Makalipas ang dalawang araw ay dumating na rin sa wakas ang hinihintay naming bisita sa Kahoma—si Princess Beatrice.
Halos hindi kami magkahumayaw lahat sa paghahanda, dagli nga rin ako nagpagka-abala sa pagpapasaayos ng Jade Castle kung saan mananalagi si Princess Beatrice. Sinunod ko lamang ang payo sa akin ni Gregory na isang buong palasyo ang ialok ko sa prinsesa.
Kung iisipin, hindi nga naman pala isang ordinaryong bisita si princess Beatrice. I've stayed in this novel for about three lifetime already and yet, may mga simple courtesy pa rin ako na talagang nakakaligtaan ko.
"Pull up the gate!" ang sigaw ni Gregory sa mga nagbabantay ng tarangkahan na sinabayan naman ng sabay-sabay na ingay ng mga trumpeta.
Lahat kami at napatingin sa bungad ng tarangkahan upang salubungin ang magarbong prosesyon ni princess Beatrice.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin inaasahan na pupunta siya dito. Sa katunayan nga, hindi pa naman kami gano'n masyadong matalik na magkaiban para biglaan niya akong bisitahin dito. Isa pa, bakit hindi ako ang nakatukoy sa liham na pinadala niya.
Medyo may halong pagtataka talaga sa akin ang pagbisitang ito ni Princess Beatrice. Pero dahil nandito na siya ay kailangan namin siyang salubungin at i-accomodate ng maayos. Hanggat maaari hindi ko pwedeng ipahiya si Duke Lorkan at buong kahoma.
Habang asa kalagitnaan ng aking pagmumuni-muni'y bigla na lamang akong nabalik sa realidad nang pumalibot sa baiwang ko ang malapad na braso ni Duke Lorkan. Hindi pa man din ako nakakapagsalita ay mabilis pa sa segundo niya ako hinila sa tabi niya.
"You're spacing out again, my lady. Is there anything that's bothering you?" Marahan naman niyang tanong sa akin habang nakatitig pa rin sa prosesion na isa-isa na ngayong nakakapasok sa tarangkahan ng palasyo.
"I'm sorry, your grace. I guess I was just a little tired from all the work since the other day. But no worries, I'm all good." Rason ko na lamang kay Duke Lorkan.
I could sense the anxiety recurring on his face. It was not even doubtful that that only meant he was worried about me once more. I mean, he would often easily feel like one.
"Are you really sure that you're all right? You can just take your leave and I will be the one to tell princess Beatrice of your case. I'm sure she would understand." Duke Lorkan promptly said back as he intently look at me straight into my eyes, at mukhang ipipilit pa ata niya sa akin ang pagpapahinga.
Sa kabila nito, pinilit ko pa rin na ipakita kay Duke Lorkan na hindi ko na kinakailangan magpaghinga pa kagaya ng nais niya dahil ayos lamang naman talaga ako.
"Yes, I am." muli ko naman na tugon kay Duke Lorkan.
"Your grace!" mabilis na pagbati ng isang pamilyar na boses agad naman na naging dahilan para muli kami mapatingin ni Duke Lorkan sa direksyon ng mga taong papasok sa tarangkahan.
Bigla namang bahagya nanlaki ang mga mata ko dahil pagkakita ko sa kung sino ang tumawag kay Duke Lorkan ay talaga namang hindi ko ito inaasahan. "What is he doing here?" bulong ko sa sarili nang makahakbang papauna sa akin si Duke Lorkan.
Agad na bumaba sa kanyang kabayo ang matipunong heneral ng Asnador, Ser Aeros Quenery. Nang makababa naman siya ay agad ito lumuhod sa duke ng Kahoma. "Forgive my sudden appearing in your estate, your grace. I was assigned by the new king Froy to escort the princess in her visit to Kahoma." agad na pagbati ni Ser Aeros kay Duke Lorkan.
Pero kung tutuusin, parang insulto ang pagdating ng hukbo nila kasama prinsesa sa pagbisita niya sa Kahoma.
Mabilis naman itong sinagot ni Duke Lorkan. "Does the new king have no trust in the security that Kahoma has? We've obviously safeguarded the entrances to the capital for so long it must not be a question whether Princess Beatrice will be safe here or not."
BINABASA MO ANG
FIRST LOVE COMPLEX
Romance"Be careful what you wish for because you might just fall hard on them..." Stuck in a cursed reverse harem novel, I find myself tasked with helping the second lead male characters let go of their first love and find them new ones in order for me to...