TXX12: The monster is back.

16 1 0
                                    

Lumipas ang buong araw ko nang wala akong ginawa kung hindi humarap sa computer ko at ipagpatuloy ang trabaho ko. Patapos na 'ko kaya sine-save ko nalang ang mga file na nagawa ko na. Habang nagliligpit, napatingin ako sa bulaklak na nakapatong sa gilid ng lamesa ko. Hanggang ngayon wala parin akong idea kung kanino galing 'yan, pati yung unknown number ay hindi ko rin nireplyan para tanungin. Ayoko nga mamaya masamang tao pala 'yon eh.

Tumayo na 'ko bitbit ang bag ko, wala akong balak bitbitin yung bulaklak, bukod sa mabigat 'yon ano nalang sasabihin ng mga tao sa'min kapag nakitang umuwi akong may dalang bulaklak.

'Eh ano naman, dalaga ka naman arte neto.' Sabi ng boses sa isip ko. Eh bakit ba? Tss.

"Mich, tara na. 'Di ka pa tapos?" Nakababa na 'ko sa lobby at naabutan si Mich na nakatapat parin sa computer.

"Not yet, you go first. Take care, Miracle." She smiled.

"Okay, bye." Nag-okay sign lang sya tapos umalis na rin ako.

While on my way, my mind filled with thoughts again and Xyrel is part of that thoughts. I don't know, all of a sudden he'll pop out in my head. How is he? When will he come home? Is he okay? Well, he'll be okay Miracle, remember? He's a monster. And why you'd ask? Weird.

"Para po." Sabi ko nang makarating na ang sinasakyan ko sa kanto namin. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ng gate ng may tumigil na delivery motorbike sa tapat no'n.

"Dito po ba nakatira si Miracle Hope Perez?" Tanong nya sa'kin.

"Ako po 'yon, bakit po?"

"Food delivery po para sa inyo."

"Para sa'kin? Pero hindi ako nagpapa-deliver."

"From unknown po, paid narin po 'yan, papirma na lang po nito." Nagtataka man pero tinanggap ko  nalang 'yon at pinirmahan pagkatapos. "Salamat po." Tumango nalang ako bago sya umalis.

Bago pa ako makapasok sa bahay nakita ko si Mark na nakatingin dito mismo sa bahay ko, tipid nalang ako ngumiti sa kanya. Hindi ko alam kung ako lang ba'to o ano pero mukha syang malungkot.

I placed my bag in the sofa and bring the foods in the table. I'm not that rich to waste this foods so whoever that person gave me this? Thanks to that.

I was about to move out the foods inside the brown bag when I saw a small sticky one on the top of it.

'Take your dinner, eatwell Diamond :)' - Secret admirer.

The flowers, the unknown texter, and now this foods. Same sticky note and pen name? Who would this person be?

Sa kakaisip ko, tinamad nalang ako kaya kinain ko nalang 'tong pagkain, para sa'kin naman 'to, malinis din naman 'to dahil syempre kaka-deliver lang. Kung sino man yung taong 'yon, hindi ko sya pipiliting magpakilala, para saan pa't darating ang pagkakataon na kusa syang magpapakilala sa'kin.

No'ng natapos na 'kong kumain, nag-half bath na ako pagkatapos dumeretso na sa higaan. Wala akong ganang tumambay pa o manood ng tv. Ang gusto ko lang, humiga at makinig ng music, mas nare-relax ako kapag gano'n.

Habang naghahanap ng magandang music may nagnotif na text message, binukas ko 'yon at nakitang si Mark ang texter.

'Goodnight hope, sleepwell.' Ayoko naman maging bastos kaya nireplyan ko sya.

"Same here, thanks." Pagkatapos no'n, hinayaan ko nang ihele ako ng kanta at nagsimula nang matulog.

**

Morning came and I'm getting ready. Today is friday so that means it's my rest day for tomorrow. Oh how I badly need that day. Oh well.

While on my way,  I felt nervous for unknown reason. Didn't I do something wrong at work yesterday? Oh my? Is this a bad sign? Sign that something will came up?

"Taming Xhristian Xyrel"Where stories live. Discover now