Chapter 9. Ang Batang Babae

7.6K 310 7
                                    

Mabilis na hinabol ni Joshua ang dalawang aso na patungo sa batang babae. Nagawa niyang mahawakan ang buntot ng isa. Hinaltak niya ito at inihagis pabalik ang aso.

Ilang metro na lang ang layo ng naunang aso sa bata na noon ay nakatayo lang at tila natulala sa pangyayari.

Tumalon ang aso papunta sa bata upang sagpangin ang leeg nito.

Mabilis na tinalon ni Joshua ang aso at bago umabot sa leeg ng bata ang mga pangil nito ay nagawa niyang mayakap ito.

Bumagsak siya sa lupa na gumugulong habang yakap ang aso mula sa likuran.

Sumugod naman si Dr. Robert at pinaputukan ang aso na inihagis ni Joshua. Tumilapon ang aso dahil sa lakas ng baril ngunit agad din itong bumangon upang sumugod uli.

Muli itong pinaputukan ni Dr. Robert at sa pagkakataong ito, sa ulo na niya pinatamaan.

Sabog ang ulo ng aso ng tamaan ito ng bala ng shotgun.

Agad namang inihagis ni Joshua palayo ang aso at mabilis na bumangon sabay dampot sa nabitawang itak.

Bumangon din agad ang aso at muling sinugod si Joshua.

Isang malakas na pagtaga ang sinalubong ni Joshua sa sumusugod na aso. Plano niya ay patamaan ito sa leeg ngunit dahil sa bilis nito ay lumampas ang pagtaga niya at tumama ito sa katawan ng aso.

Halos naputol ang katawan ng aso ngunit laking gulat ng lahat ng muling sumugod ito habang hila-hila ang kalahati ng katawan na halos balat na lang ang nagdudugtong.

Isang matinding pagtaga ang isinalubong dito ni Joshua. Naputol ang ulo ng aso at tumalsik ito ng ilang metro bago bumagsak sa harapan ni Dra. Rowena at ng manikuristang si Maring.

Nagtitili ang dalawang babae sa nasaksihan at maagap naman silang nilapitan ni Dr. Carlos upang pakalmahin.

" Anong klaseng mga halimaw yan?" tanong ni Dr. Robert. " Hindi sila pangkaraniwang aso."

" I think they are trained" sagot ni Dr. James. " Tingnan mo ang kanilang itsura, mukha silang hindi infected ng rabies.

" At ano ang tawag mo sa mga hayop na ganoon ang behavior?" tanong ni Dr. Carlos. " They are definitely rabid dogs."

" Sa tingin ko ay tama si Carlos."sagot ni Dr. Robert. " Kaya sila umatake dahil infected na sila ng rabies."

" Paano mo maipapaliwanag yung bigla nilang pag-iwas kay Joshua at yung bata ang sinugod?" tanong ni Dr. James. " Hindi sila nagpunta dito para mangagat ng tao. Tingnan ninyo ang mga aso. Hindi sila mga mukhang asong may sakit. In fact, they are well fed and healthy.I think there is someone who is behind all of this."

" What do you mean? " tanong ni Dra. Rowena. " Someone deliberately brought the dogs here to attack us?

"Possible." sagot ni Dr. James.

Nagkatinginan sina Joshua at Queenie. Alam nilang patay na ang mga aso bago pa man umatake sa kanila ngunit minabuti na lang nilang manahimik. Lalo lang magpapagulo sa usapan kapag sinabi nilang maranhig ang mga aso.

" Josh, nakita ko kanina na sumusugod pa sa 'yo ang aso kahit putol na yung katawan. Paano nangyari yun?" tanong ni Adrian.

" Dahil lang sa momemtum yun," sagot ni Dr. Carlos. " Nakabuwelo na kasi yung aso kaya kahit halos putol na ito ay nagawa pa ring makasugod."

" Tingin ko ay aksidente lang ito." sabi naman ni Dr. Robert. " May nakaiwan ng gate na bukas at pumasok yung tatlong aso. Siguro pagkapasok nila ay muling naisara yung gate at nakulong sila dito sa loob. Dahil nga hindi sila makalabas, they felt threatened and so umatake sila."

Si Joshua Lagalag at ang  Maranhig                  (Book III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon