Chapter 26. Ang Unang Pag-atake

7.7K 320 15
                                    

                       Pagkatapos ng hapunan ay tumulong ang magkakaibigan sa pagligpit ng mga pinagkainan. Nang matapos na ang mga gawain ay nagpasiya silang tumungo sa garden upang pag-usapan ang mga naganap noong araw na iyon. 

Hindi pa sila nagsisimulang mag-usap ng dumating si Adrian.

" 'Yan na nga ba abg sinasabi ko," sabi nito kina Angelo at Joshua," puro kayo tulog maghapon. Ayan hindi kayo makatulog ano? Dinamay ninyo pa itong si Diana at Queenie."

" Wala ka bang gagawin sa loob?" tanong ni Angelo. " Parang hinahanap ka ni Tita Rose kanina."

" Grabe ka naman Angelo, kararating ko lang parang gusto mo na akong palayasin." sagot ni Adrian. " Wala na aking gagawin. Gabi na, bukas naman yung iba."

" Angelo, di ba may hihiramin ka kay Adrian," paalala ni Joshua sa kaibigan.

" Oo nga pala Adrian, may tirador ka ba? " tanong ni Angelo. " Pahiram mo muna sa akin."

" Tanda tanda mo na maninirador ka pa?" natatawang sagot ni Adrian. " Wala namang mga ibon dito. Doon sa gubat puwede ka manirador kaya lang may maranhig doon. Saka ano naman ang gagawin mo sa mga ibon eh dami naman ulam diyan. Sayang lang, papatayin mo lang na walang katuturan."

" Ang dami mo namang sinabi," sabi ni Angelo," Meron at wala lang ang sagot sa tanong ko. Meron ba o wala kang tirador?"

" Meron, kaya lang ay.."

" Ooops! Tama na yan. Yun lang ang kailangan kong malaman." sagot ni Angelo. " Pahiram mo muna sa akin."

" Matagal na 'yun. Tirador ko pa yun nung bata pa ko. Hindi ko alam kung nandiyan pa pero kung nandiyan man, malamang marupok na ang goma nun."sagot ni Adrian.

" Tara hanapin natin," yaya ni Angelo. " May gagawin lang ako. Kailangan ko ng tirador."

Magrereklamo pa  sana si Adrian ngunit hinatak na siya ni Angelo palayo. 

" Tara na. Balik na lang tayo dito mamaya."

Walang nagawa si Adrian kundi ang sumunod kay Angelo.

Nagkaroon ng pagkakataon sina Joshua na pag-usapan ang mga kaganapan ng araw na iyon.

" Sasabihin ba natin kay Dr. Robert ang tungkol sa natuklasan ko?" tanong ni Diana.

" Sa tingin ko ay dapat nating sabihin," sagot ni Joshua." Tauhan niya si Mang Lito at lagi niya itong kasama. Parang hindi naman maganda siguro na alam na natin kung ano talaga si Mang Lito ay hindi pa rin natin sinasabi kay Dr. Robert."

" Sang-ayon ako," sagot naman ni Queenie. " Kailangang sabihin natin kay Dr. Robert ang tungkol dito. Niloloko siya ng harap-harapan ng sarili niyang tauhan."

" Ang isa ko pang inaalala ay ang sinabi niyang alam na nila kung nasaan ang isa pang mapa. Sigurado akong papatayin din nila ang taong may hawak ng mapang iyon." sabi ni Diana.

" At si Dr. Robert ang tinutukoy nila." sagot naman ni Joshua. " Ayon kay Mang Abeng, si Dr. Robert ay anak ng isa sa mga tunay na may-ari ng lupain dito sa Puerto Vicente."

" Sa tingin mo ay alam na ni Mang Lito ang bagay na iyon?" tanong ni Queenie kay Joshua.

" Hindi pa siguro sa ngayon," sagot ni Joshua. " Kung alam na nila ang bagay na iyon ay tiyak na papatayin din nila si Dr. Robert. Naghihinala na sila ngunit hindi pa sila sigurado."

" Kung si Dr. Robert ay anak ng isa sa mga may-ari ng lupa, hindi kaya siya ang kasabwat ng Tagabuhi sa paggawa ng mga mababangis na maranhig?" tanong ni Diana.

Si Joshua Lagalag at ang  Maranhig                  (Book III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon