JHOANNA's POV
Pagkaparada namin ay bumaba agad ako saka tumakbong pumasok sa airport.
Colet, please don't do this to me!
Pagkapasok ko'y iginala ko agad ang aking paningin ngunit sa sobrang daming tao ay nalilito na ako. Napapakunot-noo na ako sa naghahalong emotion na naramdaman ko kaya ipinikit ko muna ang aking mga mata saka huminga nang malalim.
I know she's just around here.
"Jho, let's check sa taas." Pukaw sa akin ni Mikha kaya agad din naman kaming umakyat doon. Na-stranded pa kami ng ilang minuto sa escalator dahil siksikan na.
"Excuse me po, nagmamadali lang."
"May hinahabol lang po."
Sunod-sunod na sambit no'ng anim habang nakikipagsiksikan na talaga kami para lang makaakyat.
Nakahinga kami nang maluwag pagkarating namin sa second floor at iginala ko na naman ang aking paningin. Shux, Colet! Magpakita ka naman please!
And I immediately stiffened as I saw her back figure, inaalalayan si Lolo for second to the last security check. There she is!
"'Yon siya!" Turo ni Staku sa kung saan ako nakatingin.
"COLEEETTT!"
"ATE COLEEETT!"
Sabay-sabay nilang tawag sa kaniya habang tumatakbo kami patungo sa kinatatayuan nila ngunit parang hindi niya ito naririnig dahil hindi pa rin siya lumilingon.
"COLET!"
As I called her with her nickname, doon pa lang siya lumingon sa akin na gulat at nagtataka.
"J-jho? G-girls?" Papalit-palit ang kaniyang tingin sa amin habang hinahabol ko naman ang aking hininga dahil sa pagtakbo. "A-ano'ng ginagawa n'yo dito? Wait, Jho, you called me sa nickname ko? D-does that mean?"
"I hate you!" Tumulo na nga ang luha ko after I said that at agad naman siyang lumapit. "Why are you crying?" Nakakunot-noo pa rin siya sa pagtataka. "I hate you for leaving me again!" Paag-uulit ko saka itinulak pa siya nang mahina. "What? I didn't---"
"I hate you 'cause I love you, Colet." Diretso kong sambit and she froze. Pinunasan ko naman ang aking luha at bakas na rin sa kaniyang mukha ang pagkagulat. "J-Jho---" Lumapit ako sa kaniya saka ko siya tinitigan sa kaniyang mga mata. "Listen to me first." Tumango-tango naman siya saka umayos nang tayo.
"Months before our last summer vacation, I knew I have feelings for you, but I chose to ignore it kasi baka nasanay lang ako na palagi kitang kasama, and when Taneo came ay naituon ko sa kaniya ang attention ko at nawala sa aking isip ang nararamdaman ko para sa'yo. Kaya, no'ng umalis ka, sobrang nasaktan ako. I was hurt, so much hurt, Colet, because you leave me just like that. Ang daming tumatakbo sa isip ko every night at hindi ako nakatutulog nang maayos kakaisip sa'yo. Until, my feelings for you turned to hate because sa ginawa mo sa amin, sa akin."
"I'm sorry, Jho."
"No, I said, makinig ka muna sa'kin." Saway ko sa kaniya na siyang ikinangisi naman ng mga nakapalibot sa amin. "Yeah sorry, nakikinig ako." Aniya pa.
"I'm not sure if you know this, but no'ng time na my family decided na sa Maynila kami magbabakasyon for 3 days ay sobrang saya ko, naramdaman ko lang kasi na makikita kita doon. And yes, I was right, I saw you during LANY concert," her lips formed a circle in surprised after I said that, "I was about to approached you that time, pero nagbago ang isip ko when I saw you with someone na alam kong ultimate crush mo noon pa kaya umuwi na lang ako." Kinagat niya ang kaniyang labi matapos marinig 'yon sa'kin. "Umuwi ako dito na malungkot at nasasaktan na naman kaya the hate I felt ay mas lalo lang nadagdagan at alam kong ramdam mo 'yon pagkabalik mo dahil tinatarayan kita at sinisigawan kapag kinakausap o nilalapitan mo ako..." I stopped and sighed.
YOU ARE READING
I Hate You, I Love You (COMPLETED)
FanfictionA JHOLET lovestory: When Rex Orange County said 'Loving is Easy', but why does it seem like it will just complicate things and friendship? What should I choose? What should I do? 'Cause the more I see her and the more she's around, the more I HATE H...