TXX22: Dinner together

7 0 0
                                    


Miracle's POV

"Wow." 'Yon ang unang salita na lumabas sa bibig ko nang makarating kami sa sinasabing mansion ng amo kong monster at gusto kong ibahin ang tawag nya doon dahil sa tingin ko ay ang nasa harap ko ngayon ay isang palasyo at hindi mansion.

Mula sa labas ng napakataas na gate ay bumisina si kuya rusty, yung driver at mula naman sa loob at may dalawang guard na nagbukas nito, sa gate palang nila masisilaw kana sa sobrang ganda. Pagpasok ng gate ay may dalawang metro pa ang haba bago ka siguro makarating sa kulay krema nilang pintuan, 'yon na sa tingin ko ang main door.

Nilibot ko ang paningin at halos gusto kong bumaba mula sa sasakyan at tumakbo papalapit sa mga tanim na rosas na nasa magkabilang gilid ng pathway na'to. Sobrang titingkad ay parang naaamoy ko ang mga ito kahit na may kalayuan. Sa apat na kuwadradong haligi ng harap ng bahay nila ay nasisiguro kong apat na bahay na ang pwedeng itayo dito. Grabe para akong nasa palasyo.

Those mini bermuda grass catches my attention, so clean to look at and makes me wanna lay down there. So pretty.

The car stopped in front of the house, and I heard kuya Rusty came out first and opened the door for Sir Xyrel. My eyes is so busy looking at those roses, they're my favorites. Pink and red roses that I always wanted.

Mula ng mag 10 years old ako ay palagi akong binibigyan ni papa ng rose kada birthday ko, sabi ni mama ay do'n nya raw ako pinaglihi, hindi raw sya nakakatulog sa gabi hanggang hindi nakakaamoy ng rosas. Hanggang nang mag debut ako na syang huling taon na nabigyan ako ni papa ng roses, kahit lanta na ay pinakatago-tago ko iyon sa libro na palaging nasa ilalim ng unan ko. Huling ala-ala ni papa na palagi kong gustong nakikita. Kung nakikita mo lang papa kung gaanong kadaming rosas ang nasa harap ko paniguradong tuwang-tuwa ka rin. Hindi ko naiwasang malungkot.

"Hey, Miracle." Naputol ang iniisip ko ng marinig ang boses ni Sir Xyrel at magulat pa ng makitang nakabukas na ang pinto at nakadungaw sya doon, napaayos ako ng upo.

"S-sir."

"Why are you crying?"

"H-ha?" Bigla 'kong napahid ang pisngi at doon nga ay nakapa ko ang medyo mamasa-masa kong pisngi. Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako ng wala sa oras. Muli kong sinulyapan ang mga rosas.

'Papa...'

"Are you okay?"

"Y-yes Sir, sorry."

Tumingin sya saglit sa kanina ko pang tinitignan bago magbalik ulit ng tingin sa'kin.

"Let's go." Tumango na lamang ako at hindi na sumagot. Lumabas na ako ng sasakyan at sumunod sa kanya. May limang baitang pa ng hagdan bago tuluyang makalapit sa nakabukas nang main door. At doon nanaman ay napanganga ako nang sa gilid ng nakabukas na napakalaking pinto ay nakapila sa kanan ang limang bodyguards at sa kaliwa naman ay limang maids na pawang lahat ay nakayuko at nag-aabang sa pagpasok ng monster na 'to.

Napasulyap ako sa kanya.

'Dapat pa ba kita tawaging Monster kung sa buhay mo ay isa ka palang prinsipe?'

Muli kong nilibot ang mata at halos mapahanga nanaman sa ganda at lawak nito. Tanaw ko ang napakalaking painting na kung hindi ako nagkakamali ay family picture nila. Pabilog ang hagdang nahahati sa magkabilang gilid ng bahay, gets nyo? Basta dalawa yung hagdan sa parehong gilid, bahala na kayo mag-imagine.

Napunta ang paningin ko sa kabilang gilid sa bandang ibaba ng hagdan ng makita ko ang naggagandahang pigurin at mga antique na vase, mga naggagandahan paintings naman sa kabila na sa unang tingin palang ay malalaman mo nang may pambihirang presyo. Para talaga akong nasa palasyo grabe.

"Taming Xhristian Xyrel"Where stories live. Discover now