parang ayaw nang bumaba ni Eunji mula sa pick-up. nakahimpil na sila sa parking space ng unibersidad ngunit ayaw bumitaw ng mga kamay nya sa manibela."baba na tayo, Eun. baka matagalan tayo dun kapag marami nang tao." ani Del sa kanya.
she look hesitantly towards her bestfriend. nagsisimula na namang umeksena ang anxiety nya.
"ikaw na lang kaya ang bumaba?" aniya dito. "ilista mo na rin ako. kung okay lang sa 'yo."
'di makapaniwala ang kaibigan sa kanyang tinuran. nagsalubong ang mga kilay nito na nakatingin sa kanya.
"you're not serious, are you?"
"seryuso ako, Del. ikaw na lang ang pumunta dun at magpa-rehistro. hihintayin na lang kita dito."
napaigik sya ng hampasin nito ang braso nya gamit ang rinolyong lumang kalendaryo. nakangiwing hinaplos nya ang braso.
"hey, what was that for?!" reklamo nya. "ansakit kaya! "
"baliw ka, eh." anito na naiiling at pumalatak. "hayan ka naman sa ginagawa mong yan. kasama mo 'ko kaya wala kang dapat ipag-alala. kapag may nam-bully sa 'yo, uupakan natin agad."
anito na inumang pa ang kamao sa ere. na-appreciate nya ang effort ng kaibigan na samahan sya dito at pagaanin ang kanyang loob. kaya naman kahit nag-aalangan pa talaga sya, sinikap nyang pakalmahin ang sarili.
"tayo na." aniya, sabay kalag ng kanyang seatbelt. "let's get this done and over with."
"yun,oh! ganyan dapat, atapang na tao!" hirit nito na umakto pang katipunero. pinitik nya ang tenga ng kalog nyang kaibigan na ikinatawa lang nito.
"bumaba na nga tayo. dami mong paandar."
sabay silang umibis ng kotse. she look up and squinted her eyes. the skyscraper- like buildings loom up ahead, making her feel small. pakiramdam nya, minamata sya ng mga nagtatayugang mga gusali na ito.
"dali na, Eunji. baka 'di na tayo umabot."
anang kaibigan na naunang lumakad. sumunod na lang sya dito papasok sa isa sa mga buildings doon. nakasulat sa labas ang mga salitang MPU ENTRANCE EXAMS AND SCHOLARSHIP CENTRE. marami na ngang tao pagdating nila.
"for entrance exam at scholarship po ang sadya nyo?" tanong ng gwardya sa kanila.
"opo, chief." sagot ni Del sa sikyu. "kami po ng kaibigan ko ang mage-exam."
"ganun ba. kung ganun, pakisulat na lang ng kumpletong pangalan at address nyo dito." anito na inilapit sa kanila ang isang log book at ballpen. "pakilagay na rin ng inyong mga pirma."
naunang magsulat si Del ng mga detalye nito. sumunod naman sya pagkatapos.
"salamat po. proceed lang kayo sa booth na yan at humingi ng form."
"salamat po, chief." ani Del na sumaludo dito. sya nama'y nagpasalamat dito at tinanguan ito.
umupo sila habang nakapila. puno ang lugar ng mga naghahangad makapasok sa unibersidad na ito at makapag-aral ng libre.
"andaming aplikante. daig pa ang may job fair." wika ng kaibigan. "sana sa kabila ng dami natin ngayon, makapasa tayo. ang astig pala talaga ng univ na 'to, parang yung HGU sa Metropolis."
hindi sya kumibo at nagmasid lang sa paligid. para bang inaasahan nyang may mga taong dadaan na ayaw nyang makita.
"okay ka lang?" Del ask, nudging her side.
"huh? oo naman. bakit?"
"wala. tahimik ka kasi. nag-aalangan ka na naman ba?"
"kahit naman siguro mag-alangan pa 'ko, wala nang atrasan pa 'to." aniya. "alangan namang umuwi ako at iwan kita dito."
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES IV: The Adamant's Kryptonite
RomanceEunji has learned life's lesson the hard way. so she made a vow to herself: to stay away from people as much as possible and graduate unnoticed in the university where she's currently enrolled. gusto na nyang makalayo mula sa ciudad na ito at sa mg...