"I don't want to jump!" Yan ang malakas na sinigaw ko habang pabagsak kami ni Gregory mula sa ikalawang palapag.
Pakiramdam ko ay lalabas na ata kaluluwa ko sa pagbagsak namin. Buhat-buhat man ako ni Gregory sa kanyang dalawang kamay ay dama ko pa rin ang makapigil hiningang pagtalon namin.
"That was swift." ang mabilis na sambit ni Gregory matapos niya makababa. Rinig ko ang malakas na pagkakalagapak niya at bahagyang pagyanig na rin ng lupa. Mistulang napatulala pa ako at napaisip pa nga ako papano niya nagawa iyon.
"Are you out of your mind? We could have died falling from up there!" Halos mabaliw ako nang sambitin sa kanya matapos niya akong ibaba.
Kung pwede lang ay gusto ko sana sampalin itong si Gregory pero sa lagay ko ngayon ay hindi pa rin ako makagalaw ng maayos dala ng punit kong damit. Tanging kumot lamang na nakapalipot sa akin ang suot ko upang di tuluyan na maexpose katawan ko.
Pakiramdam ko naman ay napansin ata 'yon ni Gregory, kung kaya mabilis naman niya hinubad ang suot niyang damit pantaas upang ibigay sa akin. Hindi ko akalain na sa sobrang laki ng pang-itaas niyang damit ay magmumukha itong parang bistida pa ra sakin.
"You wear this for now. I promise, I'll get you a real dress once we arrive on the next town."
Napakunot ang noo ko, hindi dahil sa ibinigay niyang damit niya, kung hindi dahil sa balak niyang isama pa rin talaga ako kaysa dalhin na lamang ako sa pinsan niyang si Lorkan.
"You really aren't going to bring me to the duke of Kahoma? Even after all what I told you? You will still insist about bring me to whatever you want?" ang mabilis ko naman naging tugon gawa ng pagkadismaya.
Na agaran din na sinagot ni Gregory, "Yes, my lady. It's what I've been trying to tell you from the very beginning, right?"
"Gregory, you know this is wrong!"
Muli naman akong sinagot ni Gregory, ngunit natapaas nanaman bahagya ang tono niya, "The only way for me to understand this as wrong is when you tell me that you don't want me over my cousin, Giezelle. I told you, I want you and not even my cousin could even stop me."
Pano ko nga ba sasabihin sa kanya na hindi niya pwede ipagpilitan na dahil gusto niya ako kaya niya kailangan ako ilayo ng tuluyan mula sa duke ng Kahoma. My betrothal with the Duke of Kahoma may had been born from the political movement between Sainan and Kahoma against the monarch, pero hindi ibig sabihin ay kailangan ko talaga makatuluyan si Gregory.
Before the wedding happens, I have to ensure that nobody among the seven second lead characters die. Malakas ang pakiramdam ko na dahil wala pa rin si Beatrice hanggang ngayon sa nobela ay dahil pumasok ako sa eksena ng mga lalaking tauhan sa kwentong ito.
Para bang I temporarily replaced some of the important that should've involved Beatrice. And if tama ang hinala ko, most of the tragic events for these men's lives would transpire bago mangyari ang isang engrandeng kasal sa kwentong ito.
"Look, Gregory, I don't know if you find all this as some kind of joke. But it's no longer funny and I really need you to bring me to Duke Lorkan."
Hindi ko alam kung saan ba kumukuha ng tapang ng loob itong si Gregory at nagawa pa nga niyang tumawa sa kabila ng pagtangay niya sa akin. Animo'y para siyang batang nakawala sa hawla na dala ang kanyang laruan.
At ako ang laruan.
Pangit man pakinggan ngunit pakiramdam ko kahit ano pa man ang nararamdaman ni Gregory para sa akin ay hindi ko dapat ito bigyan ng meaning. At the end of all these, hindi ako kung hindi ang mga ibang babaeng karakter sa nobelang ito ang dapat na ibigin ng mga second lead.
I am a total alien in this world, I don't belong here. Isa pa, hindi pa rin lumalabas si Beatrice sa kwento kahit andami ng naganap, dalawa sa pitong mga second lead characters at si King Richard ay nakaharap ko na. Kung ikokonsidera ko ang betrothal namin ni Duke Lorkan, ikatlo na siya kahit di pa talaga kami nagkikita.
Ngunit palaisipan pa rin kung asa na nga ba si Beatrice sa mga panahon na ito. Bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumalabas sa kwento?
"You talk too much." Sambit ni Gregory nang parang naririndi na ata siya sa katatalak sa kanya. Laking gulat ko nanaman nang bigla na lamang ako hilain ni Gregory sa baiwang at buhatin na parang isang sako ng bigas sa kanyang balikat. "You are coming with me, my lady. Don't worry, you'll still live a lavish life with me at the vale."
"No!" protesta ko sa kanya. Pero hindi pa man din kami nakakaalis ay andyan na ang mga bandido na sumalakay kanina.
"They're quite too fast!" hindi ko maiwasan na masabi.
Maya-maya pa ay napalibutan na kami ng mga bandido. Halos lahat sila ay may saklop ang parte ng mukha nila na tanging mata na lamang ang nakikita. Para bang ninja pero mas malalaki ang katawan, halatadong parang malalakas unimon ng alak dahil sa amoy nito na nakadikit na sa kanila.
"Stay beside me." Ani ni Gregory.
Subalit pagkasabi na pagkasabi niya nito ay mabilis ako na natangay ng isa sa mga bandido. "Gregory!" Sinubukan ko pumiglas at humingi ng tulong kay Gregory, ngunit dahil mas malakas ang bandidong kumuha sa akin ay wala ako magawa.
Maski si Gregory ay dagli din napigilan ng ibang mga bandido upang makalapit sa akin. Kahit pa inilabas na niya ang espada niya ay hindi pa rin siya makalampas mula sa mga ibang bandido na humarang at kalabanin siya.
"Lady Giezelle! I swear I'll come and find you!" Ang rinig ko na lang na sigaw ni Gregory habang papalayo na kami ng papalayo sa kanya.
Kinikilabutan ako habang tangay ako nitong bandido, sinusubukan ko pa ring makawala ngunit natakot na lang ako nang takutin ako ng bandido, "Stop struggling, woman. I'll kill you if you keep trying to escape."
Para bang nasemento ang buong katawan ko sa sobrang takot. Hindi ako gumalaw sa mga sumunod na minute habang patuloy akong inilalayo ng hindi ko kilalang nilalang.
Hindi nagtagal ay may isang karwahe sa di kalaunan ang napansin kong nilalapitan namin nitong bandidong tumangay sa akin. My stiff body eventually moved and my muscles adjusted as I felt a new shocked sensation coursed down my body.
Naging malaking surpresa sa akin nang isinikay ako ng bandido sa loob ng karwahe at iniwan sa loob, ngunit mas ikinagulat ko nang makita ko sa loob ang isang pamilyar na lalaki mula sa past two lives ko sa kwentong ito.
Gawa ng pagkabigla kung ano ang ginagawa niya rito'y hindi ko napigilan ang sarili ko na masambit ang, "Mattheo Jeuwelheir?"
BINABASA MO ANG
FIRST LOVE COMPLEX
Romance"Be careful what you wish for because you might just fall hard on them..." Stuck in a cursed reverse harem novel, I find myself tasked with helping the second lead male characters let go of their first love and find them new ones in order for me to...