It took me a good while to absorb everything that he said.
Napaka-impossible na gusto din sa akin si Mattheo and he speaks of it as if matagal na niya ako nagugustuhan in this lifetime?
"Impossible." hindi ko pa napigilang sambitin dala ng pagkabigla.
Agad na napatingin sa akin si Mattheo na may pagtataka sa kanyang mukha. Animo'y hindi niya ata lubos akalaing iyon ang magiging reaksyon ko.
Ngunit agad din naman nag-iba ang pagtataka sa mukha ni Mattheo nang bigla na lamang niya sabihin, "Of course, I couldn't blame you for saying that because I only get to look at you from afar." Mattheo bent over and then took my hand. "But now that you're here, my lady. Allow me to lavish you up close."
What the heck?
Ngayon ko napagtanto ko na talaga may malaking pagbabago sa mga ganap dito sa loob ng kwento. Ayaw ko man isipin pero para bang unti-unti napupunta sa akin ang dapat na papel ni Beatrice.
Kung pagtatagpiin ko ang mga naganap, halos lahat kasi ay supposedly na para kay Beatrice. Ang pagpili sa akin ni Richard, ang engagement namin ni Duke Lorkan, si Gregory at ngayon si Mattheo.
Ang mga kalalakihang ito ay dapat kay Beatrice na-iinlove at hindi sa isang katulad ko na side character lamang sa kwentong ito. Hindi nga dapat ako nakikisama sa mga takbo ng buhay nila ngunit marahil siguro sa misyon na mayroon ako, ito na siguro ang paraan para matulungan ko sila na mailigtas mula sa kanilang nakatakdang kamatayan.
Hindi lang basta coincidence ang lahat ng nagaganap. Lahat ay parang nakatakdang mangyari. What just keep on worrying me was that the longer Beatrice was not appearing anytime soon, ay mas lalo pang dumadami ang eksena na napupunta sa akin kaysa kay Beatrice.
Kinakabahan ako na baka sa pagpunan ko ng papel sa mga pagkakataon na dapat ay para sa kanya, baka siya naman ang tuluyan na mawalan ng kaganapan sa kwentong ito.
Kung iisipin, pabor pa sa akin ang pagkakataon dahil sa wala pa si Beatrice sa eksena ay mas mapapadali sa akin na ayusin ang mga nakatakdang mangyari. Subalit, naging pagsubok naman sa akin ngayon na halos lahat ng nangyayari ay taliwas sa orihinal na naganap sa kwento.
Although there were still some that was still from the original plot, halos lahat ay nabago dahil sa lahat ng papel na dapat ginagampanan ni Beatrice ay napunta na sa akin. Sa puntong ito, kung hindi pa rin papasok sa kwento ang karakter ni Beatrice ay unti-unti na sa akin mapupunta talaga ang atensyon ng mga second lead characters na lalaki sa kwentong ito.
'Vultrus, if this is your will, I hope you give me a sign so that I may proceed to help your subjects from their fated deaths.' Mabilis akong pumikit upang taimtim na kausapin ang guardian deIty ng mundong ito.
And since wala naman ako for sure makukuhang sagot sa binulong ko sa guardian deity, muli ko na lamang ibinaling ang atensyon ko kay Mattheo.
"Will you men, those bandits, kill Gregory?" Ang di ko na napigilan tanungin.
Kahit pa hindi naging maganda ang unang encounter namin ni Gregory ay hindi ko pwede pabayaan na may mangyaring masama sa kanya.
Napabitaw si Mattheo sa kamay ko. "That cocky-looking man you're with? I don't know, perhaps?"
"Order your men not to kill him!" sa sobrang alala ko kay na mapahamak si Gregory sa mga bandido ay napatayo ako habang kitang-kita sa mukha ko ang pagiging seryoso sa sinabi ko kay Mattheo.
My sudden decision to rise affected the carriage's balance, dahilan para panandaliang matigil ang karwahe na sinasakyan naming dalawa. Agad naman na binuksan ni Mattheo ang maliit na bintana upang silipin ang nagmamaneho ng karwahe sa harap.
BINABASA MO ANG
FIRST LOVE COMPLEX
Romance"Be careful what you wish for because you might just fall hard on them..." Stuck in a cursed reverse harem novel, I find myself tasked with helping the second lead male characters let go of their first love and find them new ones in order for me to...