Sinalubong ni Adrian ang mga kaibigan ng makita itong papasok na sa gate ng bahay.
" Akala ko ba iikutin ninyo ang Puerto Vicente?" tanong nito sa apat. " Ang tagal ninyong nawala."
" Inikot nga," sagot ni Angelo. " Ang saya nga namin e. Sayang hindi ka nakasama."
" Inikot nga ba?" nagdududang tanong ni Adrian. " Parang hindi man lang kayo pinagpawisan. Iyong itsura ninyo ng umalis kayo kanina saka yung ngayon parehas lang."
" Ganun talaga kapag likas ang taglay mong ganda." sagot uli ni Angelo. "Ang tawag diyan, gandang artista. Kahit saan mo pagulungin, pagtayo, byuti pa rin."
" Hindi nga? " Saan nga kayp nagpunta? inikot nga ninyo ang Puerto Vicente?" urirat ni Adrian. "Hindi man lang kasi kayo nadumihan e bundok 'tong lugar namin."
" Kailangan bang madumihan bago ka maniwalang umikot kami?" sagot ni Angelo. " Sinulat namin sa lupa yung Puerto Vicente, tapos inikut-ikutan namin yung nakasulat. Ayun, naikot na namin ang Puerto Vicente ng hindi nadudumihan."
"Puro ka naman kalokohan Angelo e." reklamo ni Adrian.
" Ayaw mo kasi maniwala e sinasabi ko na nga ang totoo." sagot ni Angelo. " Kung gusto mo baliktarin natin ang sitwasyon, Ikaw ang magsabi, ako ang maniniwala."
" Adrian, kumpleto na ba ang mga doktor sa loob?" tanong ni Joshua.
" Wala pa si doktora at saka si Dr. James."
" May date yung dalawa?" biro ni Angelo. " Bagay sila. The Sungit andf the Sexy."
" Hindi." sagot ni Adrian. " Si doktora nagpunta sa bayan. Si Dr. James naman may pinuntahan kasama ni Mang Lito. Ang nandiyan sa loob ay si Dr. Robert at si Dr. Carlos."
" Hindi umalis yung dalawa?" tanong ni Diana.
" Si Dr. Robert ay umalis pero bumalik din agad. Parang may kinuhang sulat yata galing sa Maynila. Si Dr. Carlos ay nagkulong lang sa kuwarto."
" Anong oras ang balik ni doktora sexy?" tanong ni Angelo. " Namiss ko siya agad."
" Loko ka talaga Angelo," sagot ni Adrian. " Baka bago gumabi ay nandito na 'yun. Last trip kasi ng pauwi dito na galing sa bayan ay alas singko ng hapon."
" Pasok na kayo sa loob. may hinandang meryenda para sa inyo si Nanay." dagdag pa Adrian.
" Sige, magbibihis muna kami." sagot naman ni Queenie.
" Okey. Pagkabihis ninyo ay dumiretso na kayo sa garden. Doon na lang tayo kumain ng sabay-sabay."
Magkakasabay na pumasok sa bahay ang magkakaibigan. Nadatnan nila sina Dr. Robert at Dr. Carlos sa sala na tila seryosong nag-uusap na halos hindi napansin ang pagpasok ng apat.
" Josh, ano sa palagay mo?' tanong ni Angelo pagkapasok nila sa kuwarto. " Sasabihin ba natin kay Dr. Robert ang tungkol kay sexy?"
" Pag-usapan natin mamaya kasama sila Queenie." sagot ni Joshua. " Sa tingin ko ay karapatan ni Dr. Robert na malaman dahil bisita niya si doktora."
Nakabalik na si Aldora sa Puerto Vicente kasama ang kanyang mga kaibigang engkantado na sina Takoy at Tibod.
" Sigurado ka bang dito ka na titira habang ikaw ay nabubuhay Aldora?" tanong ni Tibod. " Sa tingin ko ay lubhang napakaliit ng gubat na ito. Kalbo na rin ang mga bundok at tila wala ng pag-asang manumbalik pa ang mga puno dahil sa pagsusunog ng mga tao. Lubhang naapektuhan na ang sustansiya ng lupa para tubuan pa ng mga halaman."
BINABASA MO ANG
Si Joshua Lagalag at ang Maranhig (Book III)
AdventurePaano mo papatayin ang isang patay na? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Joshua at Angelo sa lugar kung saan ang kanilang makakalaban ay mga buhay na patay! Pinaghalong, adventure, fantasy and suspense kaya siguradong magugustuhan ninyo...