CHAPTER 8

759 23 8
                                    

Sa tuluyang pag-alis ng maliit na hukbong dala ni Aeros ay tuluyan na nga ako naiwan kasama ni Gregory. Kung saan man niya ako balak tangayin ay palaisipan pa rin sa akin.

"Where do you plan to take me now?" Muli ko tanong sa kanya. Dahil na rin sa bilis ng kanyang patakbo ng kabayo ay hindi ko na nga magawa pa ang magpumiglas para lang makatakas.

Gregory didn't bother answering my question once more. He was focused on the road and always preferred to provide me the cold treatment. Samantalang kanina, bigla naman niya ako ginulat ng siya pa ang unang nagreact kaysa sa akin nung subukan ako insultuhin ni Aeros.

Sa patuloy na paglayo namin mula kung saan naiwan sila Agnes, ay matindi rin ang kapit ko sa kanya at hindi ko na nga rin magawang humarap pa at tignan ang patutunguhan namin baka mahulog pa ako.

Matapos nga ang mahaba-habang byahe ay napansin ko na bigla na lamang hininto ni Gregory ang kabayo sa may tapat ng isang bahay-aliwan. Mabilis naman ako na nanlumo sa nakita ko.

Hindi pa ako napapadpad sa ganitong lugar mula ng mapasok ako sa kwentong ito, subalit di rin lingid sa kaalaman ko kung ano ang mga nagaganap sa loob. Kung kaya naman pagkababa ko ay sinubukan ko na kumaripas ng takbo.

Ngunit bago pa man din ako makatakas ay napansin kaagad ako ni Gregory. Hindi pa man din ako nakakalayo ay mabilis na niya ako nahila pabalik.

"Not a chance. You are coming with me, little mouse." He whispered in a low growl beside my ear. Para akong nanlambot nang gawin niya iyon. Bakit kasi kailangan ganyan kaseductive kung bumulong ang lalaking 'to.

Mabilis lang din ako nabalik sa realidad nang muli niya ako hilain sa loob.

"I told you that I want to have some fun with you, didn't I? Well, you're about to see what kind of fun was I even talking about."

I immediately pulled my hand from him, "No, I am not coming with you. I don't want to go inside." but having to do that was a sure struggle from Gregroy. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

"Stop struggling or i'll seriously cut your legs so that you won't be able to escape." Panakot pa niya sa akin.

Gawa ng pangamba na baka totohanin talaga niya na putulin ang mga binti ko'y wala na akong nagawa pa kung hindi sumunod na lamang sa kanya. Tuluyan ako hinila papunta sa loob ni Gregory at wala na nga talaga akong nagawa para makatakas.

Pagkapasok namin sa loob ay agad na umalingasaw ang naghalong amoy ng tabako at mga mapaklang amoy ng alak na nagkalat sa dami na rin ng asa loob.

"Would you like a room, my lord?" isang matandang lalaki, na tila asa mid-fifties na niya, ang lumapit sa amin pagbungad sa loob. Nakangiti ito habang pinagkikiskisan ang magkabila niyang palad sa isa't-isa na animo'y parang sinuwerte sa pagaalok sa amin.

"Yes," tugon naman ni Gregory na nagbigay sa akin ng nakakakilabot na pakiramdam. Alam ko na ang patutunguhan ng pagkuha niya ng kwarto at hindi ito nakakaaya. "Bring in some grape wine and meat as well." dagdag pa nito bago niya ako hilain sa ikalawang palapag.

"As you wish, my lord." ang huling narinig kong tugon ng matanda kay Gregory. May kung anong nakakakilabot na ngiti ito sa mukha na talaga naman na nagpakilabot sa akin.

Dahil sa sobrang hirap makipagbirahan kay Gregory ay napilitan ako sumama sa kanya sa ikalawang palapag ng bahay-aliwan. Nakakakilabot dahil rinig na rinig ko mula sa bawat kahoy na silid ang mga nagaganap na kaingayan bawat kwarto.

Ayaw ko na lamang isipin kung ano pa eksaktong ginagawa nila pero kinikilabutan talaga ako. Hindi pa natapos doon dahil bago pa man din kami makarating ni Gregory sa kinuha niyang kwarto ay may isang babae ang lumabas na tanging kumot lamang ang nakatapis sa kanya sa katabing kwarto namin.

FIRST LOVE COMPLEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon