Isang malakas na sampal ang nakuha ko kay Richard the moment he saw me.
"How dare you run away from the crown?" bulalas niya sa akin. Hindi ko alam papano ako sasagot sa ginawa niya sa akin ngayon. Hindi lamang kasi niya ako pinahiya sa harap ng pamilya ko matapos niya akong sampalin, nagawa din akong pahiyain ni Richard sa harap ng ibang tao sa loob ng bulwagan ng palasyo.
"Forgive me, your majesty." ang nanginginig ko pang sagot sa kanya. Hindi ko magawang tumingin sa mga nanlilisik niyang titig sa akin. Takot at kaba ang matinding nararamdaman ko ngayon.
Takot na baka kung hindi ako, ay buong pamilya ko ang saktan din niya. Kaba na baka hindi lang kaming magkakamag-anak ang mapahamak kundi ang mga naging kapanalig ng aking ama sa kanyang hakbangin na mag-aklas laban kay Richard.
"Forgive you? You made me look funny in front of my own council after leaving me behind and getting betrothed to the duke of Kahoma." Sa muling tugon ni Richard sa sinabi ko ay isang sampal muli ang natanggap ko sa kanya.
Dala ng lakas nito ay natumba pa nga ako sa sahig. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko nagawa ko nang sumagot ng pabalang sa kanya. Subalit akmang magsasalita pa lamang ako ay bigla nalang nagpumila ang aking ama na kanina pa pinipigilan ng mga sundalo ng hari.
"Your majesty, please spare my daughter. If there's anyone who's to be blamed here, it's me. I'm the one who forced my daughter to marry Duke Lorkan Sallamanca." Pakiusap ng aking ama na umiiyak habang nakikita ako.
Hindi ko rin mapigilan ang di umiyak kahit napakahapdi ng mukha ko ngayon. Mula sa kalayuan ay kita ko ang bugbog at pagod na itsura ng aking ama at mga kuya. Mukhang naging matinfi ang pagpapahirap sa kanila ni Richard.
"Stay the hell out of this you traitor, once I am through with your daughter, I'll sure punish you and all your sons for the treason your family has committed against the crown." Ang galit na galit na sagot sa amin ni Richard.
Hindi pa nga siya nakuntento at nagpatuloy pa siya na ipakita ang matinding galit niya sa aming lahat. "The house of Gemsworth should have been grateful to the crown because it chose to have your only daughter to be wed to be, a king of this nation. And yet what did you do, Duke Reagorn? You betrayed me by betrothing your daughter in secret to the duke of Kahoman. Not only that, you dare proclaim that in front of my face at the feast following your daughter's successful escape, further humiliating me to your people and my council present that day."
"Your majesty, I accept my sin but my daughter is completely innocent of this." patuloy din ang pagluhod ng aking ama, humahagolgol ito para sa aking kaligtasan. Masakit para sa akin masaksihan ito lalo na at batid kong dahil sa pagtakas ko at kagustuhan niyang maligtas ako kay Richard kaya sila ang naparusahan ng husto.
"You are a fool, Reagor, for believing that your union with Kahoma would successfully usurp my reign. Are you afraid that you wouldn't be able to control your daughter once she became my queen, that's why you decide to use force and have the throne for yourself?"
"That was never my will," Sagot naman ng aking ama. "So please, your majesty, spare my daughter, take my life instead."
Gusto ko sabihan ang aking ama ngayon na wag na sumagot pa upang hindi na niya mas lalo mapainit ang ulo ni Richard. Natatakot ako na baka mas lalo itong maging dahilan para mas mapadali ang paghatol ni Richard ng parusa sa aking ama at mga kapatid.
"Well, are you really that willing to die for your daughter?" Tanong sa kanya ni Richard.
Nanlaki naman ang mata ko nang sumagot ang aking ama ng oo, ngunit mas lalo pa na kumaba ang dibdib ko nang bigla na lamang kinuha ni Richard ang espada ni Ser Aeros, na kanina pa nakatayo sa tabi ng hari, upang gamitin ito sa aking ama.
