Miracle's POV"Dyan nalang po sa tabi, kuya." Nakarating na kami sa loob ng compound namin at hindi ko alam kung mahihiya ako o maiilang dahil sa iilang tao na nasa labas at nakatambay pa rin at kung ano-ano lang naman ang ginagawa o pinag-uusapan.
Nahugot din ng pagpasok ng sasakyan na 'to ang mga tingin nila kung kaya naka-abang ang lahat ng pares ng mata sa sasakyan na 'to. Hindi ako makakilos, ano nalang ang iisipin ng ibang tao kapag nakita akong lumabas ng kotseng 'to?
"Ma'am?" Natigil ang pag-iisip ko at pagtingin sa kanila mula sa bintana ng bumukas ang pinto sa gawi ko at tinawag ako na sinasabing nandito na nga at kailangan ko ng bumaba.
"S-sorry." Wala akong nagawa kung hindi lumabas sa nakabukas nang pinto bitbit ang box ng kwintas at bulaklak. Hindi nga ako nagkamali na halos lahat ng tingin ng kapitbahay ay na sa'kin. Hindi ko man sila matignan ng deretso at matagal ay nasisiguro ko na nakatingin sila sa gawi namin. "Wait lang po kuya, bukas ko lang yung gate." Gano'n nga ang ginawa ko at halos magkamali pa 'ko sa pagbukas no'n pati na rin ng pintuan ng bahay ko sa sobrang kaba. Paglapag ko ng bulaklak sa sofa ay nagbuga ako ng isang malalim na hininga.
'Relax Miracle, hindi mo kailangan intindihin ang iniisip o sinasabi ng iba okay?'
Palabas na sana ako ng pinto ng bigla akong magulat dahil nakatayo na ang lalaking ito sa tapat ng pinto ko bitbit ang mga chocolates at teddy bear.
"Ano ka ba kuya, sana ay hinintay mo na lang ako." Inabot ko ang mga 'yon at nagpa-salamat.
"Walang anoman po, sige po mauuna na kami, Ma'am." Ngumiti ito sa'kin na ginantihan ko naman ng ngiti. Ilang sandali ko pang tinanaw ang pag-alis nila at muling napatingin sa mga taong nakatanaw din sa papaalis ng sasakyan.
Hindi nakatakas sa mata ko ang mga tingin ni Mark na animo'y nasasaktan sa nakita nya, maging ang biglaang pagtalikod nya ay hindi ko napalagpas. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman gayong alam ko naman na dapat mag-alala ako dahil nanliligaw ulit sya sa'kin.
Isinarado ko ang gate at hindi na inintindi pa ang mga tao sa labas. Aasahan ko na na simula bukas ay may sasabog na balita sa buong compound namin na ito at hindi ko alam kung dapat ko ba 'yong ikatuwa o ikainis.
Muli kong pinagmasdan ang lahat ng natanggap ko sa araw na 'to. Hanggang ngayon pala-isipan pa rin sa'kin kung sino ang sender ng mga 'to dahil iilang tao lang naman ang nakakasalamuha ko nitong mga huling buwan. Hindi ko maiwasang mapaisip kung kanino pwedeng manggaling ang mga ito.
"Oh, anong nangyari? Kamusta?"
"Hindi ko alam kung anong mararamdaman, Mich."
"Ha? Eh, Bakit naman? Dapat masaya ka 'di ba? Ang bongga lang naman ng mga natanggap mo." Muli akong napaisip kahit na alam ko naman na susukuan ko rin ang pag-iisip dahil wala akong idea kung sino talaga sya.
"Naguguluhan kasi ako, hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Kanina naiilang ako dahil hinatid ako hanggang dito sa amin at nakita ng ilang kapitbahay ang mga dala ko pati na rin yung kotse, baka bukas laman na 'ko ng chismis."
"Oh eh, bakit mo iniisip ang iba. Hayaan mo silang mamatay kakachismis, walang masama sa nangyayari sa'yo. Dalaga ka at malaya, wala kang inaapakang tao kaya hindi ka dapat mahiya."
Naisip ko si Mark. "Pero alam mo naman na nililigawan ulit ako ni Mark 'di ba?"
"Eh ano naman? Nanliligaw palang sya ulit sa'yo, hindi pa kayo nagkakabalikan." Napakamot ako sa ulo at halos masaktan ang anit ko sa sobrang pagkamot, sakit sa ulo.
"Eh kasei, hindi ba nakakahiya 'yon? May nanliligaw na sa'kin tapos nagpapaligaw pa 'ko sa iba." Nakagat ko ang labi sa nasabi.
"Gaga! Syempre hindi. Aba'y kasalanan mo bang may manliligaw ka na at biglang sumulpot ang secret admirer mo? Ang nakakahiya eh, yung may sinagot ka na tapos ay nagpapaligaw ka pa. Do'n, do'n ka mahiya."
YOU ARE READING
"Taming Xhristian Xyrel"
RomanceRomance Love Story. Must read 18+ "I know how we started. That was a mistake we both shared. That's the only mistake I won't regret, loving someone who wasn't really mine. I took a risk to someone who is not even sure about me."