COLET's POV
"TANEO!" Tawag ni Jhoanna sa kaniya pagkalabas na pagkalabas sa bar. Agad na huminto ito at mukhang nagdadalawang-isip pang lumingon. Kasama niya ang kaniyang grupo na ALAMAT at halatang tinamaan na ng alak ang iba. Tama nga ako, siya nga. Unggoy talaga!
"B-Babe?" Sambit pa nito pagkaharap pero nagulat kami nang diretsong tinapunan ni Jhoanna ng isang basong tubig ang mukha ni Taneo na siyang ikinagulat din niya. Matapos mangyari 'yon ay naunang umalis ang kaniyang mga kaibigan kaya naiwan siyang nakatayo na kaharap si Jhoanna.
"BUSINESS MEETING HA? KAPAL NG MUKHA MO!"
Napukaw ako nang hilahin ako ni Maloi para tumabi sa daan at tumayo sa gilid kasama nila.
Akmang lalapit si Taneo kay Jhoanna. "HUWAG KANG LALAPIT SA AKIN!" Sabay turo niya pa sa kaniya. "Babe, I'm sorry. I lied." Mangiyak-ngiyak nitong pagkasambit.
"I gave you chance pero gagawin mo lang ulit pala! Sana nakinig na nga lang talaga ako sa parents ko at sa mga kaibigan ko!" Singhal ni Jhoanna kay Taneo na siyang ikinayuko niya. Hindi rin pala boto sina Tita at Tito sa kaniya?
"Let's end this!" Tatalikod na sana si Jhoanna pero agad din siyang hinawakan ni Taneo sa braso at lumuhod sa harap nito. "Babe, no please. Don't do this. I'm sorry please, hindi ko na uulitin 'to. One last chance, Babe, please please." Pagmamakaawa niyang sabi at mukhang nadadala na naman si Jhoanna. No way, Jho! Stop being stupid!
Umakma akong hahakbang but Gwen stopped me sa paghawak sa aking braso. She shaked her head. "Don't do that, Col, let's trust Jhoanna. Alam niya ang kaniyang ginagawa." I nodded after she said that pero napakunot-noo ako nang lumingon ulit ako sa kanilang kinatatayuan.
Hinawakan ni Jhoanna ang magkabilang-braso ni Taneo saka pinatayo ito. Sabi na eh!
Ayoko nang marinig at makita pa ang sunod na mangyayari kaya I've decided to walk away.
Narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi na ako lumingon pa at dumiretcho na sa aking sasakyan. Nagbyahe ako pabalik sa beach namin dahil maaga pa ako bukas to cater our investor.
Apatnapung minuto akong nagbyahe at sobrang inaantok na ako kaya pagkadating ko sa beach namin ay humiga agad ako. I turned off my phone muna bago ako natulog.
YOU ARE READING
I Hate You, I Love You (COMPLETED)
FanfictionA JHOLET lovestory: When Rex Orange County said 'Loving is Easy', but why does it seem like it will just complicate things and friendship? What should I choose? What should I do? 'Cause the more I see her and the more she's around, the more I HATE H...