Chapter 21. Ang Bagong Maranhig

8.1K 297 22
                                    

                         

                                                        Habang papauwi ay pinag-uusapan ng magkakaibigan ang mga kaganapan ng araw na iyon.

" Siyanga pala, nakita ba ninyo ang bangkay ng matatanda?" tanong ni Angelo sa dalawang engkantada.

" Hindi ko nakita pero alam ko kung saan sila nakalibing," sagot ni Queenie. " Itinuro sa akin ng unggoy na Isugan. Katunayan, papunta ako sa lugar na pinaglibingan ng maramdaman ko ang paglalaban ninyo ng mga Tagabuhi."

" Bakit inilibing na? " nagtatakang tanong ni Joshua. " Hindi pa dapat galawin ang mga bangkay hanggat hindi pa naiimbestigahan ng mga pulis."

" Baka naman nakaalis na ang mga pulis kaya inilibing na." sagot ni Angelo.

" Sa tingin ko ay hindi pa nakakarating ang mga pulis." sagot ni Diana. " Mas mabilis ang aming pamamaraan sa pagpunta sa gubat kumpara sa kanilang mga sasakyan. Sa tingin ko ay papunta pa lang sila ngayon sa gubat."

" Ano aabutan nila doon kung nailibing na ang mga bangkay?" tanong ni Angelo. " At sino ang mga naglibing sa kanila? Akala ko ba maranhig ang pumatay sa mga matatanda? Di ba wakwak daw ang tiyan at walang laman-loob? Alangan namang kinuha lang ang laman-loob para gawing dinuguan pagkatapos inilibing na yung mga katawan. Sayang naman. Masarap gawing barbecue yun kahit makunat na. Chewy! "

" Kung talagang inilibing ang mga matatanda, marahil ay sinadyang gawin ang pagwakwak sa kanilang tiyan at pagkuha ng mga laman-loob para magmukhang ginawa ito ng maranhig. " sagot ni Joshua. " Nais ng gumawa na isipin ng mga nakakita sa bangkay na maranhig ang pumatay sa mga matatanda."

" Pero makikita din yun kapag inimbestigahan na ng mga pulis ang bangkay." sagot ni Angelo. " Malalaman nila yun kung nginatngat ba ng maranhig yun o nilaslas ng kutsilyo."

" Kung may darating na mga pulis, paano kung wala? " sagot ni Queenie. " Sa tingin ko ay ibang kaso ang pagpatay sa mga matatanda at ang iniimbestigahan nating paglabas ng mga maranhig. May mga nakisabay sa paglabas ng maranhig upang maitago ang krimen na kanilang ginawa."

" Ibig sabihin, mali ang theory natin na posibleng si Doktora sexy ang pumatay sa dalawang matanda." sabi naman ni Angelo.

" Oo, tingin ko mali tayo dun." sagot ni Joshua. " Sa mga nangyayari ngayon, parang gusto ko na ngang isipin na pati si Dra. Rowena ay isa ring biktima."

" Kung biktima si sexy, sino ang kasabwat ng Tagabuhi? " tanong uli ni Angelo. " Sabi nitong si Queenie, sabi daw ng unggoy, babae ang kasabwat . Sigurado tayo, isa  sa mga duktor sa bahay ni Dr. Robert ang tumutulong sa paggawa ng maranhig. Kung hindi yun si sexy, sino yun? Si Dra. Rowena lang ang babae sa mga doctors. Alangan namang si Dr. Robert, macho yun kahit may edad na, pogi, at lalaking-lalaki ang dating. Mas lalong masagwa kapag si Dr. Carlos. Sa kapal ng bigote nun, kamukha na si Super Mario. Kahit saang anggulo mo tingnan, barakong-barako ang dating. Si Dr. Jaime ,puwede pang maging babae. Masungit e, parang matandang dalaga. Kaya lang, ang pangit na babae nun, mukhang lalaki. Sa lahat ng mga doctors dun sa bahay, wala kang itulak-sipain para maging isang babae."

" itulak-kabigin," pagtatama ni Diana. " Wala kang itulak-kabigin.."

" Kakabigin ko ang mga yun e puro lalaki nga." sagot ni Angelo. " okey na 'yun. Wala akong itulak-sipain. Pero may isa pa akong theory na posibleng makabawas sa iniisip natin."

" Ano yun?" halos magkakasabay na tanong ng tatlo.

" Nagsisinungaling ang tsismosong unggoy." sagot ni Angelo. " Lalaki talaga ang kasabwat ng maranhig."

Si Joshua Lagalag at ang  Maranhig                  (Book III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon