Ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang tumawa ng malakas si Gregory matapos kong sagutin ang tanong niya.
Hindi ko lubos akalain na ganito ang magiging reaction sa akin ni Gregory.
May kaduda-duda ba sa sinabi ko kung kaya ganyan na lamang ang naging reaction niya?
"Is there any problem with my answer?" mabilis kong tanong sa kanya. Bigla ko nga rin siya napagtaasan ng kilay gawa ng pagkadismaya sa kanyang reaksyon.
I guess I simply couldn't just accept the fact that someone would laugh at me when I was being serious.
However, it would seem that Gregory was not yet done. Nagawa pa nga niyang muli akong pagtawanan. Hindi man lang siya natinag sa pagtingin ko ng masama sa kanya.
Para bang ginawa niyang akong katatawanan.
Until eventually, he stopped. For some reason I haven't figured out, he decided to stop laughing.
Laking gulat ko na lamang nang bigla na lamang siya naging seryoso muli. Sa halip na matakot at mangamba ay tila ba pakiramdam ko'y parang tanga itong si Gregory.
Bigla-bigla na lamang kasi nagbabago ang kinikilos niya na parang isang bipolar.
"You seriously think I would believe your claim? Had the dukedom of Sainan become so poor that they couldn't even dress a lady properly. And yet you claim yourself as the future wife of my cousin? How disrespectful your dukedom must have been for sending a woman looking like a rag like you." Masyadong idiniin ni Gregory ang pagkakasabi na basura akong tignan.
Aalma na sana ako subalit agad ko narealize na hindi nga naman siya mali sa pagkakaunawa niya. I am wearing peasant clothes until I could reach the outskirts of Sainan.
Ang plano namin ni Agnes ay magpapalit naman ako ng maayos na damit pagkarating namin sa unang bayan ng Kahoma. Subalit, bago pa man din kami makarating ay heto na nga at nasabit pa kami nang harangin kami ni Gregory.
"See? You can't even defend yourself anymore. Now I have all the more rights to cut your tongue for trying to deceive me." Akma na sanang gagamitin sa akin ni Gregory ang espada niya subalit mabilis naman siyang natigilan nang marinig niya ang malalakas na yapak ng mga kabayo.
"Shit!" rinig kong reaksyon ni Gregory matapos ay agad naman niya ibinalik ang kanyang espada sa kaluban nito.
Nang akala kong kakaripas na siya ng takbo upang takasan ang kung sino man ang paparating, ay laking gulat ko naman nang bigla na lamang niya ako hinatak sa may baiwaing ko upang itakas kasama niya.
"Hey! Where exactly are you planning to take me now?" ang gulat na may halong inis kong suway sa kanya.
Ngunit gaya ng nauna niyang trato sa akin kanina, parang wala lang sa kanya ang sinabi ko kung kaya patuloy pa rin niya akong tinangay.
Maski si Agnes na kita kong humahabol pa sa akin ay wala na nagawa pa dahil mabilis naman ako isinakay ni Gregory sa kabayo mula sa karwahe.
Pati ang kabayo ng karwahe hindi niya pinatawad at tinangay din niya upang sakyan namin.
Gusto ko man magpumiglas ay nanatili na lamang ako sa aking posisyon gawa na rin ng takot ko na mahulog sa kabayo.
Habang nakasakay naman ni Gregory mula sa likuran ay agad akong kinilabutan nang mabilis, lalo na ng bigla siyang bumulong sa kanang tenga ko, "I'm sure you wouldn't mind if I have some fun with you before you marry my cousin?" at nasundan to ng marahan ngunit nakakatakot niyang tawa.
I instantly felt shivers down my spine realizing what he exactly meant by saying those things. It surely was what I exactly envisioned and if I allowed him to take me away, it will be too late for me to escape.
BINABASA MO ANG
FIRST LOVE COMPLEX
Romance"Be careful what you wish for because you might just fall hard on them..." Stuck in a cursed reverse harem novel, I find myself tasked with helping the second lead male characters let go of their first love and find them new ones in order for me to...