magulong buhok. maputlang mukha. mga matang namumugto at ang pangingitim sa ilalim niyun.yan ang hitsurang bumubungad sa kanya araw-araw, pagkagising nya. dinaig nya pa ang bagong recruit ng The Walking Dead.
tatlong linggo na syang ganito. ganun katagal na rin syang hindi pumapasok sa trabaho.
walang sandali na hindi sya inuusig ng kanyang konsensya. nagigising na lang syang umiiyak sa kalagitnaan ng gabi.
nakita nya ang nangyari sa matanda---lalo na nung nawalan ito ng malay.
muli na naman syang naiyak. ibinaba nya ang takip ng toilet bowl at naupo doon. then, she heard her phone rang again. ngunit kagaya sa tagal na nyang absent, hindi na rin nya sinasagot ang anumang tawag.
AWOL na ang estado ng kanyang pagiging empleyado.she's goddamned wasted and jobless as of now. takot na rin syang umapak sa kompanyang pinagtatrabahuan nya.
tumayo sya at lumabas ng banyo. nilapitan nya ang drawer katabi ng kanyang higaan at kinuha ang isang bagay.
naupo sya sa gilid ng kama, nakatingin sa aparatong nasa kanyang kamay.
isa iyung lumang keypad phone.hands shaking, she attempted to press her fingers on the keypad. ngunit umuurong din ang mga kamay nya. nadadaig sya ng takot.
kahit pa keypad phone lang ito, may posibilidad pa ring ma-trace ang tawag. and knowing the devilry of her former lady boss, wala itong hindi kayang gawin.
so she put the old phone down. then, her eyes landed on the object on her study table.
naupo sya sa ergonomic chair at kinuha ang naturang bagay.
isang journal.
it's was a long time ago that she received this book as a gift. pasko iyun at ito ang naging regalo ng kanyang namayapang lola. hindi nga lang nya nagagamit dahil ayaw nya sa mga ganitong bagay---mas gusto nya ang makabagong mga gadgets sa pagsusulat.
ngunit ngayon, alam nyang nanganganib ang kanyang buhay. hindi na sya magiging ligtas pa.
nakakapagtago pa sya sa ngayon pero alam nyang hindi iyun magtatagal. kaya kailangan na nyang gawin ang tama.
at ito ang paraang alam nyang pinakaligtas.
****************0o0****************"express delivery yan, please. magbabayad ako kahit magkano para makarating agad yan sa padadalhan ko. maaari nyo bang gawin yun?"
aniya sa taong nakatoka sa courier shop. naglabas sya ng tatlong libong peso at ibinigay sa attendant.
"sige po, Ma'am." anang attendant. "gagawin ko po iyan. makakarating po ito sa padadalhan ninyo."
"salamat."
aniya na lumabas sa naturang establisyemento. ipinandong nya ng maigi ang hood ng suot nyang jacket habang palinga-linga sa paligid. sinisiguro nyang walang nakasunod sa kanya.
bago umuwi'y sumaglit sya sa isang ticketing office. ngayong nagawa na nya ang dapat gawin, itutuloy nya na ang planong umalis sa ciudad na ito--for good. at hinding-hindi na sya babalik pa.
gabi na ng sya'y makauwi. mas lalong tumindi ang tensyong nadarama nya dahil tahimik ang lansangan papunta sa kanyang pinagtataguan. kaya binilisan nya pa ang paglalakad.
lumiko sya sa eskinita. malapit na ang kanyang tinutuloyan.
ngunit hindi na sya umabot pa.
*****************0o0***************
(pansamantala nating itinigil ang naka-ereng programa para sa isang nakakagimbal na breaking news.)
yan ang ulat ng broadcaster sa TV. kasalukuyang nakaupo sa kanyang swivel chair habang nakayuko at nagbabasa sa mga dokumentong nasa kanyang mesa. sya ang Governor ng College of Business Administration kaya tambak ang trabaho nya.
(natagpuang nakahandusay sa Navlaza Street at naliligo sa sarili nyang dugo ang babaeng kinilala ng MPPD na si Diana Milarose Enriquez. tadtad ng bala ang katawan ng biktima na tumama sa likod ng kanyang ulo, spinal cord at likuran na tumagos sa kanyang puso na syang mitsa ng kanyang kamatayan. dati syang empleyada ng ODPV na sinibak sa pwesto dahil nag-AWOL. pinaghahanap pa ang mga salarin. samantala sa iba pang balita--)
nabitawan ni Nievez ang fountain pen na hawak. gulat sya sa napanood na balita. kilala nya ang babaeng pinatay.
ito ang assistant ng tyahin nya. kalat sa kompanya na sinibak ito dahil nag-AWOL sa trabaho at nakadispalko diumano ng malaking halaga.
ngunit hindi sya naniniwala. dati itong EA ng Dada nya bago napunta sa kanyang tyahin. ayon pa sa kanyang magulang, mabait ito at huwarang empleyada. kaya imposible ang ganung paratang.
[Miss Gov, may package po para sa inyo.]
anang gwardya via intercom. she sighed.
"pakipasok po yan dito, Manong Jerry."
aniya sa sikyu. maya-maya, pumasok ito dala ang isang parcel.
"heto po, Miss." anito na inilapag ang package. "dumating po yan ngayon lang."
"salamat po."
tumango ang gwardya at sumaludo sa kanya saka ito umalis. agad na kinuha nya ang pinadala sa kanya.
*************0o0*******************naitakip ni Nievez ang kamay sa kanyang bibig. she's goddamned horrified with what she read on the journal. napaka-detalyado ng mga iyun at niyanig ang kanyang isipan. at may isa pang napakahalagang bagay na kalakip sa package.
ang smartphone nito. lahat ng ito, pinadala ni Diana sa kanya bago ito brutal na pinaslang.
she shed tears for the poor woman. kaya pala ito balisa dati.
ito ang nakakaalam ng lahat....
*****************0o0***************may mga tao talagang sagad hanggang buto ang kasamaan. eternal peace for you, Diana. you did the right thing.
justice will be served later on.
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES IV: The Adamant's Kryptonite
RomantikEunji has learned life's lesson the hard way. so she made a vow to herself: to stay away from people as much as possible and graduate unnoticed in the university where she's currently enrolled. gusto na nyang makalayo mula sa ciudad na ito at sa mg...