CHAPTER 14

656 21 3
                                    


"I'm not totally close with him but I've known him as a famous royal healer."

Alam ko na 'yan ang safest na sagot kong maibibigay kay Mattheo sa ngayon. Sa itsura kasi ni Mattheo, nakakatakot na basta na lamang ako makapagbitaw ng impormasyon na hindi niya pwede malaman.

Katulad na lamang ng misyon ko sa mundong ito at lalo na sakanilang pitong second lead characters.

Gaya nila Gregory at Mattheo, si Razle ay isa din sa mga secretong may pagtingin para kay Princess Beatrice. If I remember it clearly, Razle was the one who successfully poisoned King Richard dahil siya ang royal healer.

Wala nag-akala na siya ang gagawa nito, for some reason, bigla na lamang siya umamin isang araw sa publiko na siya ang sar maski si princess beatrice ay nagkasakit dulot ng pag-aalala niya kay Richard.

Unti-unti kasi na pinapahina ng lason na nilikha ni Razle ang katawan ng hari. Naging matunog nga ang pangalan ni Razle at nabansagan pa nga siyang, 'silent snake.' isang palayaw na ibinigay sa kanya dahil sa kanyang makamandag na lasong muntikang pumatay kay Richard.

Marahil ay hindi rin naatim ni Razle na makitang nalulungkot si Princess beatrice kung kaya mas pinili na lamang niya na tigilan na ang pagpapahirap kay king Richard. Hindi agad pinarusahan si Razle noon upang mabigyan pa niya nang lunas ang paglalason niya kay Richard.

Subalit makalipas ang ilang buwan at naging malakas muli ang haring si Richard, agad naman na ipinatupad ang pagbitay kay Razle sa plaza ng kapitolyo ng Asnador. He died out of his desire for Beatrice and it was not fair that his character only ended in such a tragic end.

Razle, just like the other second lead characters, has so much potential far more than becoming the bad person at the end. And they deserve to have a different ending without having to die.

Kaya siguro nagkaroon ako ng lakas ng loob na bumalik muli sa kwento at ibihan ang tadhana para sa kanila.

I have to set up this very well, I know my role here was just a minor character that doesn't have much of a bearing. However, tingin ko naman may magagawa pa rin ako to help these characters somehow.

"I see. Yeah, Razle is indeed a royal healer. That made sense. Perhaps he's just thrilled to know that I was finally able to take the only daughter of the Sainan duke. I couldn't believe it myself either." tugon naman ni Mattheo sa sakin at mabuti na lamang ay di na niya ako kinuwestyon pa tungkol rito.

Napatag din ang loob ko kahit papaano. Matapos namin magpahinto-hinto sa byahe ay narating namin ang bahay ni Mattheo na di kalayuan mula sa ciudad ng Kahoma. Tahimik ang manor house na pagmamay-ari ni Mattheo.

Kung ako ang tatanungin gugustuhin ko rin na tumira dito dahil mukhang malayo ito sa kaguluhan. Pero dahil sa may misyon pa ako sa mundong ito, ay hindi maari ang nais ko.

Kagaya ng sabi ni Mattheo, si Razle nga ang sumalubong sa aming dalawa pagdating namin sa loob. Mabuti na lamang at hindi pa naman ako gan'on karumi pagdating namin, pero dahil halos walang maayos na tulog at pagod ako sa byahe, pakiramdam ko talaga ay hindi kaaya-aya ang itsura ko habang nakaharap ngayon kay Razle.

Napaka-gwapo rin ng second lead character na ito. Siya pa nga ang isa sa mga character na di ko talaga akalaing mag-tratraydor sa kay Richard for the sake of love.

However, it is undeniable that Love can also be a perilous force. It has the power to consume you entirely and manipulate your thoughts, compelling you to engage in unconventional actions.

"Welcome back, Mattheo and—" ang bati ni Razle kay Mattheo sabay baling ng tingin sa akin upang kunin ang palad ko't halikan ito, "It's my pleasure to welcome you here, lady Geizelle."

Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa braso ko nang halikan ito ni Razle. Pinilit ko na lamang isantabi ito at baka mapansin pa ni Mattheo, ayaw ko naman na pag-isipan pa niya ng ibang kahulugan iyon.

"Thank you," Ang tanging nasagot ko lang dahil hindi ko rin sigurado papano ko nga ba haharapin si Razle.

Ang hirap na asa sitwasyon ako na napagitnaan ng dalawang nagwagwapuhang lalaki. Para akong nauupos na kandila sa kaba.

"Your journey here must have been too troublesome," Biglang saad ni Razle nang mapansin niya na parang hapong-hapo kami pareho ni Mattheo.

Agad naman na sumagot sa kanya si Mattheo, "Yeah, we really needed some rest."

"No worries, I had everything under control. I've already ask your mades to prepare your respected rooms. Also, since I know you won't be able to come join me for dinner. I had it also arranged to be delivered into your rooms just in case you suddenly feel hungry." Mabilis naman na sagot sa kanya ni Razle.

Parang proud pa nga siya na sinabi ito dahil sa tono ng kanyang pananalita.

"Wow, you had it all prepared." Muli nanaman kusang bumuka ang bibig ko at naikomento ang dapat ay laman lang sana ng utak ko. It was already too late, narinig na nga nila akong dalawa.

Sa pagbaling ng tingin nila sa akin ay napangiti lamang si Razle sa akin. "Well, that's all I could do to return the favor to my friend here for letting me stay for free." sagot naman ni Razle matapos ipatong ang kanang kamay niya sa balikat ni Mattheo.

"Nah, you're always welcome here, lad. It's I enjoying the privilege of your stay. I get to have free medicines—" subalit di pa man din natatapos ni Mattheo ang sasabihin niya ay bigla na lang siya naubo ng walang tigil.

Agad naman ako nabigla subalit kalmado lang si Razle na animo'y alam na niya ang nangyayari. Bigla akong kinabahan nang matumba si Mattheo sa sahig matapos maubo, ngunit mas nanlaki ang mata ko nang makita ko na may dugo na lumabas mula sa bibig ni Mattheo.

"Razle, what's happening! Please do something!" ang buong pagsigaw ko matapos ko makita ang nangyari kay Mattheo.

FIRST LOVE COMPLEXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon