CHAPTER THIRTY-NINE: THE SORROWS OF SOPHIA DANIELLA

524 20 1
                                    

Please, comment and vote. Please 🙏
**************0o0******************

"anak, ako na ang sasama sa 'yo sa OB mo today." wika ng Mommy nya habang nilalagyan ng mainit na sabaw ng ginataang gulay ang kanyang mangkok. "si Jasmine na muna dito sa bahay. kaya kumain ka na, habang mainit pa itong sabaw."

but Sophia didn't responded. nanatiling nasa malayo ang kanyang tingin. Wendy sighed and put the laddle down. naghila sya ng upuan at marahang ginagap ang mga kamay ng anak.

"anak, kailangan mong kumain at maging matatag para maisilang mo ng malusog ang batang nasa iyong sinapupunan." puno ng pag-unawa at pagsuyong inangat nya ang mukha ng kanyang panganay. naluha sya ng makitang hungkag ang mukha nito at tila wala nang gana pang mabuhay. her daughter looked so frail and forlorn. "alam kong mahirap tanggapin ang lahat ng nangyari, sweetie. ngunit nangyari na ang mga iyun at hindi na natin maibabalik pa. ang magagawa na lang natin ay ang umusad, para makapagsimula tayong muli."

humikbi ito na agad nyang niyakap ng mahigpit. bilang ina, ramdam nya ang labis na hinagpis ng anak.

"gusto kong makita si Eunji, Mommy. kailangan ko sya. please, 'my." her daughter pleaded, looking at her with those sorrowful eyes. "mahal na mahal ko sya, Mom. gusto ko na syang makasama. please, hanapin natin sya. please, Mommy..."

Wendy wiped her daughter's tear-stained face.

"we're not giving-up on searching for Eunji, sweetie." wika nya. "ginagawa ko ang lahat para makakuha ng update tungkol sa kanya. magtiwala ka lang, makikita rin natin sya."

marahang tumango ang anak. nahahabag man sya sa kalagayan nito, ngunit wala rin naman syang magagawa. walang nakakaalam hanggang ngayon kung nasaan na si Eunji Romualdez at ang kaibigan nito. kung buhay pa ba sila o wala na.

"kumain ka na, ha? kahit itong ginataang gulay man lang." anya sa anak na inilapit dito ang mangkok. "kailangang malakas at malusog ka, anak. para malusog din ang baby mo. naku, excited na akong makita ang apo ko."

Sophia gave her a fragile yet genuine close-lip smile.

"thank you, Mom. for always being there for me through all these ordeal. salamat kasi hindi nagalit nung nalaman mo ang tungkol sa amin ni Eunji. hindi mo ako hinusgahan at itinakwil when you found out that i'm pregnant. maraming salamat, Mommy. i can't thank you enough for everything."

"you don't have to thank me, sweetie. lahat ng ginagawa kong ito, para yun sa 'yo." aniya sa anak. "wala akong karapatang husgahan ka, anak. dahil hindi ako perpektong tao, makasalanan din ako. kaya makakaasa kang nandito lang ako palagi sa tabi mo hanggang sa makapanganak ka. mahal kita, anak. hindi kita kailanman pababayaan."
***************0o0****************

umihip ang mabining hangin sa balkonahe ng tinitirhan nila. maganda ang umaga at payapa ang asul na dagat. marahan lang ang hampas ng mga alon sa dalampasigan.

"anak, halika na. baka abutan tayo ng traffic."

wika ng ina. ini-lock nito ang pinto at lumapit sa kanya.

"wala masyadong pasyente si Doktora ngayon kaya makakabalik rin tayo agad."

"mabuti naman po kung ganun, Mom. ngayon pa nga lang, inaantok na ako."

"don't worry, hindi tayo magtatagal dun. halika na."

hinawakan ng ina ang kanyang kamay at inalalayan syang makababa sa batong hagdanan. parte ito ng beach house na pagmamay-ari ng ina nung dalaga pa ito. nasa probinsya ito ng San Sebastian, ang hometown ng Mommy nya.

dito nila piniling manatili pagkatapos ng masalimuot na mga pangyayari sa kanilang angkan. sya mismo ang nakiusap sa ina na umalis sa palasyo at sa ciudad ng Metroceanna.

dahil hindi nya na kaya ang manatili pa sa lugar na nagdulot ng parehong saya at sakit sa buhay nya. she wanted to keep her sanity intact, para hindi sya tuloyang igupo ng depresyon.

