Lumipas ang ilang araw na okay naman ang sitwasyon namin ni Xyrel. Masayang papasok nang magkasabay kapag galing ako sa mansion nila at doon nag-overnight. O kaya naman sinusundo nya ako sa bahay first thing in the morning tapos sabay kaming papasok sa office. Madalas na rin kaming magsabay umuwi. Hindi na nga 'yon nakatakas sa mga mata ng mga tao sa office dahil halatang-halata na nga nila that there is something going on between us two. Wala lang, kikiligin lang sila tapos boto naman, lalo na sa team namin.Ilang araw na ba mula noong kinausap ako ng Mommy nya? Isang linggo na yata. Mas naging close na nga kami at halos ay kulang nalang sabihin nyang do'n na ako tumira dahil gusto nya palagi na nagpupunta ako doon.
Sa isang linggo na lagi lang kaming masaya ni Xyrel, nawala sa isip ko ang pangamba dahil araw-araw naman nya akong binibigyan ng assurance na okay ang lahat sa'min. Hindi ko na rin muna tinangka na ungkatin pa ulit kung ano yung napag-usapan na namin dahil ang sabi naman nya ay magiging maayos din kami, kailangan nya lang ng oras. Nagtitiwala naman ako sa kanya kaya hindi na rin ako nangulit pa.
Si Mark tumigil na rin sya at tinanggap nalang ang sitwasyon. Humingi sya ng sorry dahil sa nangyari at tinanggap ko nalang din naman. Nasaktan man pero wala naman daw syang magagawa dahil nakikita naman nyang masaya ako sa pinili ko. Kahit papaano naawa rin naman ako kay Mark pero hindi kasi pwedeng pairalin ko ang awa.
Si Adrian, ayun at tuloy pa rin naman ang panliligaw nya although sabi nya ay hindi naman nya ako mamadaliin. Totoo nga dahil mula nung nag-confess sya, hindi nya ako inistorbo pero para pa rin syang secret admirer na nagpapadala pa rin nang kung ano-ano.
Minsan nga ay makikita ni Xyrel sa table ko ang iba't-ibang regalo galing sa kanya, naiinis pero hindi na rin nya masyadong iniintindi. Sabi nya ay mapapagod din naman daw 'yon.
"Girl ano na, magkwento ka naman." Breaktime namin at nandito kami ng team sa pantry at heto nanaman sila, hot seat nanaman ako.
"Mich, ano ba? Wala naman na akong ikukwento dahil nalalaman nyo naman na ang mga ganap dito." Kunwari ko pang sabi. Hindi maiwasang hindi kiligin.
"Oo dito, eh paano naman sa labas... 'Di ba guys." Pang-aasar pa nito.
"Oo nga, Miracle. Ano na bang score?"
"Ms. Sam, pati ba naman kayo nahahawa na sa katalandian nitong si Mich." Nagtawanan naman sila.
"So ano na nga? May label na ba?" Kinikilig ang itsura nila Mich at Ms. Sam habang naghihintay ng sagot tapos ay si Mrs. Anna at Mr. Gael naman at nangingiti lang din na naghihintay ng sagot.
"Wala pa." Deretsong sagot ko.
"Wala pa? Eh bakit? Nasaang stage palang ba kayo? 'Wag mong sabihin getting to know each other's stage palang kayo? Anteh naman ang tatanda nyo na para dyan." Nang-aasar na sabi ni Mich.
"Wala pa nga. Sige ganito, parang more than friends but less than a lover? Medyo gano'n?"
"Nako naman Miracle, ang bagal naman ng progress! Dapat dyan sunggab na agad be!" Natawa ako sa sinabi na 'yon ni Ms. Sam. Nakangiti lang ako habang naiisip ang mga nangyari na sa'min. Kung alam nyo lang.
"Oh! Anong ngiti 'yan ha?" Pang-aasar ni Mich.
"Ha? Wala ah." Itinikom ko ang bibig at pinipigilang ngumiti.
"Mukhang seryosohan na 'yan Miracle ah. Wala pa man but I'm happy for you na." Sabi naman ni Mrs. Anna. 'Yan din ang hiling ko eh, na sana totoo na, seryoso na.
"I've been looking for you, nandito ka lang pala." Napalingon kaming lahat sa boses na nanggaling sa entrance ng pantry.
"Hello, Sir." Bati nilang lahat at alanganing ngumiti. Maging ang ibang empleyado sa paligid namin ay binati na rin sya na tinanguan lang naman nya.
YOU ARE READING
"Taming Xhristian Xyrel"
RomanceRomance Love Story. Must read 18+ "I know how we started. That was a mistake we both shared. That's the only mistake I won't regret, loving someone who wasn't really mine. I took a risk to someone who is not even sure about me."