CHAPTER TWENTY-SIX: THE LOVE PEAK

718 23 1
                                    

WARNING: MATURED, EXPLICIT SCENES AHEAD. NOT SUITABLE FOR HOMOPHOBES AND MINORS. READER'S DISCRETION IS STRONGLY ADVISED. READ AT YOUR OWN RISK. YOU HAVE BEEN WARNED.
****************0O0****************

"alam nyo kayong dalawa, para kayong mga timang." maktol pa ni Del habang hinihintay nila si Sophia na dumating. nasa The Love Peak junction silang magkaibigan at napailing na lang sya sa panay reklamo nito.

"aware ka man lang ba na ang lamig dito ngayon, ha?"

"opo, alam ko." sagot nya. "kaya ka nga naka-jacket, kamahalan. kasi malamig."

mas lalo pa itong naasar sa sinabi nya at bumusangot. natawa na lang sya dito.

"sorry na nga. alam mo namang ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko sa ganitong sitwasyon." aniya. "kailangan naming mag-ingat, you knew that too well. this is the only way we knew para makita pa rin namin ang isa't-isa."

Del sighed, making a huge puff of cold air as she did so. nakapamulsang hinarap sya nito.

"nauunawaan ko yun, Eun. trust me, i do." wika nito sa kanya. "ngunit lubhang delikado ang mga panakawng pagkikita ninyong ito,eh. ako ang nababahala sa 'yo, sa inyong dalawa ni Soda. what if mabuking kayo nung bruha nyang ina? hindi kayo hahayaan ng hukloban na yun, panigurado."

napatungo sya sa winika ng kaibigan at hindi agad nakatugon. tinanaw nya ang malapad na aspaltadong kalsada, na kasalukuyang napapalibutan ng hamog. alas cuatro y media pa lang kasi sa mga oras na ito, talagang maaga pa.

nililipad ng malamig at mabining hangin ang kanyang buhok, saka nya muling nilingon ang kaibigan.

"syempre naisip ko yan. walang araw na 'di sumasagi sa isip ko ang posibilidad na malaman 'to ng isa nya pang ina." wika nya sa malungkot na tono. "but i love her, Del. wala, eh. tinamaan ako ng matindi at ngayon lang nangyari sa akin ang ganito."

"halata ngang tinamaan ka. nakahanda ka ba namang mapahamak para lang sa kanya, ewan ko na lang." wika nito na sumandal sa pinto ng pick-up truck. "dinaig nyo pa sina Romeo at Juliet. the two of you meeting in the outskirts of this city, ganun nga ang peg nyong dalawa. dasal ko na lang talaga, handa kayo ni Sophia kapag nagkagulo na."

"kung mangyayari nga yan, nakahanda ako." wika nya na puno ng determinasyon. "i'll fight for her, no matter what happens. hindi ko susukuan si Sophia."

Del smiled and tap her shoulder.

"goodluck. hangad ko lagi ang kaligayahan mo." ani Del. "ingat lang kayo lagi, Eun. alam mo kung ga'no kalupit yung si JShawn."

"salamat sa paalala, dude. i'll keep that in mind."
****************0o0****************

then, a taxi cab arrived. umibis mula doon ang isang taong naka-fur jacket at nakatalukbong ang hood sa ulo nito at naka-face mask. may sukbit din itong backpack.

pagka-alis ng taxi, patakbo itong tumungo sa kanya. she had her arms wide open at sinalubong ito ng mahigpit na yakap. inangat nya ito sa lupa at inikot-ikot sa ere.

nilapag nya ito at tinanggal naman nito ang suot na face mask. Sophia grab her collar and gave her a deep kiss.

"eherm. excuse me, ha? may single sa paligid."

naghinang ang kanilang mga labi and Sophia giggled, still hugging Eunji tight. nginitian at binati nito si Del.

"Ni Hao Ma, Del. kumusta?" bati nito sa kaibigan. si Del naman, napakamot sa ulo na halatang hindi naintindihan ang lengguaheng ginamit ng nobya.

"hindi ko naintindihan yun ngunit magandang araw din sa 'yo, Sophia." anito. "pa'no, alis na 'ko."

sumakay na ito sa pick-up at sumirbato bago nag-u-turn paalis.

METROCEANNA TALES IV: The Adamant's Kryptonite Where stories live. Discover now