Chapter 17. Ano ang Lasa, Angelo?

6.4K 277 12
                                    

                                                 Hindi makapaniwala sina Joshua at Angelo sa narinig na pinatay ng mga maranhig ang dalawang matandang katiwala ni doktora.

" Pinatay ng mga maranhig ang dalawang matanda?" tanong uli ni Angelo." Ano nangyari kay doktora?"

" Hindi siya kasama sa mga bangkay." sagot ni Adrian. " pero nakita nila Tatay 'yung mga gamit niya sa kubo."

" Teka, saan ba nakita 'yung mga bangkay ng dalawang matanda?" tanong ni Agelo." Hindi ba sa kubo?"

" Hindi daw." sagot ni Adrian. " Sa gubat nakita ang mga bangkay ng matandang mag-asawa."

Nagkatinginan sina Joshua at Angelo. Parang may hindi tama sa mga nangyari.

Paanong napunta sa gubat ang dalawang matanda?

Kung si Dra. Rowena ang may likha sa mga maranhig, bakit ipinapatay niya ang kanyang sariling mga katiwala?

Kung hindi si doktora ang pumatay sa dalawa, sino ang gumawa nito?

Nasaan si Dra. Rowena?

" Josh, sa palagay mo, may kinalaman si sexy sa pagkamatay ng dalawang matanda?" bulong ni Angelo kay Joshua habang paalis sila sa mga nag-uumpukang mga tao.

" Parang mahirap paniwalaan," sagot ni Joshua. " Sa nakita natin, parang malapit ang loob ni doktora sa dalawang matanda."

" Yun nga din ang ipinagtataka ko," sagot ni Angelo. " pero hindi natin masasabi. Baka nagtalo sila o kaya ay ayaw pumayag ng dalawa sa gusto ni doktora, ipinakain sila sa maranhig."

" Malalaman natin kapag nakita natin ang mga bangkay," sagot ni Joshua. Agad siyang bumalik sa umpukan at hinanap si Adrian.

" Adrian, nasaan na yung mga bangkay ng dalawang matanda?"

" Nandoon pa rin sa gubat. Ayaw ipagalaw ni Dr. Robert hanggat walang mga pulis. Sumundo na ng pulis sa bayan si Mang Lito. " sagot ni Adrian. " Bakit mo naitanong?"

" Gusto ko lang makakita ng taong kinain ng maranhig," pagdadahilan ni Joshua. " Puwede ba kaming sumama kay Mang Lito mamaya pabalik sa gubat?"

" Hindi na puwede. Diretso na siya mamaya pabalik sa gubat. Hindi na dadaan dito yun kasi may mga kasama na siyang pulis." sagot naman ni Adrian. " Grabe kayo, nakakadiri na, gusto pa ninyong makita. Wala daw mga laman-loob e."

" Nakita mo ba si Dr. Robert?" tanong uli ni Joshua.

" Kasabay ni Mang Lito nagpunta sa bayan pero magkahiwalay sila ng sasakyan. May aasikasuhin yatang iba." sagot ni Adrian. " Kasama ni Dr. Robert si Dr. Carlos. Si Dr. James naman ang kasama ni Mang Lito. "

" Josh, naalala ko pala, di ba sabi ni Queenie babae ang kasabwat ng engkantado sa gubat , ibig sabihin, walang duda na si sexy nga 'yun." sabi ni Angelo. " Baka naman hindi si sexy ang pumatay sa mga matatanda, baka yung engkantado. Baka binihag na rin siya kasi ayaw niyang pumayag o kaya doon na siya titira sa gubat kaya hindi na siya babalik."

" Posible," sagot ni Joshua," kaya lang parang may nararamdaman akong hindi tama sa mga nangyari. Mabuti pa siguro kausapin natin sina Queenie kung ano ang masasabi nila."

Binalikan ng dalawa sina Queenie na noon ay kausap si Diana sa isang sulok ng garden.

" Queenie, ano ang masasabi mo sa nangyari?" tanong ni Angelo. " Parang may mali daw sabi ni Joshua."

" Para malaman natin ang katotohanan ay kailangan nating pumunta sa gubat." sagot ni Queenie. " Kailangan nating makita ang mga bangkay."

" Hindi tayo aabot kapag kasama ninyo kami," sagot ni Joshua. " Bago tayo makarating doon ay naroon na ang mga pulis."

Si Joshua Lagalag at ang  Maranhig                  (Book III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon