CHAPTER FORTY-TWO: ANG PANGARAP

531 20 0
                                    

Please, comment and vote. Please 🙏
****************0o0*****************

"Mama, pupunta po ba kayo sa Metroceanna?"

tanong ng anak sa kanya kinaumagahan.

"yes,anak." tugon nya. "how did you know? i didn't remember telling you."

"eh kasi Mama, narinig ko pong sabi nyo kay Tita Rica last night na sya muna ang bahala sa 'kin." sabi nito na malawak ang pagkakangiti. "'di po ba kapag ganun, aalis po kayo para pumunta sa city? 'di ba, Mama?"

namangha na lang sya sinabi ng anak. she forgot how observant and inquisitive her daughter is. she chuckled and gave the adorable little human a warm kiss on the forehead.

"okay, you got me there." aniya. "pero hindi ka pwedeng sumama today."

"pero bakit po? gusto ko pong sumama. please, Mama? please?"

pakiusap nito sa kanya using those irresistible puppy eyes. at halatang hindi na naman sya makakatanggi dito.

she sighed and gave in.

"oo na, sasama ka na sa 'kin today." aniya. "naku--kung hindi lang kita love, anak. sige, bihis ka na. ihahanda ko lang ang mga damit mo."

"yey! thank you po, Mama!"

masaya itong pumasok sa silid nito.

dahil sasama ang anak, mukhang marami ang dadalhin nyang mga gamit. kaya imbes na shoulder bag lang, dinala nya na ang duffel bag na puno ng mga essentials ng anak.

"baby powder, check. baby wipes, baby oil, bimpo. mga pamalit, Erceflora probi-bears..." wika nya habang inisa-isa ang mga dadalhing gamit. "Scott's Vitamin C, toothbrush, toothpaste. Vicks babyrub, Johnson's shampoo..."

"I'm done, Mama!"

tawag ng anak sa kanya. nakabihis ito ng racing onesie at puting boots.

"bagay po ba, Mama?" tanong nito na ibida sa kanya ang suot. "ito po yung gift sa 'kin ni Tita Snow! kasya pa po sa akin!"

"you look more adorable, sweetie." aniya. kay bilis ngang lumipas ng panahon. pitong taong gulang na ang kanyang panganay-- ang unang supling nilang dalawa. Asha is the ultimate carbon copy of Eunji--mula ulo hanggang paa, lalo na ang mala-uwak nitong mga mata. pati nga ang pagiging hermaphrodite ng anak, namana nito mula sa isang magulang. at sa tuwing nakikita nya ang paslit, bumabalik ang pangungulila nya sa minamahal. hanggang ngayon, hindi nagbabago ang damdamin nya para dito.

"Mama?" tawag ng anak sa kanya. nakatingala ito sa kanya, nagtataka. "why are you in tears po? may sakit ka po ba?"

pinahid nya ang mga luha at ngumiti.

"don't mind me, sweetie. ayos lang ako." aniya na inayos ang pagkakasukbit ng backpack nito. "napuwing lang si Mama. uhm, let's go? baka ma-traffic tayo. halika na."

humawak ito sa kanyang kamay. tinawag nya sina Anton at Jasmine tsaka binigay sa mga ito ang mga gamit nyang dala. pagkalagay nito sa baggage compartment, sumakay na sila sa kotse at bumiyahe.
****************0o0*****************

"wow! ang astig naman!"

dinig nyang wika ng anak habang nakadungaw ito sa bintana ng backseat. nakahinto ang sasakyan nila dahil nasa pulang kulay pa ang traffic light.

"ano po ang ginagawa nila, Lolo Iggy?" tanong ng paslit sa family driver, sabay turo sa unahan. "bakit po sila naglalakad ng sabay-sabay?"

"ah, yan bang mga naka-uniporme?"

"opo. ano po sila?"

"mga Sundalo sila, hija. myembro sila ng Philippine Navy. ang tawag sa sabayang paglalakad nilang yan ay pag-martsa." paliwanag ni Mang Igme sa bata na 'di inaalis ang mga mata sa mga nagma-martsang taga-NAVY. "Cadence naman ang tawag sa tugtog na kanilang sinusunod, gaya nun."

pinagmasdan nya lang ang anak na nakatingin sa mga Sundalo. hindi nya mawari ngunit biglang may kakaibang kaba syang naramdaman. naalala nya ang winika ng misteryusong matanda.

"may nakikita akong masamang pangitain..."

