CHAPTER 13: THE PROJECT

1.5K 34 10
                                    

JHOANNA's POV


Sir Gas: Now, go to your partners, Class, and pag-usapan ninyo ang inyong gagawing project.




Hindi ako umalis sa kinauupuan ko, maya-maya lang din ay umupo si Colet sa bakanteng upuan na nasa aking harapan. We stared at each other na naghihintayan kung sino ang unang magsasalita sa'ming dalawa.




Asa ka! Hmp!




"What's your idea?" Pagsisimula niya sabay patong sa kaniyang braso sa desk ng upuan. Hindi ako kumibo bagkus kumuha ako ng papel at ballpen at doon ko isinulat lahat ng ideya ko. "Okay, let me share my ideas first. So, ganito ang naisip ko..." Pagsasalita niya ulit at hinayaan ko lang siya habang nagsusulat pa rin ako.




She suddenly stopped kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Are you even listening, Jho?" Kunot-noo na siyang nakatitig sa akin kaya tinaasan ko siya ng isa kong kilay.




Marunong naman pala bigkasin ang pangalan ko! Kanina ka pa!




"Ampanget ng idea mo!" Diretso kong sabi na siyang ikinangiwi niya agad saka umiling-iling. "Hindi ka nga nakikinig, kung makapanget ka naman!" Colet's anger mode activated. "FYI, I am listening while writing, kaya eto ang idea ko..." I shared my ideas to her at tumango-tango naman siya.




"Gets mo?" I said in a mataray way. "May choice ba ako?" Aniya saka hinablot ang aking notebook at pinunit niya ang sinulatan ko. "What did you do!?" Bulalas ko dahil sa aking pagkagulat.




Tumayo siya at itinaas ang papel. "We'll buy the materials later na gagamitin natin sa sinulat mo rito, I'll keep this." Hindi na ako nakasagot pa dahil tinalikuran na niya agad ako.




AH? GANO'N? INIINIS MO AKO HA!




I threw the ballpen na hawak ko at tinamaan ulit siya sa kaniyang likuran. ANOTHER BULLSEYE!




"ARAY!!" Agad siyang lumingon sa akin na namumula na ang mukha, para bang konti na lang ay sasabog na ang kaniyang inis. But before she spoke, pilit siyang pumikit at huminga muna nang malalim, nagpapasensya. "KANINA KA PA, JHO, AH! HA---" She stopped and just glared at me.

I Hate You, I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now