, Asha?"
nakangiti itong tumango at kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
"thank you po, Mama!" anito na tumakbo palabas ng pinto, bitbit ang munting balde na may kasamang shovel. masaya nyang pinagmasdan ang anak hanggang sa makababa ito ng hagdanan.
she sighed contentedly and went back to her chores. marami pa syang mga gawain dito sa bahay---magmula ng pumanaw ang kanyang inang si Wendy.
dumako ang mga mata nya sa picture frame na nakasabit sa pader. nakapaloob doon ang larawan nila ng ina, kasama ang Ahiya Avril at Tita Era nya. sina Blaze at Snow. sya ang nasa gitna, karga ang bagong silang na si Asha.
she reached out a hand and touch her mother's face. buhay na buhay ang ngiti ng ina sa larawang ito.
pumanaw ito, hindi pa man tumutuntong sa unang taon ang anak. her mother was diagnosed with breast and cervical cancer. malignant na nung nalaman nila ito at nasa stage 3 na, dahilan upang hindi na naagapan pa. kumalat at lumala ang cancer cells kaya iginupo ito ng naturang karamdaman.
she was lost at that moment. hindi nya alam kung pa'no palalakihin ang anak ng mag-isa.
her family didn't leave her after the burial. they stayed by her side, helping her raise Asha. all through out her daughter's milestone, nanatili sila sa tabi nya.
but as the years went by, ang mga pinsan nya'y nagkaroon na ng kani-kanilang mga daang tinahak sa buhay. si Nievez ang naupo bilang Chairwoman ng OPDV, kapalit ni Ahiya Avril. si Blaze naman, isa nang lisensyadong doktor. they kept in touch with each other ngunit dahil pareho silang busy, madalang na rin ang kanilang pag-uusap.
she on the other hand preferred to be a hands-on mother to Asha. hindi sya kumuha ng yaya dahil mas gusto nyang tutokan ang paglaki ng anak. ayaw nyang matulad sa ibang ina na mas piniling magtrabaho keysa alagaan ang anak nila. kaya ang bata tuloy, mas close pa sa yaya keysa sa ina nito.
she wipe her tears and smiled. alam nya, kung nasaan man ngayon ang ina---ipapayo nito sa kanya ng paulit-ulit na magpakatatag.
"Ma'am Sophia! Ma'am!"
natigil ang pagbabalik-tanaw nya ng marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan, na tila ba nagmamdali. at hindi nga sya nagkamali sa hinala nya.
humahangos na binuksan ni Anton, ang isa sa mga empleyado nya sa resort ang pintuan ng bahay nya.
"Anton? bakit? anong nangyari?"
'di nya maiwasang kabahan ng makita ang namumutlang mukha ng tauhan. huminga ito ng malalim saka nagsalita.
"y-yung anak nyo po, si Asha---"
"bakit? may nangyari bang masama sa anak ko?! nasa'n sya?"
"a-ano, ganito pa kasi--Ma'am, teka lang ho!"
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES IV: The Adamant's Kryptonite
RomantikEunji has learned life's lesson the hard way. so she made a vow to herself: to stay away from people as much as possible and graduate unnoticed in the university where she's currently enrolled. gusto na nyang makalayo mula sa ciudad na ito at sa mg...