CHAPTER TWENTY: THE DOOM OF BEATRICE LORRAINA GRAY

649 22 0
                                    


"rape, acts of lasvisciousness and violation against RA 9262 ang mga kasong isasampa natin laban kay Beatrice Lorraina Gray."
wika ng kanilang abogado. pinatawag nila ito matapos ng nangyari sa kanya. "it's a good thing na nakunan kaagad ng statement si Sophia at naipa-blotter agad ang nangyari. ang gagawin na lang natin ngayon, is to make an affidavit for your daughter, Mrs. Zhang."

"we entrust the process in your hands, Attorney." anang ng kanyang inang si JShawn. "what matters to us the most is to see that creature behind the cold bars of prison."

"matibay ang mga ebidensya against her. kaya mas may advantage tayo." the lawyer said. "but it would be much stronger if we could make Eunji Romualdez to stand as witness. mas may edge tayo 'pag nagkataon."

hindi kaagad nakasagot ang mga magulang. sya naman, tahimik lang din. mapapagalitan lang sya kapag sinubokan pa nyang magsalita dahil mamasamain lang iyun ng Mama nya.

"Attorney Bianca is right, Ate Jade." wika ng Tita Eugene nya. "siguro panahon na para isantabi mo muna ang alitan ng dalawang pamilya. we're seeking justice for Soda here. it won't hurt you kung magbababa ka ng pride mo, for your daughter's sake."

"I agree with Eugene. hindi biro ang rape, Jade Shawn." anang Aya Avril nya. nandito sa palasyo ang mga Zhang at Legazpi--ang Tita Eugene nya kasama ang asawa nito, si Tita Sweden nya at ang kanyang Aya Avril with Tita Era. "mas mahalaga ang mabigyan ng hustisya ang panghahalay ng garapatang yun sa anak mo. lower your pride and make amends. it's the only way."

wala pa ring response ang Mama nya. parang wala itong narinig.

"ako na ang kakausap sa bata, Attorney." her Mommy Wendy said firmly. napatingin dito ang Mama nya.

"you won't do that. walang kakausap sa taong yun."

her Mom gave her Mama a cold, hard look. kita nilang napalunok ang isa nya pang ina dahil sa kakaibang awra ng asawa nito. para na itong inang tigre na nakahandang manakmal.

"isa akong ina na nakahandang gawin ang lahat para sa kapakanan ng anak ko." there's such authority in her Mommy's voice that made her other mother shut up. nasanay silang mahinahon, sweet at mahinhin ang inang si Wendy. katunayan, dito nya namana ang kanyang personality at ugali. ngunit ngayon, mapanganib at ma-autoridad ang dating nito na kahit si JShawn, hindi nakapalag.

"kung wala kang gagawin to save our daughter's dignity, then manahimik ka. ako ang kikilos kung ayaw mo. wag kang makikialam."

with that, her Mommy walk out of the sitting room.

"this is not to meddle with your personal issues, Jade. pero sang-ayon ako sa asawa mo." anang abogada. "your pride and grudge won't help us win the case. we need the Romualdez kid's help. please try to reconsider your decision."
**************0o0******************

"how are you feeling now, hija?" tanong ng Tita Eugene nya. tipid syang ngumiti.

"maayos na ang pakiramdam ko, Tita." sagot nya. "i'm recovering. makakayanan ko lahat ng 'to."

her Aunt smiled and lightly tap her shoulder.

"I know you'll be. isa kang Legazpi--and a Zhang, too. you're a valiant young lady." pagpalakas nito ng kanyang loob. nakakagaan sa damdamin ang sayang makikita sa kulay asul nitong mga mata. "magpakatatag ka lang, hija. this too, will pass."

"your Tita is right, hija." wika naman ng Tita Sweden nya. "you're always in our prayers. hangad namin ang recovery mo."

bumeso sa kanya ang mag-asawa saka sila umalis. naupo syang muli at naisip na naman si Eunji.

hindi nya na ito nakausap ni nahagilap man lang matapos ang kumprontasyong nangyari sa kanyang opisina. maaari nya naman itong ipahanap ngunit 'di nya nagawa--dahil pinangungunahan sya ng hiya.

METROCEANNA TALES IV: The Adamant's Kryptonite Where stories live. Discover now