TXX16: His queen.

21 1 0
                                    


Gulat na gulat talaga ako sa nakikita ko ngayon dahil bukod sa akala kong galit ang magiging reaksyon nya pagkakita nya kay Nathalia ay halos ilang minuto na silang naghahalikan. Tumikhim ako.

"E-ehem, nandito pa ako. Ehem." Pakunyari kong nauubo, kumalas lang silang dalawa sa paghahalikan nila pero hindi naman nagawang tumingin man lang sakin. Mga bastos eh.

"Worth it ang isang buwang hirap ko, salamat." Sabi ni Xhristian at ngumiti pa ulit, isang buwang paghihirap? Anong ibig nyang sabihin?

"I'm sorry for making it hard for you babe." Nathalia replied. Teka, sila na ba ulit? Wala naman akong narinig na gano'n sa usapan nila mula pa kanina ah? Magsasalita palang ako nang mauna na ang monster.

"You may go now, Mich. We need privacy."

"What? Aren't you going to thank me? And can you explain this sudden drama?"

"Mich." He smiled and held me in my shoulder leading me to the door, "We'll talk some other time okay? Thank you." And then he closed the door, is this really happening? Can somebody slap me? Xhristian is smiling? And even said thank you? Wow, just wow.

Sa sobrang excited kong ibalita sa lahat ang nangyayari ay halos takbuhin ko na ang confession room at saktong pagpasok ko ay kumpleto silang nando'n at kanya-kanya ng pwesto.

"Oh Mich, ba't humahangos ka?" Sabi ni Mrs. Anna.

"Oo nga, may problema nanaman ba?" Mr. Gael.

"S-si ano... si a-ano..." Hindi ko matuloy-tuloy ang sinasabi ko dahil sa hingal ko.

''Wait, here take this." Ms. Sam handed me a bottle of water, I straightly put it in my mouth and after that...

"SHE'S BACK!" I yelled. Their eyebrow creased.

"Who's she?" Mrs. Anna and Ms. Sam said in unison.

"Nathalia is back!" And there, their mouth jaw dropped.

Nalaglag ang kaninang hawak ni Mrs. Anna na folder, habang nalaglag naman ang mukha ni Mr. Gael mula sa pagkahalumbaba nya, at ang kaninang si Ms. Sam na umiinom ng tubig ay nabilaukan na.

"Totoo ba 'yan?"

"Kailan pa?"

"Nagkita na ba silang dalawa?" Sunod-sunod nilang tanong nang medyo nakabawi na sa pagkagulat.

"Totoong-totoo! Kagabi lang, at oo nagkita na sila!"

"Patay na, katapusan na ng mundo." Sabi ni Mrs.Anna na napalo pa ang noo.

"Malamang sasabog na ang bulkang mayon anomang oras mula ngayon." Mr. Gael.

"Kailangan na ba nating magsimulang magligpit ng gamit?" Hindi nyo sila masisisi kung ganyan ka oa ang mga reaksyon nila dahil tulad ko parehas lang kami ng iniisip na reaksyon ni Sir na hindi naman nangyari.

"Well sorry for interrupting your reactions and imaginations guys because that's not going to happen." I said.

"What are you talking about? It's Nathalia Mich, NATHALIA." Mrs. Anna insist.

"You're right, she's Nathalia, his great love." I said raising my eyebrow.

"I don't get it." Naguguluhang sabi ni Ms. Sam. I can see big question mark on their faces and I wanna laugh out of it. Hahaha!

Sinimulan ko nang ikwento sa kanilang lahat ang nangyari mula sa lobby hanggang sa office ni Sir hanggang sa ipagtabuyan ako ng halimaw palabas ng opisina nya. Kitang-kita ang gulat sa mga mukha nila habang nagkukwento ako maging ang mga bunganga nilang nakabukas.

"Taming Xhristian Xyrel"Where stories live. Discover now