"huwag mo syang pagsilbihin sa bayan. ikamamatay nya iyun..."

hinila nya ang anak palayo sa bintana at sinara ito. tyempo naman at nag-kulay berde na ang ilaw. umandar na ang mga sasakyan.

"Mama? okay ka lang po ba?"

"h-ha? uhm, o-oo. okay lang ako." aniya na hinaplos ang buhok nito. "i'll fasten your seatbelt, ha? malapit na tayo sa Elysian."

matapos maikabit ang seatbelt ng anak, napasandal sya sa upuan at itinuon ang tingin sa labas. ayaw nyang maisip pa ang hula kunwari ng matandang yun na parang bulang naglaho. nothing bad will happen.
****************0o0****************

her daughter is safe, and always will be. she'll make sure of that. the old lady is just bluffing, hindi sya maniniwala sa kahit anong hula.

"ayoko nyan, panget! ito ang gusto kong isuot!"

umiiyak na nagmamaktol at nagdadabog ang paslit sa loob ng kid's department. nasa mall sila na pag-aari ng kanilang pamilya para bilhan ito ng costume. gaganapin bukas ang Buwan ng Pangarap sa elementary school kung saan naka-enroll ang paslit. umiiyak ito at inaayawan ang napili nyang scrub suit costume para dito.

"listen to me, anak. huwag matigas ang ulo, okay?" ang mariin nyang sabi dito. "you'll wear this at school. no buts. you get me, Asha?"

"no! ayaw ko! gusto ko yung NAVY uniform!"

giit nito na mas lalo pang pumalahaw ng iyak. kalauna'y naupo ito sa sahig at nagpapapadyak. pinagtitinginan na sila ng mga tao doon.

"Sophia, pagbigyan mo na ang bata. ano ba yang ginagawa mo?"

tanong ni Blaze nang lapitan sya nito. napailing na lang sya habang nakatingin sa nagwawalang anak.

"i want this costume for her." she said tiredly. "ngunit ayaw nya. mas gusto nya yung NAVY uniform."

"so? what's wrong with it?" anito sa kanya. "bakit ayaw mong pagbigyan ang bata sa gusto nya? hindi sa pinakikialaman kita bilang ina ni Asha. but she's still my niece. at ayokong nakikita syang umiiyak ng ganyan."

nilapitan ni Blaze ang rack at kinuha ulit ang snow tiger-striped uniform. akmang ibibigay nito ang uniporme sa anak ng pigilan nya ito.

"ano na naman ba?" tanong nito sa kanya, nakaigkas ang isang kilay. "ano ba kasing problema mo sa costume na 'to, Sophia? don't tell me, may galit ka sa mga Sundalo?"

"wala, ano ka ba. ba't naman ako magkakaroon ng galit sa kanila?"

"yun naman pala. wala ka naman palang issue." sabi nito. "so, hayaan mo nang suotin nya 'to---"

"i have something to tell you, Blaze." wika nya at bumuntong-hininga. "this thing bothered me a lot. at kailangan kong marinig ang opinyon mo tungkol dito."

ikinwento nya dito ang sinabi ng matanda tungkol sa anak. matamang nakinig ang pinsan sa mga sinabi nya.

"so yun na lahat?" tanong nito. "yun na ang mga bumabagabag sa 'yo?"

she nodded. Blaze cross her arms over her chest.

"Sophia, you listen to me." anito. "walang katotohanan at katuturan ang hula. dahil kung kaya ng isang tao na i-predict ang future ng iba, eh di sana inuna nya ng hulaan ang sarili nya."

hindi sya agad nakatugon. may punto ang pinsan nya.

"besides, seven years old pa lang ang anak mo. andami pang pwedeng mangyari sa hinaharap." Blaze said. "change is the only constant thing in this world. there's a possibility na magbabago pa ang isip nung bata. you better chill, cousin. don't take that old woman's words seriously."

tumango na lang sya at hindi na pinigilan ang gusto ng anak---lalo na nung makita nya ang sobrang saya sa mukha ng paslit. napayakap pa ito sa tyahin sa tuwa.

umuwing masaya ang anak. ang ngiti lang nito ang kailangan nya upang mapawi ang kanyang takot at pangamba. at walang hula ang sisira doon.
***************0o0******************

'pag si bagets nagwala, si Mama walang magagawa. nakow, Asha. ang cute mo talaga 😊🤗

PS: how 'bout you guys? naniniwala ba kayo sa hula?

METROCEANNA TALES IV: The Adamant's Kryptonite Where stories live. Discover now