Unti-unti ng nag-alisan ang mga taong nag-uusyoso ng makitang umalis na ang service ng barangay at nag mga security guards. Ang iba naman ay sadyang nagpaiwan para magkuwento sa mga bagong dating.
" Hoy, ano nangyari diyan? Bakit pumunta yung mga taga-barangay?"
" May gustong pumasok diyan sa kabilang bahay. Nagpanggap daw na kamag-anak. Buti na lang at matalino 'yung bata diyan, hindi pinapasok."
" Dito ba kamo sa kabila? Bakit sa kabilang bahay naman galing yung taga-barangay?"
" Hindi nga pinapasok kaya diyan sa kabila nagtago nung dumating yung nga sekyu."
" Nahuli ba nila?"
" Hindi nga e. Hindi na daw inabutan. Pero dahil dun, nakita nilang winasak na pala yung unit diyan sa kabila. Mga addict siguro ang may kagagawan."
" Paanong winasak?"
" Wasak as in warak na yung loob ng bahay. Parang dinaanan ng bagyo!"
" Baka yung mga magnanakaw ng kuryente. Maraming pinasok dun sa Phase 2. Sinisira nilayung mga kisame para kunin yung mga wires."
" Dun nga nagtataka yung barangay. Wala daw nawala.Winasak lang talaga."
" Ganun ba? Ibang klase na mga addict ngayon. Ano kaya tinitira ng mga 'yan at ganun na lang ka-bayolente?"
" Ewan ko ba. Ibang klase na talaga mga drugs ngayon. Iba na ang trip ng mga kabataan. Balita ko hindi na daw sinisinghot o tinuturok ang ganyang mga drugs."
" Ano na ginagawa ng mga addict sa drugs?"
" Inuulam na daw sa kanin!"
" Ano? Meron bang ganun? Niloloko mo na yata ako Mare?"
" Narinig ko lang 'yun mare. Sige maiwan na kita at may nakasalang akong sinaing."
Sa bintana ng kanilang bahay, nakatanaw sina Joshua, Angelo at Leslie sa kabilang bahay kung saan nag-aalisan na ang mga nag-usyoso.
" Hindi mo ba inabutan kuya? " tanong ni Leslie. " Nakita kita kanina ng lumipat ka."
" Hindi," sagot ni Joshua. "hinanap ko pa nga pero hindi ko nakita."
" Kinabahan ako dun, akala ko makakapasok dito sa atin." sabi ni Leslie." Ginutom tuloy ako. Makapagluto nga ng meryenda."
" Yun ang magandang naisip mo Les." sabat naman ni Angelo. " sama mo ko ha,"
" okey, tingnan ko kung ano puwedeng lutuin dito sa kusina." sagot ni Leslie habang tumatayo sa kinauupuan at naglakad papunta sa kusina.
Tiniyak ni Angelo na nasa kusina na si Leslie bago ito nagsalita.
" Josh, kilala mo ba yung aswang?" tanong nito kay Joshua. " Nag-iba itsura mo nung narinig mo pangalan na sinabi ng kuya mo kanina."
" Oo, kilala ko siya," pag-amin ni Joshua. " nakalaban ko siya sa Sitio Aswang."
" O, di umamin ka rin." sabi ni Angelo," sabi ko na nga ba hindi ka natulog dun kina Mar ."
" Nagpunta siya siguro dito para paghigantihan ako. Buti na lang at walang ibang nadamay."
" Sure ka ba na siya na nga yun? Di ba iba ang itsura ng aswang kapag nasa anyong aswang sila?"
" Noong una, hindi ko nakilala, pero nung namatay na siya, bumalik sa dati ang itsura."
" Nasaan na yung katawan ng aswang? Wala naman daw nakita yung barangay."
" Dinala na nina Queenie. Sila na daw ang bahala."
BINABASA MO ANG
Si Joshua Lagalag at ang Maranhig (Book III)
AventuraPaano mo papatayin ang isang patay na? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Joshua at Angelo sa lugar kung saan ang kanilang makakalaban ay mga buhay na patay! Pinaghalong, adventure, fantasy and suspense kaya siguradong magugustuhan ninyo...