Miracle's POV
"Salamat sa paghatid, Sir at sorry sa abala para sa araw na 'to." Nandito na kami sa tapat ng bahay ko matapos naming daanan ang bag ko sa building at ihatid ako ni Sir. Pasado alas otso na rin ng gabi. Nginitian ko sya bahagya habang nakasilip sa bintana, hindi na sya bumaba pa. Bahagya naman akong nailang nang ilang sandali pa syang tumitig sa'kin at hindi man lang nagsasalita. Nahugot ko ang hininga bago nagsalita ulit. "A-ah, sige Sir, p-pasok na po ako." Bago pa man pumihit patalikod ay tinawag nya ako.
"Miracle." Muli akong tumingin sa kanya at hindi ko malaman kung kinakabahan ba sya o ano dahil sa itsura nya.
"Bakit po, Sir?" Noo'y ibinuka ang bibig nya para magsalita pero bigla ring isinara.
"N-nothing." Sandali ko syang tinitigan sa mata nang mag-iwas sya, "A-ahm, it's just that... Ano..."
"Ano po ba 'yon, Sir?" Ang weird nya kasi, hindi mapakali ang mga mata nya. May dumi ba 'ko sa mukha?
"K-kasi... Jeez. Nothing. Go, you can go inside." Muli ay nagbawi sya ng tingin at humawak sa manibela.
Nangunot man ang noo ko ay pinili kong pumasok na pero gate pa lamang ang nabubuksan ko ay muli nanaman syang nagsalita.
"Hindi ko sinasadya pero nakita kitang napaiyak kanina. Is there something wrong? Are you okay?"
Nagulat ako nang malaman kong nakita nya pala ako. Nakita ko sa mata nya ang curiosity at concerned look? o baka akala ko lang? Hindi nga ako nakasagot sa tanong nya at deretso lang akong nakatingin sa mata nya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin 'yon o kung ano bang dapat kong sabihin. Minarapat kong huwag nalang sagutin pero bago pa ako makapagsalita ay sumingit na sya.
"Nevermind. L-linisin mo ulit yung sugat mo." Paglingon ko sa kanya ay nakatingin na sya ulit sa'kin.
"P-po?"
"Yung sugat mo palitan mo ng band-aid, linisin mo ulit. Maybe it's not bleeding anymore pero kailangan mo pa rin linisin 'yan." Napatingin naman ako sa daliri kong tinignan nya rin.
"Ah, sige po Sir, salamat. Ingat po kayo." 'Yon na lamang at tuluyan na 'kong pumasok sa bahay. Makina ng papaalis na sasakyan ang namutawi sa paligid.
Nang matapos sa night routine ay nagpasya ako na manood na muna sa sala ng kung anong palabas ang matipuhan, hindi pa man nagtatagal ang panonood ko ay tatlong katok sa pinto ang narinig ko kasabay ang pagbukas no'n.
"Oh Jessalyn? Gabi na ah, anong meron?" Ayun sya at deretsong umupo sa maliit na sofa sa gilid ng pinto na kadikit lang din nitong sofa na medyo mahabang inuupuan ko.
"Ako dapat ang magtatanong sa'yo, anong meron sa'yo? Masyado ka nang busy sa trabaho at nakalimutan mo na ang kagandahan ko bruha!" Natawa ako ng konti sa sinabi.
"Anong anong meron sa'kin?" Tumayo ako kumuha ng juice na maiinom sa ref at inabot sa kanya.
"Usapan ka sa buong compound alam mo ba 'yon? Kahapon ay ibang kotse ang naghatid sa'yo at may kung ano-ano ka pang dala, ngayon naman ay iba ulit at ayun nanaman ang mga tsismosa sa palengke sa kabilang kalsada, pulutan ka habang nagsasara ng mga tindahan nila!" Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. "Magkwento ka naman, parang hindi mo naman ako best friend eh!" Ibinato nya sa'kin ang maliit na unan.
"Hindi ko alam, Jessa."
"Anong hindi mo alam? Sino yung mga naghahatid sa'yo." Pinako ko ang mga mata sa tv at ikuwento sa kanya ang lahat. Magmula ng pumasok ako sa SY Logistics at makilala ang mga kaibigan ni Sir Xyrel, mula nung magkagulo kami sa opisina dahil sa pag-alis nya ng biglaan, hanggang do'n sa personal kong kinausap si Sir dahil sa comment nya. Pati ang muling panliligaw sa'kin ni Mark na alam naman nya, hindi ko rin kinalimutang ikuwento ang tungkol sa secret admirer ko na pinanggagalingan ng lahat ng mga natanggap ko.
YOU ARE READING
"Taming Xhristian Xyrel"
RomanceRomance Love Story. Must read 18+ "I know how we started. That was a mistake we both shared. That's the only mistake I won't regret, loving someone who wasn't really mine. I took a risk to someone who is not even sure about me."