Nandito ako ngayon sa kwarto ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa malaking salamin. Sa mga ganitong pagkakataon, minsan natatanong ko sarili ko kung bakit ang ganda ko. Jk! Hahaha! Paano ba naman kasi pauwi pa lang ako kanina may nakaabang nang sasakyan sa tapat ng bahay ko at may dala-dala ngang gown, hindi na 'ko nagtaka no'ng sabihin nyang galing 'yon sa young master nyang si Adrian daw.
Nakatulala lang ako sa gown na suot ko ngayon, hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero ang ganda lang talaga. Isa syang silver fitted long gown na may mahabang slit sa isang gilid, gusto ko na ngang tahiin dahil siguro may 3 inches nalang ay makikita na ang panty ko, ang baba din ng neckline nya kaya naman kitang-kita ang cleavage ko, jusko naman! Ekis ang mga strap nya sa likod so technically backless sya at halos buong likod ko ang kita.
"Girllll! What took you so long!" There she is again, shouting and shouting again and again. I called her becuase i6 don't know what to do, I need an assistance that why Jessa is here. She tied my hair in a messy bun and set my make up, she also helped me to get my gown on because like what I said, it's backless style so she needs to tie the thin straps correctly. Besides it will be hard for me kung ako ang gagawa, aba'y malamang paano ko 'yon maayos aber. Humarap ako sa salamin at muli ko pang inusisa ang itsura ko.
"Okay na 'ko." Sabi ko at mabilis na bumukas ang pinto.
"O M G !" Dahan-dahan nyang sabi habang nanlalaki ang mga matang nakatulala sakin. "Ikaw ba talaga 'yan?? Ikaw ba talaga ang bestfriend ko?" Kung malapit lang ako sa kanya ay nabatukan ko na sana sya ng magising sya at malaman nyang ako 'to. "Ang ganda ganda mo bessy! Tinalo mo na si Catriona Gray!" Nagtitili nyang sabi, hindi naman ako mapakali.
"Maganda ba talaga? Hindi ba masyadong daring? O kaya revealing? Tignan mo naman, kitang-kita ang balat ko."
"Ano ka ba?!" Sya ang lumapit sa'kin at pinitik ang noo ko. "Ang perfect kaya sa'yo! Ang galing pumili ni Papa Adrian eh."
"Eh kasi naman, engagement party ng kaibigan nila ang pupuntahan ko, hindi party ko. Eh parang ako yung may engagement party sa suot ko eh, tapos etong slit, masyadong mahaba." Reklamo ko.
"You know what bessy, Adrian won't pick this gown if it's not gonna suits on you. Besides, I'm pretty sure that that party is gonna be one of the most elegant parties of the year. I bet you don't want to look like a cat gate-crashing into the lions castle. Ayt?" That makes my mouth shut, she's right. Adrian's have a good taste when it comes to this. I was about to speak when we heard a beep coming from the outside.
"Oh, looks like your handsome escort is here." Jessa teased.
"Escort mo mukha mo, ano maganda talaga ha?" Ulit ko pa.
"Hindi makamove-on bes? Gusto ulit-ulit? Maganda nga lalo pag natatamaan ng ilaw, kumikinang ka bes! Perfect na perfect! Pahiram mo sa'kin yan pagkatapos ah!"
"Sira, sige na haha!" Lumakad na 'ko at dahan-dahan lang, I mean sakto lang kasi nakaheels ako. Bumagay din naman ang silver gray kong heels sa gown ko.
Sinilip ko muna sa bintana si Adrian at hindi ko itatanggi na napakagwapo nya sa suot nyang blue tuxedo, sigurado bang bagay ako sa lugar na 'yon?
"Ang pogi ni Adrian 'no?"
"Ay kalabaw! Ano bang ginagawa mo dyan bes, nakakagulat ka naman!" Napahawak ako sa dibdib ko.
"Ba't kasi tinititigan mo pa, pwede mo naman sunggaban na." This time ako naman ang pumitik sa noo nya. "Aray ha!"
"Stop teasing me!" I said and opened the door. "Hi, sorry if I took so long." I greeted him but he didn't answer me. He's just standing right where he is and just looking at me like recognizing who am I. "Hey." still not moving and talking, did something wrong in my face? In my gown? Bakit naman nakatingin lang sya sa'kin. Tss.
YOU ARE READING
"Taming Xhristian Xyrel"
RomanceRomance Love Story. Must read 18+ "I know how we started. That was a mistake we both shared. That's the only mistake I won't regret, loving someone who wasn't really mine. I took a risk to someone who is not even sure about me."