Miracle's POVDalawang araw, dalawang araw na nandito lang ako nagkukulong sa kwarto ko. Hindi ko binalak na lumabas ng bahay, na pumasok sa trabaho o kahit pa na ano.
Dalawang araw kong ininda ang sakit na parang ito na ba ang huli. Walang maayos na tulog, walang maayos na kain. Hindi ko na iniinda ang sama ng pakiramdam ko dala nang walang tigil na pag-iyak.
Sila Mark at Jessa, bumabalik-balik dito from time to time pero katahimikan at gusto kong mapag-isa ang hiniling ko sa kanila, wala naman silang nagawa kung hindi hayaan ako dahil siguro alam nila na hindi talaga madali kung anong pinagdadaanan ko ngayon, lalo si Jessa.
Bumangon ako at tumingin sa salamin. Huminga ako ng malalim at sinubukan kong ayusin ang magulo kong pag-iisip, ni hindi ko nga alam kung ano na ba talaga ang susunod na iisipin ko.
Sa buong oras na nakakulong lang ako dito, walang tigil ang pagtawag ni Xyrel sa'kin, sandamakmak na text din ang natatanggap ko araw-araw. Ni isa wala akong sinagot, wala ako sa kondisyon na kausapin sya. Hindi ko rin alam kung saan magsisimula, kung makakayanan ko ba ang maririnig ko sa oras na magpaliwanag sya. Ni hindi ko rin alam kung kaya ko bang tanggapin ano mang rason at paliwanag nya.
Kung tutuusin, walang pinagkaiba ang betrayal na 'to sa ginawa sa'kin ni Mark pero mas masakit lang kasi 'to. Oo nga at wala kaming malinaw na relasyon pero kasi kung araw-araw na ipinaramdam sayo ang pagmamahal na akala mo sa'yong-sa'yo lang talaga, yung assurance na halos mas mataas pa sa expectations ko at yung mga ginagawa nyong dalawa na para lang dapat sa magkarelasyon, hindi ba kayo masasaktan? Hindi ba kayo aasa? Wala nalang ba 'yon kasi wala namang kayo? Kasi ako, hindi ko kayang baliwalain talaga eh.
Buong buhay ko ngayon lang ako gumawa nang ganitong klase ng pagkakamali, na hindi ko na nga inisip masyado na pagkakamali dahil ginusto ko talaga at naging masaya ako. Ngayon lang ako napunta sa ganitong sitwasyon tapos ganito pa ang kinahinatnan? Nakakatawa diba? Nakakagago.
Dumeretso ako sa cr at hinayaan lang umagos ang tubig na nanggagaling sa shower. Kung sana maisasama ng bawat agos ng tubig na 'to ang sakit na nararamdaman ko, sana ay alisin nya na lahat. Tanggalin na nya lahat.
Tumagal siguro ako ng isang oras sa paligo at pag-aasikaso nang muli kong silipin ang itsura ko bago tuluyang lumabas ng bahay. Namumugto parin ang mga mata ko, kitang-kita narin ang eye bags ko. I look pale pero hindi ko na 'yon inintindi dahil wala nang mas hihigit pa sa nararamdaman kong sakit ngayon.
Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Makikita ko na sya, ano bang dapat gawin? Pansinin o hindi? Umarte na parang walang nangyari o kailangan may gawin ako para matapos na 'to at mabigyang linaw na lahat?
Nang makarating ako sa tapat ng building ay parang nag-aalangan pa akong humakbang papasok ng entrance, pakiramdam ko hindi magiging maayos ang araw na 'to para sa'kin.
Sa huli ay nag-decide akong pumasok na ng tuluyan dahil wala naman akong ibang choice. Trabahador ako at kailangan kong gawin ang trabaho ko.
"Girl! What happened to you? May sakit ka ba? Bakit absent ka?" May pag-alala sa tanong ni Mich nang salubungin nya ako sa looby. Nakatingin lang sya sa'kin at parang naaawa sa itsura ko ngayon.
Kahit ako naaawa rin ako sa itsura ko ngayon eh. I look so haggard, I look so pale. Hindi pa okay ang pakiramdam ko at parang ang hina hina ng katawan ko na parang isang mahinang pitik lang ay babagsak ako.
"I'm okay, pasensya na pala sa pag-absent ko ng walang pasabi. Kakausapin ko nalang ang HR natin mamaya."
"Halika nga dito umupo ka muna." Hinila nya ako sa front desk at doon pinaupo. "Okay ka lang ba? Parang maputla ka kasi, gusto mo dalhin kita sa clinic?"
YOU ARE READING
"Taming Xhristian Xyrel"
RomanceRomance Love Story. Must read 18+ "I know how we started. That was a mistake we both shared. That's the only mistake I won't regret, loving someone who wasn't really mine. I took a risk to someone who is not even sure about me."