Miracle's POV
As the party got started, hindi na naaabot ng mata ko sila Xyrel at ang girlfriend nya. Unti-unti nagiging panatag naman na rin ang pakiramdam ko at nasasanay na ako sa atmosphere ng paligid. Tumingin ako ng bahagya kay Adrian, deretso lang ang tingin nya sa stage at hindi sya nagsasalita. Hindi ko alam kung anong meron sa kanilang tatlo kung bakit parang ang init ng ulo nya kay Nathalia. Bigla syang napalingon sa'kin at ngumiti.
"Why?" He said. I shake my head as a sign. I'm hesitant to ask him why. That's maybe a private matter between them.
"All right! Ladies and gentlemen, let's all welcome the soon to be bride and groom!" And that caught our attention. "Ms. Alliyah Fuentabella and Cameron Birksmith!" The MC said their names and those names sounded like a royal Prince and Princess.
Mula sa back stage lumabas ang dalawang tao na tingin ko hindi din nalalayo ang edad sa'min. Napakaganda ng babae sa suot nyang white long gown, parang ikakasal na agad sya sa sobrang gara ng suot nya. Hindi maitatanggi na anak mayaman talaga. Gano'n din ang groom sa suot nyang white tux, bagay na bagay silang dalawa. Parehas na may gintong kutsara sa labi.
At some moment, reality hits me. Xyrel and I are in a different situation and life. Kahit kailan hindi ako nababagay sa kanya. Hindi ko mapigilan na isipin na minsan akong nakaramdam ng something special sa kanya. He's a prince with a gold spoon in his mouth. Isa syang bituin na napaka-imposible para sa katulad ko na makuha at makamit. Nathalia is the right one for him. I should be happy because he found his happiness again but why can't I?
"Thank you for coming everyone. Let's dance and enjoy the party!"
Sa kakaisip ko nawala na ang atensyon ko sa stage.
"Hey, okay ka lang ?" Tanong ni Adrian. " Nagugutom ka ba? Gusto mo ikuha kita ng pagkain?" Napatingin ako sa kanya. Bakit ang bait ni Adrian sa katulad ko samantalang parehas lang sila ng katayuan ni Xyrel sa buhay? Ang laki ng pagkakaiba ng estado nya sa'kin pero bakit turing nya sa'kin ay kabilang sa mundo nila?
"Hey, Miracle." Bahagya na nyang natapik ang pisngi ko kaya bumalik naman ang diwa ko.
"S-sorry. Hindi okay lang hindi naman ako gutom." Ngumiti ako.
"Sure ka?"
"Yeah." Tumayo ako. "Wash room lang ako saglit." Tumango lang sya. May five minutes lang siguro akong nawala hindi ko na agad natanaw sa table namin si Adrian. Sabi ko 'wag akong iiwan eh! Dim pa naman na ang ilaw at may mga nagsasayawan na ring mag-partner.
Bumalik agad ako sa table and I was walking slowly heading to our table with my bowed head and trying to type a text for him telling him to get back in the seat. Before I could send the text, I saw a pair of shoes in front of me and when I raised my head it was Adrian. The dim lights lending to his face made him more handsome to look at, I stared at him for a minute and realized that I'm so lucky to be his date. With this perfect looking guy in front of me.
"May I have this dance?" Tsaka ko lang napansin ang kamay nya na may hawak na isang red rose. Yung way ng pagtatanong nya na parang isa akong Prinsesa na inaaya ng Prinsipe nyang sumayaw. Ilang segundo pa akong napatitig sa kamay nyang may hawak na bulaklak. Deserve ko 'tong moment na 'to para maging masaya so dapat i-enjoy ko lang at isa pa pabor 'to na hiningi nya na sinang-ayunan ko.
"Oo naman." Inabot ko ang bulaklak kasabay ng kamay nya. Nakita ko ang matamis na pagngiti nya habang naglalakad papunta sa gitna at nilagay ang mga kamay ko sa balikat nya. Nakaramdam ako ng saya, hindi ko alam kung bakit parang pakiramdam ko kabilang ako sa mundo nya na ipagmamalaki nya sa lahat. Ganito yung mga bagay na noon naisip kong magagawa ni Xyrel sa'kin pero hindi nangyari.
YOU ARE READING
"Taming Xhristian Xyrel"
RomanceRomance Love Story. Must read 18+ "I know how we started. That was a mistake we both shared. That's the only mistake I won't regret, loving someone who wasn't really mine. I took a risk to someone who is not even sure about me."