Napasigaw ako sa sobrang takot na kitilin niya ang buhay ng aking ama, ngunit, Hindi pa man nakakalapit si Richard ay bigla nalang tumunog ang mga trumpeta mula sa bulwagan.
Mabilis na inanunsyo ng ang pagdating ng isang lalaking parte ng mga second lead male characters na kailangan ko isalba.
"Make way for Prince Froy Archmodeus Zelwick of house Zelwick." malakas na bulalas ng isang sa mga sampung sundalong nakasunod sa prinsipe.
Nakagayap pandigma ang prinsipe at laking pagtataka ko para saan, may digmaan bang nagaganap. Mabilis na napanakaw ang prinsipe ng tingin sa akin at pakiramdam ko'y tanging kaba sa pagdating ni Froy.
Si Froy ang bukod tangi sa mga pitong second lead role ang wala talaga akong encounter from my past two previous lives. Sa nagdaang dalawang buhay ko sa kwentong ito, wala akong masyadong memories kay Froy maliban lamang ang matunong na kontrobersiya patungkol sa pamilya niya.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Prinsipe Froy ay ang supposed crown prince kung di namatay ang kanyang amang hari. Dahil sa makalumang batas ng kaharian, ang ama ni Richard ang pumalit sa ama ni Froy. kyung kaya si Richard ang naging tagapagmana at nanatiling prinsipe si Froy.
Nasangkot naman ang ina ni Froy sa isang eskandalo patungkol sa muling pag-aasawa nito isang taon makalipas yumao ng ama ni Froy kung kaya itinakwil sila ng dating hari na kanya ring tiyuhin.
Namuhay si Froy kasama ang ina at kanyang step father na isa ring aristrokato. Di kinalaunan ay inadopt ni Froy ang Zelwick na apelido at namuhay siya ng mapayapa sa independenteng kaharian ng Houndshire.
Doon siya lumaki kaya hindi nakakapagtaka na naging kababata niya si Princess Beatrice.
Ngunit ang malaking palaisipan sa akin ngayon ay kung bakit bigla nakagayak pandigma si Prinsipe Froy na para bang kapanalig siya ni Richard kung mayroon silang hidwaan noon. Higit sa lahat, bakit kaya bigla na lamang andito si prinsipe Froy sa loob ng bulwagan?
Lahat ng mga katanungan na bumabagabag sa akin ay mabilis na nasagot nang sa wakas ay nagsalita si Froy sa harap ni Richard.
"My apologies for disturbing, your majesty. But I have to report an urgent matter regarding the uprising." Saad niya.
Uprising? Sino naman ang maglalakas loob na mag aklas laban sa hari kung nadakip na ang aking ama at kanyang mga kapanalig?
Richard retired to his throne and pointed the sword towards Prince Froy, "Report, cousin, Make sure it's worth my time."
Napayuko si prince Froy habang nakalapat sa kanyang breastplate ang kanang kamay. "Your Majesty, all the forces have fallen. Only the soldiers guarding the capital was left."
"That's son of hell! The Duke of Kahoma is really testing my patience! This is all your fault!" Galit na galit na tugon ni Richard sabay duro naman sa akin.
Sa halip na matakot ako sa pagturong muli sa akin ni Richard ay para bang di ko ito ininda, sa halip ay para bang nabuhayan ako ng dugo nang malaman ko na si Duke Lorkan ang nangunguna sa pag-aaklas laban kay Richard.
It made me suddenly wonder if Duke Lorkan was doing this to save me and my family. Ayaw ko umasa pero may kakaibang kabog sa dibdib ko ang nagbibigay sa akin ng sign na manilawa at magtiwala sa Duke ng Kahoma.
BINABASA MO ANG
FIRST LOVE COMPLEX
Romance"Be careful what you wish for because you might just fall hard on them..." Stuck in a cursed reverse harem novel, I find myself tasked with helping the second lead male characters let go of their first love and find them new ones in order for me to...