CHAPTER 33: 3 WEEKS APPROACHING

1.4K 37 13
                                    

COLET's POV


"Mga Apo." Boses ni Lolo nang makalapit ito sa mesang kinauupuan namin sa canteen, kompleto kaming nagmemeryenda rito.



"Goodafternoon, Lolo!" Sabay nilang bati kay Lolo saka tumayo at nagmano rito. Nagpahuli naman ako at nanatiling nakatayo sa tabi niya. "Ang dami ko namang mga Apo." Biro niya na siyang ikinangisi nila. "Nagmeryenda na kayo? Idagdag n'yo na rin ito." Napahinto kami sa kaniyang sinabi dahil sa pagkalito pero agad na naagaw ang attention namin sa dalawang guard ni Lolo na kakapasok lang sa canteen na may bitbit na dalawang box ng pizza, isang box ng doughnut, at drinks.



"WOOOW!" Pagkamanghang sambit namin nang sabay. "OMG! Para sa amin to, Lo?" Si Stacey asking Lolo na hindi maalis ang paningin sa mga nakalapag na pagkain sa mesa. "Oo, ubusin n'yo 'yan."

"THANK YOU, LOLO!" They said in chorus saka binuksan ang mga ito. Uupo na sana ulit ako when Lolo tapped my shoulder at sumenyas na sumunod muna ako sa kaniya.










"Bakit, Lo? May problema ba?" Tanong ko agad pagkalabas namin sa canteen. He faced me with his wide smiles. "Wala naman, Apo, I just want to ask kung naasikaso mo na ba ulit ang mga documents at passport mo?" Ang kaninang magandang mood ko ay nawala, with a serious face I answered him. "Lo, pwede mo naman akong tawagan o sana pinapunta mo na lang ako sa office mo para pag-usapan 'to."



"I'm sorry, Apo, alam kong busy ka rin sa schoolworks mo at sa responsibility mo pa dito sa school. I just want to know kung handa ka na bang mag-migrate sa New York since tatlong linggo na lang ay aalis ka na."



"I know, Lo. No worries, I will update you after 2 weeks once ready na lahat, naghahanap pa ako chance na makausap ang pito and also our management."



Tumango-tango na lang si Lolo sa mga sinabi ko. "Okay, Apo, aasahan ko 'yan. Mauna na muna ako dahil I need to attend a business meeting. Call me if you need anything." He kissed my forehead bago siya naglakad papalayo.



Saglit pa akong nanatiling nakatayo sa labas ng canteen. For sure, BINI will still a BINI kahit na mawawala ako.




"So, you're leaving us again?" Agad na napaharap ako nang magsalita si Maloi sa aking likuran. "Y-you heard us?" She rolled her eyes on me saka naglakad papasok sa canteen.



But I immediately stopped her at hinila siya sa loob ng rest room at ni-lock 'yon.

"Maloi, please listen to me first." She crossed her arms habang masama ang tingin sa akin. "Kailan mo sasabihin sa amin? Sa araw na aalis ka na? Just like what you did last summer vacation?"



Huminga muna ako nang malalim at tinitigan siya sa mata. "Of course not, may balak naman na talaga akong sabihin sa inyo, it's just that nahihirapan lang ako dahil ayokong masaktan na naman kayo sa decision ni Lolo." Bagsak ang aking mga braso matapos sabihin 'yon sa kaniya.

I Hate You, I Love You (COMPLETED)Where stories live. Discover now