CHAPTER 16: THE NECKLACE

1.5K 40 8
                                    

COLET's POV


Lumabas si Jhoanna sa 7/11 na may bitbit ng tubig at agad siyang nilapitan ng kaniyang driver.


Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat ngunit tumango-tango lamang siya na para bang naiintindihan niya ito.



Nang magsimula siyang maglakad at iwan ang kaniyang driver ay pinaandar ko ang aking sasakyan para makalapit sa kung saan sila nakaparada.






"Kuya, onsay problema? (ano'ng problema?)" Tanong ko sa driver ni Jhoanna nang makalapit ako rito, nagbisaya ako kasi alam kong bisaya ang kaniyang driver at minsan ko rin siyang nakakausap noon kapag bumibisita kami sa kanilang bahay.



"Maayong hapon, Ma'am. (Magandang hapon, Ma'am.) Kayo po pala 'yan. Nabutas ang gulong ng sasakyan po kaya maglalakad na lang daw po si Ma'am Jhoanna." Pagliliwanag nito.



I gave him money para makasakay siya at makahanap ng malapit na vulcanizing shop, hindi niya sana tatanggapin 'yon pero pinilit ko siya. "Daghang salamat, Ma'am. Pasensya jud kaayo. (Maraming salamat, Ma'am. Pasensya po talaga.) "



"Walang problema, Kuya, ako na bahala kay Jhoanna." Bago ako umalis ay kinuha ko ang address na pupuntahan sana nila.












It's already 5:40 PM at ang bilis dumilin ng langit. Mukhang uulan ngayon, kailagan kong mahanap si Jhoanna.






Dumiretso ako sa isang subdivision at dahan-dahan akong nag-drive para mahanap ang address ng bahay ng aming kaklase.








Mga 30 minutes din akong nagpalibot-libot sa subdivision na 'yon nang biglang lumakas ang buhos ng ulan. SHIT! THIS IS BAD!







JHO, WHERE ARE YOU?


I Hate You, I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now