TXX27: Complicated

5 0 0
                                    


Miracle's POV

"Oh bessy, kamusta ka naman ngayon? Mukhang stress ka lately ah?" Nasa bahay ko ngayon si Jessa at inaaya akong uminom.

Sabado ngayon at tatlong araw na mula nang mangyari ang confession ni Adrian at tatlong araw na rin na malamig ang naging pakitungo sa'kin ni Xyrel kahit sa text o kahit pa sa office.

Hindi ko alam kung bakit ganoon nalang kalaki ang galit nya sa pag-confess sa'kin ni Adrian eh samantalang sya nga 'tong may girlfriend pa.

Ayaw nya ng nagseselos? Ayaw nya ng may ibang nalapit sa'kin? Ang lakas naman nyang sabihin sa'kin 'yon eh ako nga itong single, tss!

"Hoy bakla! Ano, kaya pa ba today?"

"H-ha? O-oo eto na ihahanda ko na." Sabi ko at kinuha na nga at dala nyang bote ng alak at kumuha na 'ko ng mga gagamitin namin.

"Ha? Hindi pa tayo nag-iinom pero parang lasing ka na girl! Ano na?"

"A-ano ba 'yon? May iba ka bang sinasabi?" Nasapo nya ang noo at lumapit sa'kin.

"Okay ka lang ba talaga?" Hinipo nya ang noo ko. "Wala ka namang sakit, anong ganap mo bessy?"

"Ha? Hindi wala, wala naman." Umupo na ako sa couch at nasa maliit na center table na ang alak pati na rin ang chaser at pulutan. Nagsalin ako sa shot glass ko at deretsong uminom.

"Sabi ko kanina, mukha kang stress. May problema?" May problema nga ba? Hindi ko nga alam kung ano ba talaga eh. Basta ang alam ko magulo isip ko.

Alam ko naman na ginusto ko rin pasukin ang sitwasyon na 'to. Isang araw naramdaman ko nalang at isang araw nandito na ako sa ganitong sitwasyon. Everything that has happened was so sudden to the point na hindi ko na naisip kung tama pa ba o mali. Ang nasa isip ko lang, masaya ako sa nangyari at wala akong pinagsisisihan, o wala nga ba? O wala pa?

"Alam mo yung feeling na may gusto ka pero hindi pwede? Yung mayroon kang isang bagay na ginawa na hindi naman dapat pero masaya ka pa sa bagay na 'yon? O baka pansamantalang saya lang tapos magugulat ka nalang kapag biglang nawala na?"

"Ang lalim ng hugot mo ah?" Uminom sya at gano'n na rin ako. "Alam mo ganito nalang. Una, bakit mo ba ginusto yung isang bagay na alam mo namang hindi pwede?"

Bakit nga ba? Napaisip ako sa kung ano ba talagang dahilan. "Ang totoo hindi ko rin alam. Bigla ko nalang naramdaman na ginusto ko 'yon."

"Tapos sa ginawa mo, masaya ka ba talaga?"

"Oo?"

"Hindi ka sigurado?"

"Hindi ko alam eh. Pero masaya ako, totoong masaya ako sa nangyayari ngayon. Pero naguguluhan ako, parang nasasaktan ako kada maiisip ko na baka any time pwedeng mawala yung kasiyahan na 'yon."

"Hmm, gets. Ang masasabi ko lang, ihanda mo lang ang sarili mo."

"Ihanda?"

"Oo. Kasi pumasok ka sa isang magulong sitwasyon, sa sitwaston na walang sigurado. Tapatin mo nga ako bessy, ito bang tinutukoy mo ay ang taong sinasabi mong gusto mo pero hindi pwede?" Napatingin ako sa kanya. "What? I'm here as a friend, as always. No judgement, 'di mo kailangang mahiya. Sa'kin pa ba?" Doon bigla parang lumambot ako at pakiramdam ko mayroon talagang isang taong handang makinig sa'kin at hindi ako huhusgahan.

"Oo. Gusto ko sya kahit alam ko namang hindi pwede. Sa bilis nang pangyayari, nagulat nalang ako na sumasaya na ako sa isang bagay na alam ko namang mali. Hindi ko alam kung naging tanga nalang ako bigla kasi alam ko talaga sa sarili ko na masaya ako sa mga nangyari."

"Edi tama nga ako. Pumasok ka sa sitwasyong magulo kaya ang magagawa mo nalang talaga ay ihanda ang sarili mo. Hindi mo alam kung hanggang kailan ka magiging masaya sa pinili mong 'yan. Wala sa'yo ang desisyon, nando'n sa kabila."

"Taming Xhristian Xyrel"Where stories live. Discover now