COLET's POV
Andito kami ngayon sa condo ko. Yes, I have my own house and my own condo pero dahil ayoko munang umuwi sa bahay ko at sa mansion ni Lolo dahil nga nagtatampo pa ako sa kaniya. Dito muna ako sa condo ko. Namamalagi lang ako sa sarili kong bahay kapag nasa business trip si Lolo.
I've decided na sa condo ko gagawin namin ni Jhoanna ang project at pumayag naman siya. Ipinagpaalam ko na rin siya kina Tito at Tita na dito muna siya matutulog at agad din silang pumayag.
Napaka-simple lang ng interior design ng condo ko. Pagkapasok mo ay bubungad agad sa'yo lahat: Ang L-shape kitchen na nasa likuran nito ang sink ko. Tapos sa harap ng kitchen ay ang mesa at upuan as dining room, nasa gilid naman ang aking bed na nasa paanan ang couch at small table ko as my living room.
"Robles, check your socmed." Tawag ko sa kaniya pagkalabas niya sa rest room after magbihis ng light blue croptop blouse and white silk pajama. Nag-trending kasi kami bigla sa social media dahil sa eksena namin kanina sa mall na umabot sa libo-libong likes, share, hashtags, and comments ang mga nag-video sa amin.
Nakabihis na rin ako ng white oversized t-shirt at denim short. Matapos no'ng nangyari kanina ay napagdesisyonan kong magluluto na lang ako ng adobong manok para sa dinner namin habang sisimulan naman niya ang project. And, thanks to God dahil hindi siya kumontra sa suggestion ko.
Habang naghahanda ako ng mga ingredients ay biglang tumunog ang aking Messenger, I've checked it. A videocall from our BINIBINI's GC.
"HELLO, GIRLS! HELLO WOOOOORRLLDD!" Energetic na pagbati ni Maloi nang sagutin ni Jhoanna ang video call dahil naka-loud speaker ito. Hindi na ako sumali pa dahil mang-aasar lang sa amin 'yon.
"JHOLET daw yiiiiiee!" Pagsisimulang asar ni Stacey. Ayan na nga nagsisimula na, masusundan pa 'yan!
"Sige, Staks, simulan mo. Pasalamat ka, wala ka dito!" Angil ni Jhoanna sa kaniya at dinig kong tumawa lang sila.
"Oo ngaaa, kayo ha! Maypa holding hands pa kayo, ayan tuloy nadagdagan ng loveteam ang BINI!" Kinikilig na dagdag ni Bunso Sheena kaya napapailing na lang ako.
"Eto, may nabasa ako sa twitter. HASHTAG JHOLET LAYAAAG! HASHTAG JHOLET HOLDING HANDS!" Si Aiah naman ngayon. "That's why, they don't want us to be in Colet's condo rin kasi they don't want to be disturbed pala sa kanilang moment." Pang-aasar din ni Mikha.
"Ang iingay n'yooo, alam n'yo 'yon?" Ani Jhoanna. "Oo, talagang mag-iingay kami hangga't hindi nagpapakita si Colet dito!" It's Maloi. "HOY COLET! ALAM KONG NARIRINIG MO KAMI! 'WAG KANG MAGTAGO! MAGPAKITA KA SA AMIN!" Sigaw na tawag niya pa sa akin.
YOU ARE READING
I Hate You, I Love You (COMPLETED)
FanfictionA JHOLET lovestory: When Rex Orange County said 'Loving is Easy', but why does it seem like it will just complicate things and friendship? What should I choose? What should I do? 'Cause the more I see her and the more she's around, the more I HATE H...