TXX31: Her biggest downfall.

6 0 0
                                    

Xhristian's POV

"Let's go, babe." I said to Nathalia who is still laying in my bed.

Umupo sya at nakasimangot na tumingin sa'kin. "Babe, can I just stay here sa condo mo? I don't wanna go out, my back hurts." Lumapit ako sa kanya at sinandal sa balikat ko ang ulo nya.

"Babe, ayaw kitang iwan dito habang nasa office ako. Come on, I'll take care of you parin kahit nagtatrabaho ako, okay?" Hinalikan ko ang noo nya at bahagya syang tumango.

"Alright, if you say so." Ngumiti sya at nagsimula nang magpalit ng damit.

As long as gusto kong mag-stay nalang muna dito at alagaan lang sya ay hindi pwede. Marami akong kailangang gawin sa office.

"All done!" Tumingin ako sa kanya na kakalabas lang sa bathroom. She's wearing a simple dress but she still looks classy.

"Ang ganda naman ng babaeng 'to. Sino kaya 'to? May boyfriend na kaya sya?" I chuckled softly.

"Um yeah? I do. I'm sorry." She giggled.

"Let's go?" Inabot ko na ang kamay nya at sabay kaming lumabas ng condo.

Tahimik at masaya lang akong nagmamaneho hanggang sa makarating kami sa building.

Dumeretso ako sa lobby at nakita ko doon si Mich. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang masama nyang tingin kay Nathalia.

"Any problem, Michelle?" Nilipat nya ang tingin nya sa'kin at ngumiti ng pilit.

"Wala po, Sir."

"Good." Matipid kong sagot at deretso nang pumasok sa elevator. Hindi ko alam kung bakit ang sama ng tingin nya kay Nathalia pero kung ano man ang rason nya, wala akong pakialam. Ayoko nang ganyan ang pakitungo nila kay Nathalia. Not here in my building.

Bumukas ang elevator at mula dito ay tanaw ko ang nakaupong si Miracle sa desk nya at nakatutok sa computer.

Deretso akong lumakad at hawak-hawak ko lang ang kamay ni Nathalia. Tumigil ako sa tapat ng desk nya.

"Any update para sa delivery ng furniture for next week?" Deretso kong tanong, hindi pa nga nya yata namalayan ang pagdating ko dahil bigla pa syang napatayo.

"Ah, good--" Natigil ang sasabihin nya nang makita nyang hindi ako nag-iisa, lumipat ang tingin nya kay Nathalia tapos ay sa mga kamay namin na magka-hawak. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang dismayado nyang mukha at bahagyang pagkunot ng noo.

"So?" Hindi ko pinansin ang kinilos nyang 'yon at muling nagtanong.

"Ah, k-kinakausap ko na po yung courier. Medyo ma-de-delay daw po ang delivery."

"What? Hindi pwede. Ayusin mo 'yan. Ayusin nyo 'yan. Kailangan in three days mai-deliver na lahat, malinaw?"

"P-pero, Sir--" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya at tumalikod na kami papasok sa office ko.

"Babe, are you stress ba because of work?" Tanong ni Nathalia pagkapasok namin sa office.

"Not really, babe. It's just that, ang daming hinahabol na deliveries na kailangan magawa. Hindi pwede yung delay delay, maaapektuhan ang inventory ng products kapag gano'n." Dumeretso na nga ako ng upo sa desk ko at sinimulan nang buksan ang computer ko. I have a lot of emails and things that need to be fixed. Ayokong nagkakaroon ng problem regarding sa work, I want everything to be perfect.

"Alright. Work well babe, kaya mo 'yan! Be productive." Masayang sabi nya ng nakangiti. Napangiti narin tuloy ako dahil do'n.

"Thank you, babe. I love you."

"Taming Xhristian Xyrel"Where stories live. Discover now