JHOANNA's POV
It's Monday at kakarating ko lang sa school. I'm glad na hindi nagtagal ang lagnat ko pero medyo may sipon pa ako.
"Babe, ako na magdadala n'yan." It's Taneo referring to my bag and papers na bitbit ko, hinatid niya ako sa school. "No, Tan, kaya ko naman." Bakas sa kaniyang mukha ang pagkadismaya nang hindi ko siya tinawag pabalik ng 'Babe'.
"You're not calling me 'Babe' na." With his sad voice. "Gain my trust first, and I will decide when to call you 'Babe' again." Cold kong sabi saka naunang maglakad patungong classroom.
Pagkapasok ko sa classroom ay hinanap agad ng mata ko si Colet pero natapos na lang ang unang subject namin ay ni anino niya ay hindi nagpakita.
Last Saturday, matapos kaming mag-usap ni Taneo ay umakyat ulit ang anim maliban kay Colet na naunang umalis matapos ko silang palabasin kaya I felt guilty sa aking ginawa sa kanila. Sobrang nadala lang din ako sa mga nalaman ko.
"Where's Colet?" Tanong ko kay Sheena na nagsusulat. "Ay! 'Di mo alam, Te Jho?" Nag-angat siya ng tingin sa akin kaya umiling ako. Huminto siya sa pagsusulat saka nagtinginan sila ni Staku bago ako sinagot. "2 days daw siya aabsent dahil may ibinilin sa kaniya si Lolo na kailangan niyang gawin."
Bigla ay nalungkot ako sa aking nalaman. 2 days? O baka naman may balak na naman siyang umalis?
O baka naman she's avoiding me again dahil binigyan ko ng chance si Taneo? Ugali niya na 'yon eh.
Ngayon concern siya tapos bukas iiwas na naman! Parang tanga!
"Girl." Tawag sa akin ni Staku na katabi ni Sheena kaya sa kaniya ko naman itinuon ang aking tingin. "What made you think na bigyan ng another chance si Taneo?" Napatigil ako sa kaniyang tanong. "Oo nga, Te Jho! Stupid chance 'yon! Mauulit pa yan, sige ka!" Dagdag pa ni Sheena.
Stupid Chance talaga?
Umiwas ako ng tingin sa kanila saka sumandal sa upuan and I sighed. "Hindi naman ako gano'n kasama para hindi magpatawad ng tao, pero if ever man maulit pa. I won't give another chance again."
"May gusto ka na ba kay Taneo?" Mabilis akong napalingon kay Staku dahil sa tanong niya. "The truth is, wala pa ring progress ang pagtingin ko sa kaniya."
"What? So you like him na nga? Like, may pagtingin ka na?" Hindi makapaniwala namang sumabat si Sheena. "No, what I mean is I still appreciate him, pero hanggang doon pa lang talaga ang nararamdaman ko. I can't force myself lalo na't iba naman talaga ang gusto ko."
"'YON OH!" Sabay pabagsak na inilapag ni Sheena ang kaniyang notebook na siyang ikinapitlag namin at nagsitinginan naman ang aming mga kaklase. "ARAY AH!" Reklamo niya sa pagbatok ni Staku sa kaniya. "Ang OA ng reaction mo!"
"Proud lang ako dahil panalo ang manok natin!" Aniya saka tumili pa kaya bahagya akong natawa. "Ba't ka pa nag-stay kung iba naman pala talaga ang gusto mo?" Bigla ay parang sinampal ako ni Staku sa kaniyang sunod na tanong dahilan para hindi ako nakasagot.
It's not that easy kasi.
It's not that easy to say 'NO' sa taong sigurado at pursigido sa'yo kaysa sa pumili ng taong wala ka namang pinanghahawakan, lalo na't baka kaibigan lang talaga ang tingin sa'yo.
"Mag-confess ka kaya, Jho?" Pagsasalita ulit ni Staku na siyang nagpaisip sa akin. Sasagot na sana ako, ngunit, naputol ang aming usapan dahil dumating na ang aming teacher for our second subject.
YOU ARE READING
I Hate You, I Love You (COMPLETED)
FanfictionA JHOLET lovestory: When Rex Orange County said 'Loving is Easy', but why does it seem like it will just complicate things and friendship? What should I choose? What should I do? 'Cause the more I see her and the more she's around, the more I HATE H...