Chapter 11. "Bad Doctor"

6.2K 296 11
                                    

Ilang saglit lang makaraang makababa sina Angelo at Dra. Rowena ay bumaba na rin si Dr. Carlos. Nagulat pa ito ng makitang bumaba din si Diana sa sasakyan.

" Bakit ka bumaba, sasama ka sa akin? " tanong nito sa dalaga.

" Opo, tutulungan ko po kayo." sagot ni Diana.

" Huwag na, kaya ko na 'to." tanggi ni Dr. Carlos. " Sa kanila ka na lang sumama." Ang tinutukoy nito ay sina Dr. Jaime at Dr. Robert.

" Nandiyan na po sina Joshua at Queenie." sagot ni Diana. " Sa inyo na lang po ako sasama."

" Isama mo na, Caloy," sabi ni Dr. Jaime. " Tutal, sandali lang naman tayo."

" Medyo sa maselang bahagi kasi ang sugat ng pasyente ko kaya ayaw niya na may ibang tao lalo na babae." sabi ni Dr. Carlos. " Kaya nga ayaw nun magpagamot dito sa labas at gusto ay sa loob ng kanyang bahay."

" Kung gusto ninyo po ay hindi na ko papasok sa loob," sabi naman ni Diana. " Hihintayin ko na lang kayo sa labas. Maghahanap din po kasi ako ng mga halamang-gubat na kailangan namin sa school sa pasukan."

" Sige, kung iyan ang gusto mo ay sumama ka." sagot ni Dr. Carlos.

Pagkababa ng dalawa ay agad umalis ang sasakyan.

" Malayo pa po ba ang pupuntahan natin? " tanong ni Diana.

" Hindi naman kalayuan. Medyo masukal lang ang dadaanan." sagot ni Dr. Carlos. " Matagal na ba kayong magkakakilala ng mga kaibigan mo?"

" Si Queenie po ay kababata ko. Si Angelo at Joshua ay schoolmates po namin. Ganun din po si Adrian."

" Taga Maynila ba kayong lahat?"

" Hindi po. Kami po ni Queenie ay parehong taga-Talisay. Si Angelo po ay taga probinsiya din.San Gabriel po yata ang pangalan ng lugar nila. Si Joshua lang po ang taga-Maynila."

" Palagi ba kayong nagbabakasyonsa iba't ibang lugar na magkakasama?"

" Hindi po. Ngayon lang po kasi niyaya kami ni Adrian dito."

Makaraaan ang ilang sandaling paglalakad ay narating nina Diana at Dr. Carlos ang isang kubo malapit sa gubat na napapaligiran ng bakod na kawayan. Isang matandang babae ang sumalubong sa kanila sa tarangkahan.

" Sino siya?" tanong ng matanda kay Dr. Carlos habang tinitingnan ng masama si Diana. " Ang usapan natin ay ikaw lang ang gagamot sa aking asawa."

" Siya si Diana," sagot ni Dr. Carlos. " Isa siya sa mga bisita ni Robert. Huwag kang mag-alala. Hindi siya sasama sa loob."

Tumingin ang matandang babae kay Diana na tila naghahanap ng pagsang-ayon nito.

" Opo, hindi po ako papasok sa loob." sabi nito sa matandang babae. " Dito ko na lang po hihintayin si Dr. Carlos. "

Pagkasabi ni Diana ay agad siyang humakbang paatras. Agad din naman isinara ng matandang babae ang tarangkahan at hinawakan ang kamay ni Dr. Carlos at hinila ito papasok sa loob ng bahay. Pagkapasok ay agad isinara nito ang pintuan ng kubo.

Nagpasiyang maglakad -lakad si Diana ng makitang isinara na ang pintuan. Naisip niya, totoo siguro ang sinabi ni Dr. Carlos na maselang bahagi ang ginagamot niya sa matanda kaya ganun na lang kung protektahan ito ng kanyang asawa.

Kung totoong may pasyente nga si Dr. Carlos, ang ibig sabihin ay hindi ito ang doktor na hinahanap nilang may kaugnayan sa engkantadong tagabuhi.

Biglang napahinto sa paglalakad si Diana ng may pumasok sa kanyang isipan.

Hindi niya nakita ang pasyente ni Dr. Carlos. Tanging ang matandang babae lamang na sumalubong sa kanila ang nakita niya.

Paano kung ito na pala ang engkantado at nagpalit lamang ng anyo?

Si Joshua Lagalag at ang  Maranhig                  (Book III)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon