Nang pinara ni Dr. Jaime ang sasakyan ay nagkatinginan sina Joshua at Queenie kung sino sa kanila ang sasama. Tila alam ni Dr. James ang kahulugan ng pagtinginan ng dalawa dahil bigla itong nagsalita.
" Gusto ko ay ikaw ang kasama ko , Queenie."
" Sige po, sasama po ako." sagot naman ni Queenie na agad ding bumaba ng sasakyan.
Dadamputin na sana ni Queenie ang ilan sa mga gamit ngunit maagap siyang pinigilan ni Dr. James.
" Ako na lang. Ayokong may humahawak na iba sa mga gamit ko."
" Sorry po." sagot ni Queenie. " Saan ho tayo pupunta?"
" May pasyente ako sa banda rito." sagot ni Dr. Jaime. " Medyo malapit na sa gubat ang bahay nila. Hindi ka ba natatakot na baka may makasalubong tayong maranhig?"
" Hindi po," sagot ni Queenie. " Alam ko pong may baril kayo."
" Hindi ko dala ang baril ko, Alam ko kasing sasama kayo sa amin ngayon. Alam kong kahit sino sa inyo ang makasama ko ay kaya akong ipagtanggol sa maranhig."
" Bakit po ninyo nasabing kaya namin kayong ipagtanggol?" tanong ni Queenie. " Kung hindi nga kayo dumating ay baka nalapa ako ng maranhig na iyon."
" Ang sabihin mo, kung hindi ako dumating, baka nakasabit na sa itaas ng puno ang maranhig. " sagot ni Dr. James. " Napakaliit ng baril ko para patalsikin ng ganun kalayo ang maranhig. Alam kong isa sa inyo ni Diana ang may kagagawan kung bakit tumilapon ito."
" Maaaring may iba pong dahilan kung bakit nangyari iyon pero hindi po namin kagagawan iyon." pagtanggi ni Queenie.
" Kahit isa akong alagad ng siyensiya,naniniwala ako sa mga kagaya ninyo." sabi ni Dr. James. " Alam kong 'yung batang kasama ng mga aso ay kagaya din ninyo at kayo ang dahilan kaya siya nagpunta sa bahay."
" Hindi po totoo 'yan." tanging naisagot ni Queenie. " Pagkatapos po dito , may iba pa ba kayong pasyente?"
Ayaw na niyang pahabain pa ang usapan. Nakikiramdam siya sa paligid kung meron pang ibang nilalang maliban sa kanila. Nag-aalala siya na baka marinig ng engkantado ang mga sinasabi ni Dr. James.
" Wala na." maikling sagot ng doktor.
Narating nila ang bahay na sinasabi ni Dr. Jaime. Isang matandang lalaki na may malalaking sugat sa paa at binti ang pasyenteng naghihintay sa kanila. Kasama ng matandang lalaki ang isa ding matandang babae na kanyang asawa at isang batang babae na apo ng dalawa.
" Ginalaw ba ninyo ang sugat?" tanong ni Dr. Jaime.
" Opo. Kumikirot po kasi kaya nilanggas ko ng dahon ng bayabas," sagot ng matandang babae.
" Sinabi ko ng huwag pakikialaman itong sugat kung ang gagawin ninyo lang naman ay ang walang kuwentang nakaugalian ninyo. " pagalit na sabi ni Dr. James sa matandang babae. " Tingnan mo kung ano ang nangyari. Sa halip na gumaling ay lalong lumala.May ibinigay ako sa iyong mga gamot na gagamitin, iyon lang dapat ang gagamitin mo. Wala ng iba!"
"Pasensiya na po, hindi na namin uulitin." mangiyak-ngiyak na sagot ng matandang babae.
" Dapat lang!" pasinghal na sabi ni Dr. Jaime. ' Kapag na-infect itong sugat ng asawa mo dahil sa ginawa mo, hahayaan ko ng mabulok 'to at hindi ko na gagamutin."
" Tulungan mo siyang palitan ng bagong benda ang sugat ng asawa niya." utos nito kay Queenie at padabog na lumabas ng bahay.
Tinulungan ni Queenie ang matandang babae sa pagtanggal ng lumang gasa na nakabalot sa binti ng matandang lalaki. Napansin niya na umiiyak ang matandang babae kaya inalo niya ito.
BINABASA MO ANG
Si Joshua Lagalag at ang Maranhig (Book III)
AventurePaano mo papatayin ang isang patay na? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran nina Joshua at Angelo sa lugar kung saan ang kanilang makakalaban ay mga buhay na patay! Pinaghalong, adventure, fantasy and suspense kaya siguradong magugustuhan ninyo...