Adrian's POV
"Thank you for the dinner, Adrian." Miracle said when she came out from the passenger's seat.
"No, I should be the one thanking you, thanks Miracle." I gave her a smile.
"Hmm, no worries. But please next time, at least sabihan mo man lang ako kung may plano ka para naman hindi ako nabibigla. Loko ka talaga." Napatawa naman kaming pareho dahil do'n, biglaan kasi ang punta ko sa kanya kanina. Bigla ko lang naramdaman na gusto ko syang makita.
"Hehehe, alam mo yung surprise?" Nagpapalusot kong sagot.
"Sira ka talaga, sige na at umuwi kana."
"Okay, salamat ulit ah. 'Til next time." Tinanguan na lang nya ako hangang sa makasakay na 'ko ulit sa kotse at kinakawayan naman nya ako habang paalis.
Ang sarap sa pakiramdam na makasama si Miracle. Hindi ako na-boring habang kasama sya, napakasimple nyang babae pero kaya rin makipagsabayan sa mga may class na tao. I mean, imagine. Nasa compound na maliit at maraming tao nakatira ang isang Miracle Perez pero kayang-kaya nyang makipagsabayan sa'kin, sa mga uri ng tao na kagaya naming mas mataas ang estado ng pamumuhay kesa sa kanya.
I never felt uneasy when I'm with her. She's the type of woman that you will be proud to announce in anyone of. She can wear flat sandals in her world and heels in mine. She can be Cinderella na kahit pagsuotin mo ng uniform na pang-maid, kaya nya. Napaka-ganda parin nya, ganda na mas lalong tumingkad when she wear that long fancy gown. Hindi sya nahihirapang mag-adjust kung nasaang mundo man sya.
Sa ngayon hindi ko pa maamin sa sarili ko kung gusto ko ba sya o hindi pa. Ayokong madaliin dahil ayokong magkamali. Ayokong masayang ang isang katulad nya na biglang dumating sa buhay ko.
I know myself more than anyone else does. I'm a playboy, I'm a jerk. I can change woman like they're just my clothes. And so, I don't want Miracle to be a part of those clothes.
Gusto kong linawin sa sarili ko ano man ang nararamdaman ko sa kanya. Ayokong may pagsisihan ako sa bandang huli. Basta ang mahalaga sa'kin ngayon nakikita ko sya, nakakasama ko sya, at do'n masaya ako.
(Phone ringing...)
"Yes? Who's this?"
"Bro, where are you?" It's Zach.
"On my way home. Why?"
"Well, we're at the bar. C'mon join us. Same spot." I sighed. Here comes the great Zachary Sue again.
I U-turn and drove away.
"Woah, woah, woah. The playboy is here." Zach said giving me a glass of whiskey.
"Cursed you man. We're just the same."
"Hey, man! Long time no see." I heard a voice from my back.
"Alvin? Woah. Since when did you came back?" Alvin Birks is also one of us. He migrated in the U.S. with her Mom years ago.
"About two days ago. Kamusta ka? I heard may bagong chicks ka ah?"
"Palagi namang may flavor of the day 'yan, c'mon Alvin, walang bago do'n hahahaha!" Zach.
"Fvck you, Zach." Ininom ko ang whiskey at ramdam ko ang pag-guhit no'n sa lalamunan ko.
"Seryoso, sino ang bagong toy mo Adrian. Hot ba?" Laging ganyan si Alvin every time na magkikita-kita kami. Usisero at hindi ka talaga titigilan hangga't hindi mo sinasagot ang tanong nya. Naisip ko si Miracle. Kung sa itsura may laban sya, hindi rin papatalo sa katawan at kung sa ugali naman, paniguradong sya ang top 1. Gano'n sya. Hinding-hindi mo gugustuhin na paglaruan o gawin lang toy ang isang gaya nya.
YOU ARE READING
"Taming Xhristian Xyrel"
RomanceRomance Love Story. Must read 18+ "I know how we started. That was a mistake we both shared. That's the only mistake I won't regret, loving someone who wasn't really mine. I took a risk to someone who is not even sure about me."