AUTHOR's NOTE:
I added a video of Can't Get Out by: Jem sa chapter na ito.
Also, I created this chapter habang nasa jeep ako kanina papuntang school and I am hoping na magustuhan n'yo to. Fingerscrossed for that.🤞🏻
Thank you to my 10 followers na. You inspired me more sa pagsusulat pa. Enjoy reading ka-blooms!💛
*****************************
JHOANNA's POV
Don Nicolo Chistopher Vergara (Dante Rivero Portray), the owner of Philippine Academy Blooms Davao PBAD
Kakabalik niya lang ng Pilipinas ngayong araw at dinig ko'y hindi na niya ipinaalam pa kay Colet because of our guesting today.
I know how much she loves her Lolo kaya kanina ko lang siya ulit nakitang gano'n kasaya nang mayakap niya ito.
Ang kilala ninyong astig at madaling magalit na Colet ay natatanggal ang angas kapag kasama na niya ang kaniyang Lolo kaya mangiyak-ngiyak din siya nang mahagkan niya ulit ito. Kung mapapansin n'yo naman, halos nakuha ni Colet ang pisngi at mata nito kapag nakangiti. Manang-mana nga sa kaniyang Lolo.
Malaki rin ang utang na loob namin sa kaniya dahil kung hindi dahil sa kaniyang investment, sponsors, and approval sa mga letters na nagaganap sa BINI since day 1 ay wala rin kami ngayon.
We are so thankful dahil hindi lang kaibigan ni Colet ang tingin niya sa amin nang makilala niya kami, kung 'di, mga apo na rin kaya tuwing magkakasama kami ay palagi niya kaming tinatawag na 'MGA APO'.
Matapos niya kaming kamustahin kanina ay bumalik siya sa office. Pansin kong the whole afternoon class namin ay nakangiti si Colet, siguro'y excited na rin siyang umuwi kanina kaya naman pagkatapos ng aming klase ay agad din siyang nagpaalam sa amin.
At ako naman ay hinatid ni Taneo sa bahay. Nahahalata ko na ring 2 weeks na ang cold treatment sa akin ni Tan after no'ng mga naganap sa Variety Show kaya nang makarating kami sa tapat ng bahay ay kinausap ko siya.
"Tan." Tawag ko sa kaniya and he looked at me na kunot ang noo kaya I stared at him. "May problema ka ba?" Pero gulat ako nang bigla niya akong niyakap kaya I caress his back. "Tell me, anong problema?"
YOU ARE READING
I Hate You, I Love You (COMPLETED)
FanfictionA JHOLET lovestory: When Rex Orange County said 'Loving is Easy', but why does it seem like it will just complicate things and friendship? What should I choose? What should I do? 'Cause the more I see her and the more she's around, the more I HATE H...