Chapter 8. Ang Pagsugod ni Aldora

7.9K 309 10
                                    

 Hindi siya mapakali habang pabalik-balik na naglalakad sa loob ng kanyang kuwarto. Hindi niya lubos maisip kung paano naganap ang pangyayari kanina sa gubat.

Paano humiwalay sa karamihan ang isang maranhig na umatake sa mga bisitang kabataan?

Ang sabi ni Aldora ay kaya niyang kontrolin ang mga maranhig ngunit kung ganitong may nakakaalpas ay baka mabigo siya sa kanyang mga binabalak.

Kahit isang maranhig lang ang makawala at bumaba sa Puerto Vicente, maaaring magdulot ito ng panic sa mga tao at humingi ng tulong sa mga militar. Papasukin ng mga militar ang gubat at kapag nangyari iyon, kasisimula pa lang niya ay matatapos na agad ang lahat ng kaniyang pinaghirapan.

Hindi pa ngayon ang tamang oras para makita ng taga Puerto Vicente ang mga maranhig. Pabababain niya ang mga iyon sa tamang oras. Hindi pa sapat ang dami ng mga ito para sa binabalak niyang paghihiganti.

Kailangan niyang makausap si Aldora tungkol dito. Wala na dapat makalabas na maranhig sa gubat habang hinihintay pa nila ang tamang pagkakataon.

Sa ngayon ay wala siyang magagawa kundi ang sumali sa gagawin ng kanyang mga kasama na pag-aaral sa mga maranhig. Kailangan niyang matiyak kung malalaman ng mga ito ang kanyang ginawa para makalikha ng isang maranhig. Dinampot niya ang kanyang bag at tiningnan ang mga gamit kung kumpleto. Lumabas siya ng kuwarto upang sumama sa mga kasamahan sa pag-aaral sa maranhig.


Mahinang nag-uusap ang apat na magkakaibigan sa garden set sa harap ng bahay. Nalaman na nina Joshua at Angelo ang nangyari kina Queenie at Diana .

" Totoo bang sinalakay kayo ng maranhig? " tanong ni Angelo sa dalawa. " Ano itsura nun, parang zombie ba yun sa movie?"

" Oo, isa ngang maranhig yun," sagot ni Queenie. " ngunit kaiba ito sa maranhig na aming inaasahang makikita.

" Ang ibig mong sabihin ay inaasahan na ninyo na may makikita kayong maranhig dito sa Puerto Vicente ?" tanong ni Joshua.

" Oo,kaya kami pumunta dito dahil mismo sa maranhig. Nakatanggap ng ulat ang aking ama tungkol sa isang engkantado na naninirahan dito at sinasabing isa itong Tagabuhi. May kapangyarihan itong bumuhay ng mga namatay na. Sinasabing may mga binubuhay ito na mga patay at tiyak na gagamitin ang mga ito upang maghasik ng lagim. Nagpunta kami dito para malaman kung totoo nga ang ulat."

" Tama nga ang sinabi mo, Josh," sabat naman ni Angelo. " Hindi nga bakasyon ang punta ng mga ito dito."

" Iba ang nakatakda naming puntahan at iba ang dapat pupunta dito." sagot ni Diana," ngunit ng malaman namin na dito sa Puerto Vicente ang punta ninyo ay nakiusap kami kay Pinunong Falcon na kami na lang ang papuntahin dito.

" Paano mo nasabing iba ang inaasahan mong maranhig?' tanong ni Joshua kay Queenie. " Iba-ibang klase ba ang mga maranhig?"

" Karaniwan kasi sa mga maranhig ay mga matagal ng patay at muli lang binubuhay sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Tagabuhi. Karaniwang ginagamit ito sa pananakot o pantaboy lamang. Hindi ito kumakain ng tao dahil nga sa dahilang matagal na silang patay, karaniwang naagnas na ang mga ito at halos mga buto na lang ang natitirang buo sa kanilang katawan."

" Ano ang kaibahan ng nakita ninyo kanina?" tanong ni Angelo.

" 'Yung nakita namin kanina ay tila isang taong hindi pa namamatay. Bagamat puro sugat na at halos wala ng dugo sa katawan, hindi ko nararamdaman ang kapangyarihang nagpapagalaw dito. Sa tingin ko ay walang kumokontrol sa kanya at gumagalaw siya base sa kanyang sariling pag-iisip."

Si Joshua Lagalag at ang  Maranhig                  (Book III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon