Chapter 15. Ang mga Katiwala

7.4K 306 8
                                    

                                       Napalingon si Angelo ng marinig ang yabag ng kabayong paparating. Naisip niyang puwede nilang pakinabangan ito kung makukuha niya sakaling hindi sila makasakay sa dadaang trak ng tubo. Lalabas na sana siya sa daanan ng biglang makarinig siya ng sigaw sa di-kalayuan.

" Doktora! doktora! Huwag na kayong tumuloy!"

Mula sa kabilang panig ng kakahuyan ay biglang sumulpot ang matandang lalaki. Sakay na ito sa kabayong tumakbo pabalik kanina.

" Bakit ho? Parang may nakita akong lalaki na tumatakbo papunta sa direksiyon na ito" sabi ni Dra. Rowena.

" Hindi lang iisang tao ang hinahabol natin. Marami po sila at armado. Pinaulanan ho ako nila ng pana kanina. Mabuti na lang at hindi ako tinamaan."

Nagtaka si Angelo sa narinig na sinabi ng matanda. Paanong pauulanan ni Joshua ng pana ang matanda samantalang nakita niyang tatatlo lang ang palaso sa lalagyan nito.

" Hindi ho maaaring makatakas sila. Hindi puwedeng mabunyag ang lihim ko." nagmamatigas na sabi ng doktora. " kung kailangang makipagbarilan ako sa kanila ay gagawin ko."

" Pero baka mapatay nila kayo," sabi ng matanda. " Sino pa ang magtutuloy sa gagawin ninyo kapag napatay kayo?"

Hindi nakasagot si Dra. Rowena sa tanong ng matanda. Alam niyang may katotohanan sa sinabi nito. Siya lang sa kanilang angkan ang may gusto na makuha muli ang kanilang lupain dito sa Puerto Vicente. Kapag napatay siya ay tuluyan ng mawawalan ng saysay ang kanyang mga pinaghirapan para mabawi ang kanilang mga lupain na kinakamkam ng mga tagarito.

" Paano ho kung nakilala nila ako?" tanong ng doktora sa matanda. " Natitiyak kong gagawa sila ng paraan para mapigil ang aking mga binabalak."

" Sa tingin ko ay hindi sila mga tagarito. Maaaring mga dayo sila na nangangaso sa gubat." sagot ng matanda.

" Paano kayo nakasisiguro na hindi sila tagarito?"

" Wala ng gumagamit ng pana dito sa atin. Ang isa pa, ang mga palaso na ginamit ay parang mamahalin at hindi ginawa lang dito. Ngayon lang ako nakakita ng mga palaso na ganun kaganda ang disenyo."

" Paanong hindi gaganda ang mga palaso e pana kaya ng mga engkantado yung gamit ni Joshua" sabi ni Angelo sa sarili ng marinig ang sinabi ng matanda.

Nakita niyang ibinalik ng doktora nag baril na hawak nito sa holster na nakasukbit sa tagiliran nito. Ipinihit nito ang kabayo papunta sa kabilang direksiyon.Tila nakumbinsi na ng matanda ang doktora na huwag ng tumuloy. Sandaling nilingon nito ang daan patungo sa bangin at panandaliang nag-isip. Makaraan ang ilang saglit ay pinatakbo na nito ang kabayo pabalik na sinundan naman ng matandang lalaki.

Lumabas si Angelo sa pinagtataguan ng maktang wala na ang dalawa. Lumabas din si Joshua na noon ay naroon na rin at natmamatyag lang sa dalawa.

" Ang galing mo Josh! " bati ni Angelo sa kaibigan. " Nasaan na yung pana mo?"

" nakatago na." sagot ni Joshua." Kusang lumalabas lang 'yun kapag kailangan."

" Sabi ng matanda, pinaulanan mo daw siya ng palaso. Paano nangyari iyon e nakita kong tatatlo lang ang palaso mo?"

" Hindi nababawasan yung tatlo kahit ilan pa ang gamitin mo." sagot ni Joshua.

" Ang galing talaga. Instant na, unlimited pa! Wala bang expiration 'yan?"

" Hindi ko alam. Siguro kapag binawi na sa akin ng mga engkantado, kusa na lang mawawala." sagot ni Joshua.

" Hindi na armalite ang hihingin ko kay Queenie. Smart phone na lang. 'Yung hindi nauubusan ng load tapos instant din. Hindi mo na kailangan ibulsa. Kusang lalabas na lang sa kamay mo kapag kailangan mo, tapos hindi nawawalan ng signal kahit saan ka magpunta. Instant din yung internet, yung walang buffering kapag nanonod ka ng video saka isang segundo lang ang pag-download ng HD movie. Meron kayang ganun?"

Si Joshua Lagalag at ang  Maranhig                  (Book III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon