Chapter 18. Ang Nakalimutan

7.5K 294 13
                                    

                                Pagkatapos kumain ng almusal ay tumulong ang magkakaibigan sa pagliligpit ng pinagkainan. Nagkaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap tungkol sa mga nangyari.

" Ano'ng sabi mo Diana, walang bangkay sa gubat?" tanong ni Angelo.

" Wala kaming nakitang bangkay. Tanging bakas lamang ng dugo ang inabutan namin doon." sagot ni Diana.

" Baka kinuha na ng mga pulis." sagot ni Joshua. " nauna sigiro silang nakarating doon."

" Sigurado akong nauna kami sa kanila. " sabi ni Queenie. " Ilang minuto pa lang nakakaalis si Mang Lito at Dr. Jaime papunta sa bayan para sunduin ang mga pulis ng umalis kami. Halos magkasabay lang silang umalis nina Dr. Robert at Dr. Carlos. Dumaan muna sila dito sa bahay pagkagaling nila sa gubat para pag-usapan ang gagawin kaya nakita ko ang pag-alis nila. "

" Una, nawawala, si doktora. Ngayon naman, yung dalawang matanda, bangkay na, nawala pa." sabat ni Angelo.  " Baka naman kinain na ng mga maranhig 'yung mga bangkay."

" Sa klase ng maranhig na gaya ng umatake sa amin, maaaring kainin niya ang katawan ngunit may matitira pa rin gaya ng mga buto at buhok ng kanilang biktima." sagot ni Queenie.

" Baka naman pati si doktora pinatay na rin ng maranhig tapos dinala yung katawan," sabi ni Angelo. 

" Hindi katangian ng  maranhig ang dalhin pa sa ibang lugar ang kanilang biktima." sagot ni Diana. " Kakainin nila ito doon mismo sa lugar kung saan nila napatay at iiwanan din doon kapag nabusog na sila."

" Malay mo inuwi para ilagar sa ref. " biro ni Angelo. " Pang meryenda kapag nagutom."

" Mukhang habang tumatagal, lalong sumasalimuot ang pangyayari dito." sabi ni Joshua. " Kung kailan akala natin natukoy na natin ang pinanggagalingan ng maranhig, saka naman ito nawala. "

" Hindi ka ba puwede maglagay uli ng spy sa gubat Queenie?" tanong ni Angelo. " Kagaya nung ginawa ni Diana para malaman natin ano talaga ang nangyayari."

" Ayoko ng ipain uli ang buhay ng walang malay na mga hayop." sagot ni Queenie. " Sapat na ang mga buhay ng mga Talawit na namatay . Kung kailangan bumalik kami sa gubat para malaman ang katotohanan sa mga pangyayari, babalik kami."

" Kung iimbestigahan ng mga pulis ang pagkamatay ng dalawang matanda, sigurado akong maraming  mga tao ang pupunta sa gubat." sabi ni Joshua. " Hindi ba sila sasaktan ng engkantadong nakatira doon  o kaya ay sugurin ng mga maranhig?"

" Wala ang tagabuhi sa parteng iyon ng gubat kanina ng magpunta kami " sagot ni Queenie. " Tama ang sinabi mi Josh, may posibilidad ngang umatake ang mga maranhig .Kailangang nandoon kami sa gubat para maiwasan ang ganoong pangyayari."

" Maglalaban kayo na naroon ang mga tao?" tanong ni Angelo. "  Paano ninyo pipigilang sa pagsalakay ang mga maranhig na hindi gumagamit ng kapangyarihan?"

" Malalaman namin kapag gumamit siya ng kapangyarihan para pakilusin ang mga maranhig." sabi ni Queenie. " Puwede kaming gumawa ng paraan para umalis ang mga tao o para mapigilan ang mga maranhig."

" Sama kami diyan." sagot ni Angelo. " Alangan namang kayo lang ang lumaban. Siyempre kami din."

" Tama si Angelo. " sagot ni Joshua. " Puwedeng kami ang gumawa ng paraan para mapaalis ang mga tao doon habang lumalaban kayo sa mga maranhig para wala silang makita.  Baka kung ano ang isipin ng mga tao kapag nakitang gumagamit kayo ng kapangyarihan."

" Oo nga." sabat ni Angelo. "Okey lang kung isipin nila engkantada kayo. Paano kung isipin nilang mga bruha kayo na nagpapanggap lang na engkantada? Susugurin nila tayo dito sa bahay , huhulihin kayo tapos susunugin kayo sa  plaza."

Si Joshua Lagalag at ang  Maranhig                  (Book III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon