Nagkakagulo na sa bahay ni Dr. Robert. Nagkanya-kanya ng uwian ang mga trabahador at mga katulong para makapiling ang kani-kanilang pamilya. Hindi man sila sigurado kung totoo ang kumalat na balita tungkol sa pagsalakay ng maranhig, minabuti na nilang umuwi para makasama ang mga mahal sa buhay sa ganoong pagkakataon.
Dahil sa wala si Dr. Robert, hindi malaman ng pamilya ni Mang Abeng kung ano ang gagawin. Wala silang mapupuntahan at kung meron man, ayaw din ni Mang Abeng na iwanan ang bahay ni Dr. Rbert lalo na sa ganitong pagkakataon kung saan nasa panganib din ito.
Dahil sa kaguluhan ay hindi nila namalayan na pumuslit ang magkakaibigan at nagtungo sa garden upang pag-usapan ang nangyayari.
" Ano gagawin natin?" tanong ni Angelo sa mga kaibigan. " Hihintayin ba natin silang sumugod dito o tayo ang susugod sa kanila?"
" Kailangang mapuntahan ko si Dr. Robert," sabi ni Diana. " Kung hindi dahil sa mali kong sinabi sa kanya ay hindi siya mapapahamak. Tungkulin ko ang iligtas siya."
" Kung nasa bukana ng gubat siya dinala ay mauuna silang sasalakayin ng mga maranhig." sabi naman ni Queenie. " Kailangang iligtas siya agad."
" Ano pang hinihintay natin?" sagot naman ni Angelo. " Tara na. Let's go!"
" hindi tayo puwedeng magsabay-sabay sa iisang lugar lang." sagot naman ni Joshua. " Marami ang nangangailangan ng tulong. Kung mapipigilan natin ang mga maranhig bago pa makarami ng biktima ay mas mabuti."
" Tama si Joshua," sagot ni Queenie. " Danara, puntahan ninyo ni Angelo si Dr. Robert. Kami naman ni Joshua ang sasalubong sa mga maranhig."
" Ano'ng nangyayari? Bakit nagkakagulo?"
Napalingon ang apat sa pinagmulan ng boses.
Si Dr. Carlos ang nagsalita. Kagagaling lang nito sa kanyang kuwarto at tila wala itong alam sa nangyayari.
" Sumalakay po ang mga maranhig mula sa gubat," sagot ni Angelo. " Pababa na daw po at papunta na sa Puerto Vicente."
" Totoo ba ang sinasabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ni Dr. Carlos. " May mga maranhig sa gubat at sumasalakay sila ngayon?"
" Opo. May mga nakakita daw na mga tao. Nagpunta po ang ilan dito para sunduin ang kanilang ga kaanak kaya po nagkakagulo."
" Kailangang umalis ako," sabi ni Dr. Carlos." Kailangang mapuntahan ko sila. Mapapahamak sila!"
" Sino po?" halos magkakasabay na sabi ng apat.
" May pasyente ako sa bukana ng gubat . Dalawang matanda at ang kanilang apo na tatlong taong gulang pa lang. Lumpo na ang babae at hindi na rin kalakasan ang lalaki. Ayokong mabiktima sila. Susunduinko sila ngayon din."
" Wala ho ba ang mga magulang ng bata?" tanong ni Angelo.
" Parehong nagtatrabaho sa Maynila ang mga magulang ng bata." sagot ni Dr. Carlos. " Hindi ko mapapayagan na kainin lang ng mga maranhig ang batang iyon."
Dali-daling tumakbo papasok sa loob ng bahay si Dr. Carlos. Ilang saglit lang ay mabilis din itong lumabas at agad dumiretso sa isa sa mga sasakyan at pinaandar ito.
" Kailangan natin siyang tulungan," sabi ni Joshua. " Kung sa gubat siya pupunta ay tiyak na makakasalubong niya ang mga maranhig. Ako na ang sasama sa kanya."
Hinarang ng magkakaibigan ang sasakyan na noon ay palabas na ng gate.
" sasama po ako," sabi ni Joshua.
" Huwag na. Dumito na lang kayo. Baka mapahamak kayo. Kaya ko na 'to." tanggi ni Dr. Carlos.
" Sigurado ho kayo?" tanong naman ni Angelo. " Kung lumpo po ang isa sa mga matatanda ay baka mahirapan kayo isakay sa sasakyan."
BINABASA MO ANG
Si Joshua Lagalag at ang Maranhig (Book III)
DobrodružnéPaano mo papatayin ang isang patay na? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Joshua at Angelo sa lugar kung saan ang kanilang makakalaban ay mga buhay na patay! Pinaghalong, adventure, fantasy and suspense kaya siguradong magugustuhan ninyo...