CHAPTER 42: LOVE AND FRIENDSHIP

1.9K 65 8
                                    

JHOANNA's POV

8:00 AM kami nagising at sabay na rin kami nag-breakfast maliban kay Colet na mas maagang nagising sa amin dahil sinamahan pa ang kanilang investor na ihatid sa daungan pauwi.





Habang naglalakad siya patungo sa cottage namin, I've noticed her tired aura and eyes.



"Girls, ready na kayo? Let's go home na." Aniya nang makalapit sa amin. "What? Aren't you going to eat your breakfast muna, Col?" Pag-aalalang tanong ni Mikha sa kaniya. Buti na lang natanong ni Mikha.

She forced a smile. "Busog pa ako and isa pa, I need rest than food, kaya tara na." Saka siya lumapit kina Chie and Zeph na para bang may ibinulong siya sa kanila. "Ay naku, Colet! 'Pag ikaw nagkasakit, sasapakin talaga kita!" Banta ni Ate Maloi sa kaniya na siyang ikinangisi lang ni Colet saka naman kami kumilos.





"Robles." Napapitlag pa ako nang bigla siyang magsalita mula sa aking likuran kaya I faced her. Her weary and sleepy eyes, kawawa naman.

"Ano?" Ani ko sa kaniya habang nauna nang maglakad ang aming mga kasama at kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob ng cottage.

"'Wag ka sanang magtaka, gusto ko lang ipaalam sa'yo na ihahatid ko sina Chie and Zeph sa kanilang mga bahay." Bigla ay napaiwas ako ng tingin after she said that. Naalala ko na naman ang halikan nila ni Chie kagabi.





What if mangyari ulit 'yon? Magbabago kaya ang nararamdaman niya para sa akin?





What's the score between you two?





"Jho?" Pukaw niya ulit sa akin na siyang ikinatitig ko ulit sa kaniya. I nodded. "Yeah, sure, just take care." Tipid kong ngiti sa kaniya na siyang ikinatango niya rin.





Kinuha niya ang bag ko saka sabay kaming naglakad sa parking lot at ipinasakay ako sa van.





"YIIIIIIIIEEEEEEEE!" Pang-aasar agad nang anim pagkabukas ng pinto, diretso naman akong umupo sa passenger seat katabi ng driver seat . "Bawat araw mas sumasaya magmula nang makita ka..." Ate Maloi started to sing habang sumasayaw pa sina Ate Aiah, Staku, and Mikha. "Nawawala ang pangangamba 'pag ika'y kapiling na..." Pagpapatuloy naman ni Sheena at hindi naman nagpahuli si Gwen. "Feels like summer when I'm with you, parang islang pantropiko---"

"Mga boang oh! Gikapoy baya ko 'ron hap! (Mga baliw oh! Pagod ako ngayon hap!)" Banta ni Colet sa kanila ngunit mas lalo lang silang natawa. "Ingat kayo mga boang!" Saka siya naglakad na papalayo sa van namin habang hindi pa rin tumitigil sa katatawa ang anim.



















COLET's POV


Buong byahe pauwi ay tahimik lang ang dalawa kong kaibigan lalo na si Chie na hindi pa rin ako kinakausap. Inuna kong ihatid si Zeph sa kanila at sunod naman si Chie.



Ramdam na ramdam ko na ang pagod at antok pero nilalabanan ko lang dahil ayokong ibang tao ang mag-uwi sa dalawa.




"Chie, are you still mad at me?" Tanong ko agad pagkarating namin sa harap ng kanilang bahay. Bahagya siyang tumagilid para makaharap ako. "I'm not mad, I am thinking." Seryoso niyang pagkasabi kaya I sighed. "I'm sorry, Chie, I'm really sorry. I don't want to lose you and our friendship." I looked down after I said that.

I Hate You, I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now