"nawalan ka na ba ng kahihiyan sa 'yong sarili?! naisip mo man lang ba na sa kahangalang ginawa mo, damay ang lahat sa pamilyang to?!"she stop short in her tracks upon hearing her Dada Avril's voice. dumadagundong iyun sa galit. agad nyang tinalunton ang pinanggalingan nito.
"hindi ka namin pinalaking pariwara at pakawalang babae, Blaze Riley!"
natunton nya ang kinaroroonan ng mga ito. nakaawang ang pinto at nakita nya sa loob ng silid ng kakambal ang kanyang Dada at Mama. samantalang si Blaze, nakayuko lang habang nakaupo sa gilid ng kama nito.
"dinaig mo pa ang babaeng bayaran sa iyong ginawa. hindi mo na kami naisip, puro l*bog lang ang pinairal mo! wala ka nang ibang dinulot sa amin ng mama mo kundi sakit ng ulo!"
"mahal, kumalma ka lang." wika ng ina nilang si Era na marahang hinahaplos ang likod ng Dada nila. "baka atakehin ka nyan. pag-usapan natin 'to ng mahinahon, okay?"
marahas na napabuntong-hininga ang Dada nya, na napahawak sa batok nito. kinabahan syang bigla sa nakita kaya pumasok na sya. hypertensive ang Dada nya at dalawang beses na itong inatake dati. matanda na ito kaya 'di nya maiwasang mabahala.
"Dada, Mama? what's going on?"
napalingon sa kanya ang inang si Era. tipid itong ngumiti sa kanya.
"may kaunting problema lang, sweetie." sagot nito sa kanya. "maaayos din natin ito, huwag kang mag-alala."
"hindi lang ito kaunting problema lang, ma cherie. isa itong napakalaking kahihiyan. isang eskandalo."
wika ng Dada nya. she's starting to get confused sa kanilang mga sinasabi.
"wait, nagugulohan ako." aniya. "ano ba kasi talagang nangyayari, Dada? ano na namang gulo ang pinasok nitong si Blaze?"
nagkatinginan ang kanyang mga magulang. si Dada nya ang sumagot sa kanyang tanong.
"yang kapatid mo, pumatol sa girlfriend ni Soda, yung Beatrice."
nagulat sya sa narinig at pinukol ng masamang tingin ang kakambal na wala pa ring imik. sakit talaga ito sa ulo nila kahit kailan.
"nakuhanan sila ng video habang nagtatal*k sa loob ng kotse ng malanding yun." wika ng Dada nya nanagpipigil lang na huwag masaktan ang kapatid.
"the video is so gross, i nearly throw-up nung makita ko." her Dada said, shaking her head fervently. napapalatak ito at makailang beses na napabuntong-hininga. "napakaraming nakakita ng kalaswaang iyun ng kapatid mo, anak. halos wala na akong mukhang maipakita sa kompanya dahil kalat na sa buong ciudad ang scandal na iyun. nahihiya na rin akong humarap kina Tita JShawn at Tita Wendy mo. dahil sa nangyari, nasaktan ng sobra si Sophia."
she badly wanted to slap her sister hard across the face. wala na itong ibang dinulot sa kanila kundi kahihiyan. hindi pa kasali dun ang pagiging bratinella at pambu-bully nito sa MPU. napaka-pasaway nito at pati sila ni Soda, nadadamay sa kabalbalan ng kapatid.
"hindi sa kinakampihan ko ang pasaway na 'to, Dada." aniya sa magulang. "but she's not the only one who is at fault here. that whore Beatrice--dapat din syang mapanagot. ako ang haharap sa talipandas na yun."
sinubokan syang pigilan ng ina ngunit 'di sya nakinig.
***************0o0*****************lulan ng kanyang NISSAN GT-R, matulin syang nagmaneho papuntang MPU. walang pasok ngayon dahil Independence Day, ngunit alam nyang may practice para sa nalalapit na inter-city games ang Volleyball team. perfect timing yun para sa balak nya.
the tires screeched as she park her sports car infront of the volleyball court. taas-noo syang pumasok at 'di naman sya nabigong makita ang hinahanap.
napahinto ang mga naglalaro sa paglapit nya. the heels of her jimmy choo platform sandals echoed on the floor, her emotionless and icy expression making the people there take a step back. dinaig nya pa ang dumadaang ambulansya.
she halted infront of Beatrice Gray. she smirked as she felt the whore tensed. guilty ang talipandas.
"nagkaharap ulit tayo. akalain mo yun, mas makapal pala ang mukhang yan sa malapitan." she said mockingly. "ano kaya if subokan ko kung ga'no talaga yan kakapal?"
*****************0o0****************
everything happened faster than the blink of an eye. napasinghap ang lahat ng lumagapak ang kabilang panig ng mukha ni Beatrice dahil sa lakas ng sampal na pinadapo nya sa mukha nito. nanlaki ang mga matang sinapo ng babae ang natamaang pisngi. tumulo din ang dugo mula sa ilong nito.
"I didn't knew what my cousin saw in you." she said, giving the whore a snide look. "there's nothing beautiful nor exceptional in you, maliban sa kalandian mo. salamat, ha? nang dahil sa 'yo, magulo ang pamilya namin ngayon. you lit the fuel of our feud na tutupok sa amin."
tahimik ang lahat. Beatrice got mum at tila nagpapasaklolo sa mga teammates nito pero hindi sila lumapit sa kanya.
"i'll ruin your life if you didn't stay away from my sister and cousin." ang mariin nyang banta dito. "subokan mo lang na lumapit sa isa sa kanila--may kalalagyan ka na."
isa na namang malutong na sampal ang pinatama nya rito bago sya lumabas. she felt satisfied with what she just did. tyak syang magtatanda ito.
*******************0o0*************kinagabihan, sinubokan nyang katukin ang pinto ng silid ni Sophia. hindi sya nito pinagbuksan kaagad.
"Soda, open up please." aniya. "I want to talk to you sana. please, open up."
kahit naman hindi sila ganun kalapit bilang mag-pinsan dahil sa magkasalungat nilang mga ugali, she still cared for Sophia. mabait ito at kahit minsan, hindi sila nagka-away. hindi ito kailanman nakialam sa kanya.
a moment later, she heard the lock clicked. umawang ang pinto, showing her cousin's puffy-eyed face. namumutla din ito at halatang puyat.
"what is it, Nievez?" tanong nito sa garalgal na boses. mukhang galing na naman ito sa pag-iyak. "i'm tired at wala akong ganang makipag-usap."
"i'm sorry kung naka-abala ako. hindi rin naman ako magtatagal." aniya. "gusto ko lang humingi ng tawad sa ginawa ni Blaze. don't worry, Dada already reprimanded her. and I assure you na hindi na ito mauulit pa. once again, we're very sorry."
Soda didn't responded immediately. nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga.
"I can't answer that right now, Snow. masyado pang masakit ang lahat para sa 'kin." wika nito. "gusto ko nang magpahinga. excuse me."
sinara nito ang pinto. she just sighed.
**************0o0*******************quota na si beatrice sa suntok at sipa ni Eunji. ngayon naman, mag-pinsang sampal mula kay Nievez.
ayan. wag kasing cheater, Beatrice. bagay nga kayo ni Blaze.
Please comment and vote po sana. Please. Salamat 🙏🤗
YOU ARE READING
METROCEANNA TALES IV: The Adamant's Kryptonite
RomanceEunji has learned life's lesson the hard way. so she made a vow to herself: to stay away from people as much as possible and graduate unnoticed in the university where she's currently enrolled. gusto na nyang makalayo mula sa ciudad na ito at sa mg...