"alis na po tayo, Ma'am?" tanong ni Mang Igme sa ina. pinasama sa kanila ang isa sa family driver ng angkan para may magmaneho sa kotse nila ngayong nagdadalan-tao sya. matanda na ang kanyang ina at hindi na nito kaya ang magmaneho. her Ahiya Avril did this for them para hindi sila mahirapan.

walang nagbago sa trato nila sa kabila pa man ng nangyari. nasaktan man sya sa sinapit ng isa nya pang ina, ngunit nauunawaan nya ang ginawa ng kanyang tiyahin. nakagawa ng kasalanan ang isa nyang ina kaya nararapat lang itong maparusahan.

hindi nya pa nadadalaw ang inang si JShawn sa piitan. dahil kahit ang tingnan man lang ito, hindi nya kaya.

pinahid nya ang mga luhang bumalisbis sa kanyang pisngi. inihilig nya ang ulo sa salamin ng kotse at bumuntong-hininga.

"anak, okay ka lang ba?"

tanong ng ina. umayos sya ng upo at tumango.

"I'm fine, Mom. don't worry." aniya. "i felt a bit nauseus, pero okay naman po ako."

narating na nila ang isang pribadong ospital sa bayan. she put a scarf on her head at sinuot ang kanyang shades. ganun din ang ginawa ng ina. the last thing they'd want to encounter are nosy people mongering in their lives.

sya na ang huling pasyente ng doktora pagkarating nila. agad syang inasikaso nito.

"do you still feel nauseus, hija? frequent pa rin ba ang morning sickness mo?"

tanong ng OB-GYNE sa kanya habang hinahanda nito ang ultrasound machine. nakahiga na sya para sa test nya.

"may mga times na nakakaramdam ako ng pagkahilo at may panaka-naka rin pong pagduduwal. antukin pa rin po ako madalas. but other than that, okay naman po ako."

"that's good to hear, hija. as your trimester goes on, unti-unti nang mawawala ang mga symptoms mo." anang doktora. "last question, hija. naglilihi ka pa rin ba?"

"uhm...opo. pero hindi na rin masyado."

"okay. that's fine." the doctor said, putting the soft and cold gel on her belly. sinimulan na nito ang ultrasound procedure.

"take a look, hija. your baby is in sound health. healthy rin ang heartbeat nya and other vitals. do you want to know your baby's gender?"

tiningnan nya ang screen ng machine. there's a part of her na gustong malaman, ngunit mas pinili nyang huwag na muna. nirespeto naman ng doktora ang choice nya.

matapos ang konsulta at pre-natal, dumiretso na sila pabalik ng beach house. may napansin kasi ang ina na parang sumusunod sa kanila kaya nagmadali itong umuwi na.
**************0o0******************

"timing po ang uwi nyo, Ma'am. naka-luto na po ako." wika ng kanilang kasambahay na si Jasmine. isa rin ito sa mga katiwala sa palasyo na pinasama ng Ahiya nya sa kanila.

"salamat, Jas." aniya sa kasambahay. "pero kayo na muna nina Mommy at Mang Igme ang kumain. gusto kong magpahinga."

"okay po, Young Lady." tugon nito. inalalayan sya nito hanggang sa kanyang silid.

"salamat, Jas." aniya. tumango ito at lumabas. pagkalapat ng pinto, naupo sya sa gilid ng kama kaharap ang bintana. makikita ang pagbaba ng araw at ang nag-aagawng kulay ng kahel at asul sa kalangitan.

"Eunji..." sambit nya sa pangalan ng minamahal. sa mga pagkakataong kagaya nito na paparating ang gabi, sya namang pagbabalik ng kanyang mga pasakit. muling maririnig ang kanyang mga hikbi, ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang pisngi. the sleepless, sorrowful nights she has to endure--longing for the one she loves to come back.

umaasa syang baka marinig ng Dios ang kanyang hinaing, na may isang araw na magkakasama silang muli.

ngunit sa ngayon---ang magagawa nya lang ay ang umasa.
*****************0o0****************

METROCEANNA TALES IV: The Adamant's Kryptonite Where stories live. Discover now