Chapter 24. Ang Kakayahan ni Angelo

7.3K 333 53
                                    

Nagkatinginan ang magkaibigan ng sinabi ni Daguub na may dadaanan pa silang pagsubok bago makakuha ng bunga ng dalugdug.

" Anong pagsubok ang aming kakaharapin?" tanong ni Joshua kay Daguub.

" Kailangang matalo ninyo ang nilalang na ihaharap ko sa inyo." sagot ni Daguub.

" Ano ang paglalabanan namin?" tanong uli ni Joshua. ' Isa ba itong paligsahan?"

" Maglalaban kayo." sagot ni Daguub. "Kapag tinalo ninyo siya, maaari na kayong kumuha ng bunga ng Dalugdug. Hindi ito paligsahan kundi isang totoong paglalaban."

" Sino ang aming makakalaban?" tanong ni Angelo.

" Ako ang makakalaban ninyo!"

Napalingon ang dalawa sa pinagmulan ng boses. Isang nilalang ang nagsalita sa kanilang likuran. Kung pagmamasdang mabuti, mukha itong isang tao rin na kagaya nila. Isang katangian lang ang napansin agad ng magkaibigan.

Ubod ito ng payat at tila tuyot na tuyot ang katawan. Sa isang kamay nito ay may bitbit itong isang putol na buho ng kawayan.

" Josh,ipaubaya mo na sa akin itong si Palito." bulong ni Angelo. " Pupulbusin ko dibdib nito. "

" Huwag kang pasisiguro," sagot ni Joshua. " Engkantado 'yan. Sigurado akong may kapangyarihan 'yan."

" Sure kang may kapangyarihan yan?" pabirong tanong ni Angelo. " Parang isang bulate na lang ang hindi pumipirma para mailagay na 'yan sa hukay. Ang masaklap pa dun, yung bulate, pipirma na sana. naubusan lang ng ink yung ballpen. Dapat nasa libingan na 'yan e."

" Siya si Dapok,ang inyong makakalaban." sabi ni Daguub sa dalawa. " Kapag tinalo ninyo siya, maaari kayong kumuha ng bunga ng dalugdug kahit gaano karami ang inyong kayang dalhin."

" At kapag tinalo niya kami?" tanong ni Joshua

" Gagawin ko kayong aking mga alipin." sagot ni Dapok. " pagsisilbihan ninyo ako habambuhay."

Nagkatinginan amg dalawang magkaibigan. Kapag tinalo sila ni Dapok, hindi na sila makakabalik. Habambuhay silang magiging alipin ng isang engkantado dito sa Bundok Mari-it.

" Lubhang napakataas na kabayaran para lamang sa iilang piraso ng bunga," sagot ni Joshua. " hindi kami pumapayag. Aalis na lang kami."

" Oo nga. " sabat ni Angelo. "Anong pagsisilbi ang gagawin namin diyan? Susubuan ng pagkain araw-araw para tumaba?"

Hinatak ni Joshua si Angelo upang kunwari ay aalis sila. Alam niyang hindi papayag ang mga engkantado na umalis na lang sila ng ganun na lamang. Parte na ng buhay- engkantado ang pakikipaglaban at hindi nila palalagpasin ang pagkakataon na ipagpaliban pa ito.

" Sandali, huwag kayong aalis." pigil sa kanila ni Dapok. " Pag-uusapan namin ni Daguub ang pagbabago ng aking kagustuhan."

" Sige, bilisan ninyo. Nagmamadali kami." sagot ni Angelo. " May iba pa kaming labanang pupuntahan. Naghihintay na sa akin ang aking dragon."

Nag-usap sina Dapok at Daguub sa di-kalayuan habang naghihintay ang dalawa sa kahihinatnan ng pag-uusap.

" Anong dragon ang naghihintay sa'yo?" pabirong tanong ni Joshua. " Huwag kang masyadong magbiro. Baka mahalata na tayo."

" Hindi tayo mahahalata ng mga 'yan." sagot ni Angelo. " Puro serious ang mga nakatira dito. Lahat ng sinasabi nila totoo kaya hindi nila iisipin na nagbibiro lang ako. "

" Sabagay, tama ka. " sagot ni Joshua. " Wala pa akong narinig na engkantadong nagbibiro."

" Kung hindi lang kita kilala mula ng high school pa tayo, iisipin ko tagarito ka," sabi ni Angelo. " Parang ikaw ang mga tagarito. Masyadong seryoso sa buhay. Kung ako lang ang may kapangyarihan na kagaya nila at dito ako nakatira, baka masaya silang lahat dito."

Si Joshua Lagalag at ang  Maranhig                  (Book III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon