CHAPTER 32: JUST FOR NOW

1.4K 43 17
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Grabe bai! Umabot na ng 11k+ readers ang story na 'to tapos may 25 followers na ako huhu thank you nang marami talaga! Nalulungkot ako kapag naiisip kong ilang chapters na lang ay matatapos na 'to, ma-mi-miss ko kayo ng sobraaa. Muchas Gracias, Adios! 💛






*********************************

COLET's POV


While we were eating ni Chie ay kung saan-saan lang napunta ang aming usapan, nagtatawanan, at may kaonting asaran.



"Chie, what do you like about me ba?" I asked her out of nowhere dahil tapos na kaming kumain.



She smiled sweetly at me first before she answered. "Everything about you, Baby. You being magalitin but sweet, the way you take care of us, of me. Your simple gestures and many more." Natawa ako sa huli niyang sinabi. "Kung maka-many more ka naman!"











Hinatid ko na rin siya sa kanila dahil 9:00 PM na. "I'll see you tomorrow sa school." Ani ko sa kaniya. "Ayaw mo bang pumasok muna? Wala pa naman sina Mommy and Daddy tsaka tulog na rin mga kapatid ko ngayon."





"But it's getting late, Chie." Patanggi ko. "Please, Baby, it's 9:00 PM pa naman." Sabay yugyug niya sa aking braso kaya I nodded na siyang ikinangiti niya agad.





Dumiretso kami sa kaniyang kwarto. "You want to drink something, Baby?"



"Just a coffee, Chie, and I'm all good." Bumaba siya ulit at umupo naman ako sa paanan ng kaniyang kama na kaharap ang bintana. Walang mga bituin sa langit ngayon. Dinadamayan n'yo ba ako?









Nang marinig kong pumasok ulit si Chie ay sinundan ko siya ng tingin saka naman niya inabot sa akin ang mabangong kape. "Hmm smells good ah, thank you." I sipped my coffee at kinuha niya 'yon saka itinabi sa side table.





She sat beside me at tinitigan ako kaya I gave her a confused look. "May dumi ba mukha ko?"

Bahagya siyang natawa sa aking tanong. "Baliw! Wala naman, I just missed seeing you." Seryoso niyang sabi kaya umayos ako nang upo para makaharap siya. "Chie, you deserve to know this." Sambit ko at tinitigan siya sa kaniyang mga mata.





"That you're inlove with Jhoanna Christine Robles?" She added na siyang nagpatigil sa akin. "W-what? H-how did you know?"



"Come on, Baby." She sarcastically smiled and still managed to looked at me but almost teary-eyed. "I can see it, the way you look at her. I am looking at you and you're looking at her." At tumulo na nga ang luha sa kaniyang pisngi matapos sabihin. Shit! Ayoko ng ganito! Ayokong makasakit! Ayokong masaktan si Chie!



"I'm sorry, Chie." Tanging nasambit ko na lang habang pinupunasan ang luha sa kaniyang pisngi. "I'm really sorry, you deserve everything kung alam mo lang pero hindi ako ang taong magbibigay no'n sa'yo." I added in a malumanay way. "I love you as my bestfriend."



"But I love you more than friends, Colet." She looked down at parang may bumara na sa aking lalamunan nang sabihin niya 'yon. What should I do then? She nodded as if she's saying na naiintindihan niya ako. "Don't worry, I understand naman." She wiped her tears and forced a smile, then she held my hands. "Colet, I'll wait for you, until you decide kung ano ba talaga ang gusto mo."



I Hate You, I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now